CHAPTER 27

23.7K 861 54
                                    

Nagising ako sa aking tahimik na silid. I roamed my eyes and found no one's with me.

Napatitig ako sa kisame kasabay nang pag-alala sa lahat ng nangyari.

I took a deep sigh and get up from my bed. Muli kong pinasadahan ng tingin ang bawat sulok ng kwarto ko upang maghanap ng nakatagong camera, ganoon nalang ang tipid kong pagngiti ng wala akong nakita miski isa.

Noella's really not into invading privacy thing.

Marahan akong tumayo at saka nagtungo sa pintuan ko bago ito maingat na binuksan.

Tulad ng inaasahan ko ay maraming nakabantay sa labas ng aking silid upang masigurado na hindi ako makakalabas.

Seems like you're forgetting something my friends.

Muli ko itong isinara at ini-lock saka nagtungo sa aking walk in closet upang magbihis ng gusto kong damit.

Kung tama ang aking hinuha ay malamang sa mga oras na ito ay magkakasama silang gumawa ng plano upang iligtas ang kapatid ko.

Simpleng black tube top at high waist ripped jeans lang ang sinuot ko. Nagsuot din ako ng maong na jacket at ipinusod ng isahan ang aking buhok. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin nang natapos sa paghahanda.

Pagkatapos makuntento sa aking itsura ay naupo ako saglit sa kama upang bumuo ng sarili kong plano.

Kung paano at saan ako magsisimula upang mailigtas ang kapatid ko.

In the middle of settling my thoughts I heard my phone beeped. Kaya naman inabot ko ito mula sa bedside table ko.

I gritted my teeth as I saw an unregistered number flashed on the screen. Wala pa man ay may ideya na ako kung saan galing ang mensahe at hindi nga ako nagkamali nang pindutin ko na ito para buksan.

Want to save your brother? Be here at the Chasters Old Building. Time is gold Poisoner.

Mariin akong pumikit at nagpakawala nang malalim na hininga.

Hindi ako tanga para hindi maisip na isa itong patibong pero handa akong sumugal mailigtas lang si Cjay.

Pinatay ko ang cellphone ko at isinilid ito sa aking bulsa. Ilang segundo ko pang kinalma ang sarili ko bago tumayo mula sa aking pagkakaupo.

Naglakad ako papunta sa aking walk in closet at saka pinihit nang pakabila ang hawakan nito. Unti-unti ay nagbukas ang isang lagusan sa gilid ng pader.

Naisip kong muli ang aking mga kaibigan na nakalimot tungkol sa aking sikretong lugar. Magandang bagay na rin na hindi ko agad nasabi kay Matthew ang tungkol dito kung hindi ay kahit sa loob ng silid ay paniguradong may bantay ako.

Awtomatiko akong napangiti nang maalala ko ang lalaking hindi ko inaasahang pagbibigyan ko ng aking sarili at puso.

I know you care for me... I know you love me... but please do understand that I need to save my brother, Dada.

Nagsimula akong maglakad papasok hanggang sa tumambad sa aking paningin ang mga alaga kong halaman at bulaklak na siyang pinagkukuhanan ko ng aking mga ginagawang lason at pampatulog.

Nagtungo ako sa bahagi ng silid kung saan naroon ang aking mga armas. Guns, daggers and poisoned-bullets. Wala na akong bala na nagtataglay ng pampatulog dahil nagamit na iyon ng aking mga kasamahan nang sumugod sila sa mansyon ni Matthew.

Kumuha ako ng dalawang baril at pinuno ito ng mga balang nagtataglay ng lason 'tsaka ito inilagay sa aking likod. Dalawang dagger naman sa aking hita at isa pa ulit na baril para naman sa kabilang hita ko. Nagdala rin ako ng mga tube na naglalaman ng pinakamatinding lason na aking nagawa at inilagay ito sa aking bulsa.

ATRÓMITOS ORGÁNOSI #1 : POISONER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon