One: Ang Bago Naming Kapitbahay
Unang araw sa bagong taon ng 2020 nang lumipat kami ng papa ko dito sa isang small town sa BLACK VILLAGE dahil sa trabaho niya, okay naman yung lugar dahil marami akong nakikitang mga ka edad ko na naglalakwatsa sa labas ng mga bahay nila pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit nasa dulo yung magiging bahay namin kung saan may creepy na bahay kaming katabi.
"Mr. Anderson! nandito na pala kayo, welcome sa village! natin" isang matandang babae na halos ka edad ng lola ko yung kumaway sa may gate, napahinto naman si papa sa ginagawang paghahakot ng mga gamit papuntang loob ng bahay.
"hello! kumusta mrs. Lim, mr. Lim!" bati ni papa kaya napatingin ako sa dalawang matanda na dala dala yung alagang aso nila.
"kailangan niyo ba ng tulong?" mr. Lim
"nako huwag na po, kaya na namin to ng anak ko, anak!" tawag ni papa sa akin kaya lumapit ako "siyangapala, si Hayley anak ko, anak sila pala yung kapitbahay natin si mr. and mrs. Lim"
"hi po" at ngumiti ako sa kanila, ngumiti din sila sa akin "ano pong pangalan ng aso niyo?" nasabi ko at kinarga bigla ni mr. Lim yung aso.
"siya si Luna" at tumango lang ako.
"sure naba kayong ayaw niyo ng tulong? kasi wala naman akong gagawin ngayon" ani ni mr. Lim.
"maliit lang naman po yung nga gamit namin, actually patapos na din kami diba anak?"
"oo nga po" nasabi ko "balik na po ako dun pa!" nasabi ko at ipinagatuloy yung paghahakot ko ng mga hindi kabigatang gamit sa loob habang patuloy pang nakikipag usap si papa sa mag-asawa. Papunta ako sa magiging kwarto sa itaas at binuksan ko yung mga bintana na nakaharap sa bintana ng kapitabahay namin, hindi ito yung bahay ng mag asawa dahil nasa left side yung kanila , itong bahay nato nasa right side namin. Minasdan ko nang mabuti yung bintana na pinagtakpan ng mga newspaper, ang creepy lang kasi parang may naririnig ako, may tao kaya dun? ang sabi ni papa may nakatira daw pero minsan lang daw nakikita sabi nung may-ari nitong village kaya hindi daw dapat katakutan at hindi dapat kami maniwala sa mga sabi sabi na haunted ang katabing bahay namin kasi hindi daw yun totoo.
"hayleeeey!"
"po! andyan na!" at patakbo akong bumaba, may nakita akong mag ina na may dalang pagkain kaya medyo nahiya ako kasi pareho silang nakangiti sa akin.
"hi! welcome sa lugar namin!" sabi nung babae "ako nga pala si Katy! at ito yung mom ko"
"hi, hayley" nasabi ko at nakipag shakehands sa kanila, binigay nila yung dalang food kay papa at nagpasalamat kami kaya umalis na sila, sinundan ko sila ng tingin at pumasok sila sa gate nung kaharap ng bahay nila mrs. lim, yung kaharap ng bahay namin hindi pa nagpapakilala pati , yun nalang kasi yung bahay na nandito eh kasi pa dead end tong pwesto ng nga bahay namin.
"papa, may tao ba dyan sa harap na bahay?"
"oo hmm ang sabi nagbabakasyon yung pamilya, dalawang lalaki yung anak nila tapos itong weird na bahay sa tabi natin, hindi ko alam kung ilan ang nakatira diyan basta meron daw"
"ganun po ba, mag pamilya rin po?"
"siguro? hindi ko pa alam, magtatanong pa ako kina mr. Lim kasi sila yung matagal na dito, hmmm naayos mo na ba yung kwarto mo?"
BINABASA MO ANG
ONCE IN A BLUE MOON BOY
Mystery / Thriller"He's rare, you only see him in the dark. A low key vampire?"