14

1.2K 54 454
                                    

"Kestrielle!"

Malakas na kinatok ni Tanya ang pinto ko kaya napilitan akong pumasok sa kwarto. I looked at my phone and saw my screen full of notifications from instagram.

"Bakit?" sagot ko pa habang kinukuha ang phone ko sa kama para icheck 'yon saka ko binuksan ang pintuan para kay Tanya.

I saw another message from Caius and the rest are missed video calls from him. Napataas ang kilay ko doon. Ano na naman 'to?

aintcaius: i'm outside

Huh?

"Anong mukha 'yan? Nasa baba si Cai, hinahanap ka!" Napa angat ang tingin ko kay Tanya kaya hindi ko natuloy ang pagtatype ng message ko.

"Nasa baba? Si Cai?" Ulit ko pa at tumango siya.

"Pinapasok ko na! Nakita ko kasi sa labas kanina pagdating ko," Aniya saka pumasok sa kwarto ko at dumiretso sa walk in closet. "Magbihis ka! Naka robe ka lang, jusko!"

Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa salamin. I'm wearing my night gown with puffy and lacy sleeves making it more medieval.

"Bakit daw nandito?" Walang gana kong tanong.

If it's a different day, baka kumaripas na ako ng takbo pababa para lang harapin siya. Kaso hindi. I am so so mad of what I saw. Hindi sa kanya pero sa nararamdaman ko.

I hate that I'm bothered of him. I hate that my emotions are piling up. I just hate whatever I am feeling right now.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko tinanong..." sagot ni Tanya mula sa walk in closet.

"Okay.. bababa na ako.." I said and left my room to go down.

I lazily stepped on the stairs while holding on to the railings. My stoic face remained as I walked towards him. He's calmly sitting on the sofa and when he gazed at me, he immediately stand up.

Mabuti nalang at gabi na kaya wala ang mga househelpers dito. Wala din sina Daddy dito dahil may event sila oversea.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked casually.

I think I sounded off so I bite my tongue. Iniwasan ko din ang mga mata niya dahil naaalala ko padin ang nakita ko. Imagine how he danced with the girl he likes last night and now he's here infront of me tonight.

Ang gwapo niya kaso hindi talaga noon maayos ang pakiramdam ko. Kahit yata anong gawin nito, hindi ko kayang lokohin ang sarili ko na okay ako.

"Do we have any unsettled business? Hindi ka naman pupunta kung wala diba?" I asked again. Ayaw mag salita, e. "Oh, mag sosorry ka kasi nakita ko kung papaano mo niyaya si Sofia?" Dagdag ko pa.

Doon na kumunot ang noo niya sa akin saka nilebelan ang tingin ko. He sighed heavily and put his hands on his pocket.

"Galit ka ba?"

I rolled my eyes. "Oo. Bakit?"

'Wag siyang magtatanong tanong dito. Galit talaga ako.

"What did I do?"

"Ewan ko. Bakit ka muna nandito?" I tilted my head, waiting for his damn apology.

But I suddenly realized, he doesn't owe me anything naman in the first place? I was the one who got mad at myself that I just wanted to blame it all on him because he was the reason why I am feeling all these shits.

I should act better. Theatro member ka, Keesh diba? Bakit hindi mo gamitan ng acting mo ngayon?

Humalukipkip ako at bahagyang ngumisi. "You wanted to see me 'no? You missed me?"

sunrise no sunshine | Buenvenidez Series #3 [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon