We're already on the way to somewhere I don't know. Basta pamilyar lang ang daan dahil mukha papalabas na ito ng Manila. Wala parin akong idea kung saan kami pupunta.
Are we really going on a date o magroroadtrip lang kami? Saan ba kami papunta at bakit hindi niya sinasabi? Don't tell me we'll.....
"Hindi naman tayo magtatanan diba?" Wala sa sarili kong tanong saka bumaling sa kanya.
Bumaling rin naman siya kaagad sa akin at tinaasan ako ng kilay.
His eyes are full of curiosity like I just hit the right button. So totoo ba? But I am not ready! Ni wala 'yun sa plano ko! Is he really doing this to get out of the fame? Hindi ba't ganoon ang uso sa mga movies at libro? Or am I hallucinating?
"We're not.. right? Oo gusto kita but hindi ako ready makipagtanan, Cai!" Sambit ko pa.
"Tanan?" Naguguluhan niyang tanong.
I nodded. "If you have some issues sa showbiz hindi magandang patungan 'yun ng pakikipagtanan! At talagang sa akin pa?"
"Huh? Ano bang sinasabi mo?" He looked confused now. "Hindi tayo magtatanan. Bakit tayo magtatanan?" Tanong pa niya.
"Aba malay ko sayo! I was asking, you know? Hindi ka sumasagot so I concluded na baka ganito 'yun?"
He rolled his eyes, shaking his head while looking back at the road, avoiding my eyes.
"I don't fancy those kinds of things, at kung gagawin ko man 'yon, syempre sasabihin ko sayo. Hindi mo na kailangang magtanong,"
"Oh, eh saan nga tayo pupunta? Kung hindi mo ako itatanan? Saan mo ako dadalhin?"
His brows furrowed. "Sa langit."
"Sa langit!" I repeated with higher tone. "What the hell are you saying?!" I exclaimed.
He laughed now. Tamad na tamad pa siyang sumandal sa upuan niya at pinatong ang kaliwang siko sa may bintana niya saka bumaling sa akin.
"Oh, gulat na gulat ka dyan? Sinagot ko lang ang tanong mo," Para siyang nangaasar pero suplado parin naman ang itsura.
"And you think nakakatawa ka? Sorry Cai but no." I rolled my eyes and even gestured my hand..
"Sorry Cai but no." He mimicked, doing the same thing.
I frowned. I never thought he'd be this annoying! Grabe! It's much better when he's suplado! Nakakafrustrate ito!
"You drive na nga lang! Manonood nalang ako ng movies!" I said and then I kinda realized one thing kaya napabaling kaagad ako sa kanya. "Do you know this is my first time going out without Tanya and Kuya Ramon?"
Napangiti ako saka tuluyan nang humarap sa kanya. I even put my one leg up on the seat.
"Really?"
"Yes! Tapos with you pa. Amazing!" I giggled.
He pouted a bit. Sumilay ang ngiti sa labi niya habang ang mga mata at direktang nakatingin sa harap.
"Gusto ko sana na pasunurin sila but I also think it's better to give this day to them to be with their family saka ikaw naman kasama ko so I don't have to worry.."
He nodded like he's urging me to speak more dahil nakikinig siya. Nagisip naman ako ng pwede pang pag usapan.
"Paano mo nga pala napapayag si Daddy? I was surprised he knew? Pati si Mommy! She texted me pa nga na magingat daw tayo.."
"Yesterday. I was able to talk to them during your party.." Casual niyang sagot.
"Wala ka naman noong simula kaya? Hinanap kita at tinanong ko pa kay Tanya pero sabi niya wala ka naman raw?"
BINABASA MO ANG
sunrise no sunshine | Buenvenidez Series #3 [ COMPLETED ]
General FictionCaius Jeremiah Buenvenidez Fontana, the drummer of Chivalry, a male model and a celebrity, an outstanding student who is known to be an every-girl-in-the-campus' ideal guy, was Kestrielle's crush ever since they first met. He doesn't like her. She'...