"Madam, pinapatawag ka sa office ng Daddy mo. May kailangan daw idiscuss.."
Tanya approached me from the porch. Napatingin kaagad ako sa kanya. Narito ako ngayon sa aming front yard para magpapicture kay Kuya Ramon.
"Isa pa Madam! 'Yung look up naman!" Bumalik ang tingin ko kay Kuya Ramon.
"How do I do that?" I asked.
"Ganito, Madam!" He said and began posing a bit. Bahagya siyang tumingala at madramang nagpose. I laughed at him and agreed.
"Okay, okay! Let me try!" I said and started posing. Nag continue naman siya sa pag click ng phone ko.
Natutuwa ako sa kanya dahil tinutulungan niya ako sa angles. Madalas kasi siya ang taga picture ko kapag wala si Tanya dito.
"Madam! Ang daddy mo, hinahanap ka na!" Sigaw ulit ni Tanya. Napasimangot tuloy ako at pina pause muna saglit si Kuya Ramon.
"Wait nga lang, Kuya. I'll go back, okay?" I said.
Tumango naman si Kuya Ramon sa akin saka iniabot ang phone ko.
"Sige, Madam. Nasa garahe lang ako." Nakangiti niyang sabi sa akin bago ko siya iwan doon pata magtungo kay Tanya.
Humalukipkip si Tanya at sinalubong ako sa hagdan. I poutingly looked at her. Para siyang badtrip na naman because I took too long!
"Bakit daw?" Tanong ko habang nasa phone ang atensyon ko. Madaming shots si Kuya Ramon sa akin na maganda at iyon ang ipopost ko sa Instagram.
I put the best photos on my favorites while we're walking inside the house. Bagay na bagay sa green na front yard ang puti kong off shoulder dress. I bought it the other day when Niña and I went for shopping. Meron din akong pictures na naka denim skirt and a black top. Kanina lang din 'yon.
"May event ata kayo na dadaluhan bukas." Nakuha noon ang atensyon ko kaya napatingin ako kay Tanya. Hindi naman siya nagreact manlang.
"Event? Ako? Kami? Why?" I stopped walking. Nasa first step na ako ng staircase namin at nasa likod ko lang si Tanya.
"Business Associates. Hindi ko padin alam. Inutusan lang ako na tawagin ka."
I pouted and think about it. I don't really go to events that has something to do with Daddy because I get bore easily. But if it's about the Buenvenidezes naman and Caius will be there, I won't mind.
I continued walking until I reached Daddy's office here. Pinagbuksan ako ni Tanya ng pinto saka ako hinayaan na pumasok bago siya sumunod sa akin. Nadatnan naman namin si Daddy na nakaupo sa kanyang swivel chair at puno ng dokumento ang table.
"Yes, dad? Pinapatawag mo daw ako?" I sat on the sofa and laid my back. Sumunod din si Tanya pero nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ko.
Tumango si Daddy at pinasadahan ng tingin ang suot ko. "Yeah. But before we talk about it, can you please explain to me first kung bakit ayos na ayos ka? No galas during weekdays right?"
I pouted a bit before explaining. "I just had some photoshoots outside. Maganda kasi ang panahon and it's boring inside my room kaya nag photo shoot nalang kami ni Kuya Ramon. I look pretty 'no?"
Natawa naman si Daddy saka tumango. "Yup. You look good but I hope you're not doing that for some suitors.." Aniya.
Narinig ko naman ang mumunting tawa ni Tanya kaya agad ko siyang inismiran. Tumigil din naman siya.
"I don't ha! I don't entertain men I'm just so busy with school.." I defended, slightly ashamed because I planned this photoshoot so Caius would see it on my instagram feed!
BINABASA MO ANG
sunrise no sunshine | Buenvenidez Series #3 [ COMPLETED ]
Fiksi UmumCaius Jeremiah Buenvenidez Fontana, the drummer of Chivalry, a male model and a celebrity, an outstanding student who is known to be an every-girl-in-the-campus' ideal guy, was Kestrielle's crush ever since they first met. He doesn't like her. She'...