"Chloe's vet called. Pwede na raw bumisita,"
Early in the morning, Brett called me for an update about Chloe's C-Section delivery. He got a show in Cebu recently kaya ako ang nagasikaso kay Chloe habang wala siya. Okay lang naman sa akin dahil wala naman akong schedule para sa ngayong araw. Iniwan kasi namin siya sa vet since hindi na niya kayang mag normal delivery dahil sa age niya.
"Okay. Doon ako didiretso after ko mag gym.." I said and finally decided to get up from bed. Hindi na rin nagtagal ang usapan namin ni Brett dahil kinakailangan na rin niyang magtake ng flight pauwi sa Manila.
I changed for my gym clothes and went out of the highstreet to jog for five to ten laps before I work out. May ilang nakakilala sa akin at lumapit para magpapicture. It's usual for me and I got used to it since ganito rin naman sa New York. Although I still have sessions of my anxiety, ay medyo nasanay na ako sa crowd.
Natagalan nga lang ako bago dumiretso sa gym. I spent another two hours working out bago ako pumunta sa Aura para payapang kumain ng breakfast kahit pa may iilan paring lumapit sa akin.
Tanya:
I updated your schedule. Pumunta ako sa unit mo at iniwan ko ang mga invitations na natanggap ko para sayo. Just call me immediately for the RSVP.
Binasa ko ang message ni Tanya habang naglalakad patungo sa vet clinic na nasa ground floor lang naman ng condominium. I also updated Brett that I'm on my way to see Chloe and I also took the time to respond to some text messages. Nasa phone pa ang mga mata ko habang hawak ang handle ng pintuan ng clinic.
"Thanks," I simply said when someone opened the door for me.
"Sure.."
Agad akong napasulyap sa kanya nang magsalita siya. Pamilyar rin sa akin ang scent ng pabango niya kaya sinigurado ko kung tama ba ang hula ko.
"Hey. What are you doing here?" I asked Caius. Kahit naman kasi nagkikita kami during work, nakakapanibago parin na makita siya during normal days.
Sabay kaming pumasok sa clinic. Dumapo ang tingin ko sa lounge area at nahuli kaagad ang mata ng attendant na nakatingin sa amin at mukhang nagulat na makitang magkasama kami ni Caius dito kaya iniwas ko sa kanya ang tingin ko.
"Grooming.." Simpleng sagot ni Cai.
"You got a dog?" I asked.
Umiling siya. "Kay Ate. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Saglit siyang tumingin sa akin bago kami tuluyang dumiretso para harapin ang attendant.
"Visiting.. Brett's dog had a C-Section delivery.." I explained.
Tumango tango siya habang ang mga mata ay nasa form na finifill-up-an niya. He got busy filling up the information so I took that chance to leave and went towards Chloe's room.
Nakita ko kaagad si Chloe na payapang natutulog katabi ang apat ng puppies niya. They're inside the ICU so I couldn't go nearer. Pinanood ko lang sila through the glass at bahagyang nainggit dahil masyadong peaceful ang itsura nila while I'm too worn out here from my work out.
"Is that her?"
Hindi ko namalayan na sumunod pala si Cai sa akin at nakitingin rin sa nasa loob ng ICU. May hawak na siyang leash ngayon at nakita ko ang katabi niyang siberian husky na tahimik na nanonood sa aming dalawa.
"Four puppies. How did it even fit on her stomach?" Mukhang palaisipan sa kanya kung papaano nga nagkasya ang apat na tuta na 'yon sa maliit na tyan ni Chloe.
"You couldn't imagine what she looked like. Mukha siyang nakalunok ng bola." I chuckled a bit, slightly remembering what Chloe looked like the first time I saw her when I came back here.
BINABASA MO ANG
sunrise no sunshine | Buenvenidez Series #3 [ COMPLETED ]
General FictionCaius Jeremiah Buenvenidez Fontana, the drummer of Chivalry, a male model and a celebrity, an outstanding student who is known to be an every-girl-in-the-campus' ideal guy, was Kestrielle's crush ever since they first met. He doesn't like her. She'...