PROLOGUE

11.8K 183 3
                                    


Hirap na hirap ako sa paglalakad dahil mabigat ang mga libro na dala ko ngayon. Ang dami ko kasing hiniram sa library dahil padating na ang midterm exam. Lahat ng estudyante sa paligid ko ay nagmamadali din. Hindi ko lang alam kung bakit pero hindi ko na inintindi pa.

Papasok na sana ako sa library nang biglang may babaeng nagmamadaling tumakbo at mukhang di nakatingin sa daanan dahil panay ang sulyap nya sa kanyang relo. Humakbang ako paatras para sana iwasan sya dahil malapit na syang bumangga sa akin pero mukhang hindi pa din iyon sapat. Bigla syang lumiko at sakto naman na nasa harap nya na ako.

Bumagsak ang tatlong librong makakapal na dala ko. Hindi na ako masyadong nagulat dahil alam ko naman na mangyayari iyon. Pero ang babae sa harap ko ay nataranta sa nakita at agad na pinulot ang mga libro. Tumulong din naman ako agad.

"I'm sorry. Sorry talaga, Miss."

"That's okay. You seem in a hurry. Kaya ko na 'to."

Pinulot ko ang huling libro saka ko sya nilagpasan. Inayos ko ang bag ko habang naglalakad na papasok.

"Oh, ang aga mo ngayon Alex."

"Good Morning po. Kelangan ko na pong ibalik 'to Ms. Gomez kasi masyado na silang mabibigat. May exam nadin ako mamaya e."

Nakangiti lang si Ms. Gomez habang inaasikaso ang papel na binigay ko sa kanya.

"Ayos na. Ibalik mo nalang sa mga shelf yung mga libro. Good luck sa exam, hija."

"Thank you po."

Mabait si Ms. Gomez na librarian ng school. Minsan sya nagiging strikto at masungit sa mga estudyante kapag talagang maingay na at di na mapagbawalan.

Pagpasok ko palang sa classroom ay tahimik na ang mga tao. Maging si Gail ay tahimik lang din na nagbabasa. Umupo ako sa tabing upuan nya. Hindi ko na sya ginulo pa dahil baka hindi pa sya masyadong nakakapagreview.

"Good morning, class."

"Shit, andyan na si Sir." Umayos ng upo si Gail at nabigla nang makita nya ako. Inirapan ko lang sya.

"Andyan kana din pala! Di ka nagsasalita."

"Busy ka e."

"Okay class, let's start our exam."

Nanahimik kami at nagsimulang ihanda ang mga kelangan para sa exam namin.

"Paputol ng ulo ko, Lex."

Nagtataka man sa sinasabi ni Gail ay hindi ko na sya pinansin. Patuloy padin ako sa paglalakad at naiiwan na syang mukhang tanga na nag-iisip padin sa mga sagot nya sa exam.

"Hoy Alex! Wait naman!"

Patakbong humabol sa akin si Gail.

"Tapos naman na exam, Gail. Wag mo nang intindihin yun."

"Ayon! Palibhasa kasi madami kang nasagot!"

"Syempre! Nagpuyat ako para paghandaan yon 'no."

Pababa na kami sa hagdan ng biglang may natapon sa aking tubig. Lahat ay napahinto sa paglalakad dahil sa nangyari. Maging si Gail ay napasigaw pa sa gulat.

Huminga ako ng malalim. Pinipigilan magwala dahil sa nangyari sa akin. Basa na ang puting uniform ko. Pati narin ang cellphone ko na hawak ko sa kanang kamay ay nabasa din.

"Oh my God! I'm sorry!"

Bumaba ng hagdan ang isang babae. Ilang baitang lang ang distansya ng babae sa akin. Humarap sya akin, may dalang tissue. Akmang ipupunas na sa damit ko nang hawakan ko ang braso nya. Seryoso ko syang tiningnan. Yung tipong hindi na natutuwa pa sa nangyari. Nagulat pa ako ng bahagya dahil ang babaeng nakatapon ng tubig sa akin ay ang babaeng nakabangga sa akin kanina sa library.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon