8 years later..
Nasa balkonahe ako ng hotel suite ko, tumatambay. Kita ko mula dito ang ganda ng dagat na nagpapakalma sa akin. Pinagmasdan ko din ang mga tao sa baba, na may kanya-kanyang gawain. Lalo na ang mga bata na nagsisitakbuhan sa buhangin.
May kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko agad iyon at dumating si Freya, kasama si Lily na anak nya. Ang maliliit nyang kamay ay nakalapit sa akin, nagpapakarga. Kaya binuhat ko ito at pinaulanan ng halik sa mukha nya.
"Mi, dont.." pigil nya sa akin.
"Why? Don't you like it?" Tila nagtatampo kong tanong.
"Nagmamaktol yan. Hinahanap ka." Sabat ni Freya. Dumiretso syang kusina saka hinanda ang dalang pagkain.
Sumunod ako habang karga ko parin si Lily. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala sa balikat ko yung bata.
"Saan kayo galing at pagod na pagod ang anak mo?" Inis kong tanong.
"Dinala sya ng tatay nya sa mall. Ayan, bagsak."
3 years ago nabuntis si Freya at si Lily ang naging resulta. Sobrang wasted ba naman nya nung nalaman na namatay ang Daddy nya kaya ayan, imbes na sa hospital ng Pinas dumiretso, sa Bar nagpunta. Hindi ko sya nasamahan nun dahil nasa ibang lugar naman ako, inaasikaso yung project na tinanggap ko ulit matapos ang skyscraper na binuo namin ng limang taon sa Spain, Chicago, Dubai, London at Greece.
Sabagay, hindi agad sya nun nakauwi dahil ang flight nya pa pauwi ng pinas ay two days pa. Nung una, hindi nya matanggap pero dahil sa tulong ko, unti-unti syang naging maayos. Ngayon nga ay nagpapasalamat sya sa akin dahil kung wala daw ako, wala daw ang anghel sa buhay nya ngayon.
Simula ng lumabas si Lily, para ko narin syang tinuring na anak. Present ako sa lahat ng nangyari dyan, maging sa panganganak ako ang kasama ni Freya. Kulang nalang mag-asawa na kami e. Which is napagkakamalan na talaga kaming dalawa na tinatawanan lang namin.
Ngayon ay may fiancee sya. Si Hector na isang engineer. Nakatrabaho namin sya ni Freya sa skyscraper na project. Sa States talaga sya nakatira at dahil isa sya sa napili nagkasama-sama na tuloy kami. Iba't-ibang lahi din ang nakasalamuha namin. At sa loob ng limang taon, di mapagkakaila na pamilya na ang turing namin sa isa't-isa. Kaso si Hector, asawa na ang turing kay Freya. Mga mahaharot! Mabuti nga at tanggap nya si Lily kahit hindi talaga sya ang ama. Aba subukan lang nya na hindi tanggapin, sampal ni Freya ang aabutin nya.
"Katatapos lang ng project mo ah. Pahinga ka nalang ngayon?" Bungad nya sa akin pagbalik kong kusina. Nilapag ko muna kasi sa kama ko si Lily dahil tulog na nga kanina pa.
"Oo. Pinag-iisipan ko pa ngayon kung tatanggapin ko yung project ni Mr. Furrer." Nagsimula akong kumain.
Another 2 years ang project na yon at sa Brazil naman iyon mangyayari. Five star hotel naman yun. Yun nga lang hindi ko na kasama ulit si Freya dahil mas nagfofocus sya sa pag-uwi nya sa Pinas. Magpapakasal na kasi sila ni Hector next year.
"Hoy, ano? Wala ng uwian?" Nagsimula nanaman magtalak ang aking wannabe'ng ina.
"Di pa naman sigurado oy," sumubo ulit ako ng pagkain. Medyo tumaba nga ako ngayon e. Hiyang ako siguro dito sa Mexico.
"Umuwi kana. Miss kana ni Tita Meg! Tsaka si Axel, ang gwapo na ngayon! Binatang-binata na!" Kaya sya ganyan magsalita dahil nakita na nya ang pamilya ko nung minsan syang umuwi sa Pinas. Mabuti nga sya nakakauwi na. Samantalang ako, di pa kaya dahil sa trabaho.
"Bahala na," pagtatapos ko sa usapan.
Miss na miss ko naman talaga sila. Puro kami video call ni Mama at Axel. Ang dami ng nagbago sa loob ng walong taon. Yung business ni Mama na hacienda din, at puro gulay ang tanim dahil sa tulong ni Tita Nes, ay lumago at mayroon na din sa Nueva Ecija at Bataan. Si Axel naman ay high school na ngayon. Si Papa ay well, hindi ko masasabing malakas parin dahil inatake nanaman sa puso dalawang buwan na ang nakaraan. Si Xander na ang humahawak sa kompanya ni Papa at patuloy nya itong napalago. Meron na ngang branch sa Japan e.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis