31

1.4K 44 6
                                    

Hila-hila nya ako paalis ng canteen. Dinala nya ako sa rooftop ng building. Nanginginig sya habang hawak ang kamay ko. Pinakiramdaman ko ang sarili.. bakit ganito? Tangina, hinawakan lang nya ako parang gusto ko ng magmakaawang bumalik sya sa akin. Habang hawak nya ang kamay ko, hindi ko din mapigilan sumaya. Parang lahat ng nararamdaman kong sakit at lungkot, nawala dahil lang sa hawak nya.

Posible pala yon? Nakakabaliw!

Nakatitig lang ako sa kamay namin.. sinusulit ang tagal ng pagkakahawak nya sa akin.

Kung alam mo lang, Erin. Kung alam mo lang kung gaano kalaking parte ng buhay ko ang nawala simula ng iwan mo ako. Gusto kong sabihin na hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko, para sa kanya. Pero pinigilan nalang ang sarili.

Ginusto nya 'to. Ako ang iniwan.. kaya hindi ko dapat hayaan ang sarili kong maging wasted tulad nung iniwan nya ako. Hindi pwedeng sa pangalawang pagkakataon, saktan nanaman nya ako ulit.

Pagdating sa lugar ay doon sya natigilan. Hawak parin nya ang kamay ko. Tila hindi pa nya napoproseso na hinila nya ako mula sa canteen, hanggang dito sa rooftop.

"Now what?" Basag ko sa katahimikan. Ako na din ang kumalas sa kamay nyang nakahawak sa akin. Kahit ayoko, kailangan.

"Alam mong allergic ka doon, Alexis." Hindi sya nakaharap sa akin habang ako naman nanatili lang sa likod nya.

Mapait akong tumawa. "Why do you care? Pagdating sa ganitong bagay, alam mo ang gagawin ah." Naiiyak ako shit. "Samantalang noon, inaya kitang magpakasal.. alam mo ang gusto kong mangyari pero hindi mo ginawa. Tapos ngayon, susulpot ka? Nagpapatawa kaba?"

Kumuyom ang kamao nya. Hindi sya umimik sa sinabi ko. Bahagya din nanginginig ang kanyang balikat.

"Kulang ang epekto ng allergy sa akin kung tutumbasan nun ang sakit, hirap at lungkot na nararanasan ko ngayon, Miss Ruiz." Sinadya kong maging pormal sa kanya. Ni banggitin ang pangalan sa harap nya ay hindi ko magawa. Ang sakit lang kasing bigkasin. Noon, ang sarap sa feeling na tawagin sya. Kasi alam kong nung panahon na yun, masaya kami. Ngayon? Hindi na.

"Stop confusing me," pirmi kong sinabi. Akala ko ba ayaw na nya? Bakit ganito sya ngayon diba? Nililito nya ako. Sa sobrang lito, para na akong nahihilo.

"Okay," humarap sya. Namumula ang mga mata. Napaiwas ako ng tingin. Hanggang ngayon, ayoko syang nakikitang ganito. Nahihirapan ako dahil alam kong ako mismo ang dahilan ng mga luhang yan.

Aalis na sana ako nang tawagin nya ako. "Alexis.." Napapikit ako. Iniisip ko na baka ito na ang huling beses babanggitin nya ang pangalan ko.

"Isang tanong lang sana masagot mo,"

Hindi ako umimik. Tinitigan ko sya sa mata. Tila naintindihan nya ang gusto kong sabihin. Lumunok sya at pinunasan muna ang luha sa kanyang pisngi.

"Si Freya.. girlfriend mo na ba sya?"

Natawa ako. Yung tawa na nang-aasar. Ano ba to? Mukha ba akong mabilis magmove on sa kanya kaya ganyan ang tanong nya? Kung sa bagay, madami na din akong naririnig na usap-usapan. Hindi na nga lang ako nag-abala pang klaruhin ang mga iyon dahil alam kong huhupa din ang chismis na yun. Mukang hanggang sa kanya nakarating huh?

"Sana nga totoo yan." Nakita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata. "Pero hindi e.. hindi ko maturuan to." Saka tinuro ang puso ko. "Mahal parin naman kita, wag kang mag-alala. Kahit ang sakit na, kahit nakakapagod na, kahit gusto ko ng magpakamatay, sirain ang buhay, dahil sa tanginang nararamdaman ko na'to.. mahal parin kita. Mahal na mahal.."

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon