15

1.8K 64 2
                                    

Halos gusto ko nang magback out sa company kung saan kami mag'o-OJT ni Gail. Nanginginig ang mga kamay ko matapos kong makita ang mga makakasalamuha namin doon. Hindi ko kayang ihandle ang pakiramdam ko. Para akong tinakasan ng dugo matapos kong makita ang taong akala ko ay hindi ko na makikita pa.

"Alex calm down." Pagpapakalma sa akin ni Gail. Nandito kami ngayon sa hagdan sa may fire exit. Dito ako agad dumiretso matapos ko makita si Kei. Na isa palang nagtatrabaho dito ngayon. At ang mas masaklap pa, sya ang trainor namin ni Gail.

"Shit, Gail. Paano ako kakalma?! Ha?! Paano!" Wala sa sarili akong napasabunot sa aking buhok. Ramdam ko ang sakit ng aking anit ngunit hindi ko na iyon ininda pa.

"Let's be professional here, Alex. Wag mong ipahalata na apektado ka parin kay Kei."

Halata din kay Gail ang gulat. Hindi nya pa nga alam nung una kung ano uunahin nya kanina. Kung susundan nya ba agad ako or kung kakausapin nya ba si Kei na papalapit na sa kanya kanina.

"Tapos na ako sa kanya, Gail. Sigurado ako doon e." Isa yan sa mga narealize ko nung dumating sa buhay ko si Erin. Pero shit happens. Bakit ganito ako ngayon?

"Lex, baka dahil nabigla ka lang? And the fact na iniwan ka nya ng wala manlang paliwanag kaya ka ganyan nung nagkita kayo." Inakbayan ako ni Gail at tinapik-tapik pa ang aking balikat. "Maybe you are mad. Because at some point, you deserve an explanation after all." Dagdag nya.

"In short.. you need a closure." Maya-maya lang ay sinabi iyon ni Gail.

—————

Tulala lang ako habang nakaupo sa loob ng office. Lunch break na at nandito parin ako. Samantalang si Gail ay lumabas saglit para bumili ng pagkain namin. Gusto ko na ngang umuwi na lang sana kaso etong si Gail napilit akong manatili. At isa din sa dahilan ay baka maging masama ang impression sa akin ng mga nagtatrabaho dito na makakasama namin kung paiiralin ko tong nararamdaman ko ngayon.

Nagvibrate ang phone ko na nasa mesa. Agad ko iyon kinuha at nakita si Erin na nagtext. Nawala ang alalahanin ko sa buhay. Sa di maipaliwanag na dahilan ay napangiti ako agad.

Shet ang baduy mo, self.

From: Erin

Hey, eat your lunch. I'm here na sa company. Let's meet tonight okay? Take care.

Magrereply na sana ako nang may huminto sa tabi ko. Alam kong si Kei iyon. Pero nanaig ang diko pagpansin sa kanya at binalewala nalang ang presensya nya.

"Aj." Tangina.

Mariin akong napapikit. Kung noon lang to, at yan ang tinawag nya sa akin ay malamang todo ngiti akong haharap sa kanya pero iba na ngayon. Wala akong maramdaman kundi galit sa babaeng tumawag non sa akin.

"K-kumain.. kana?" Sobrang hina ng boses nya pero kahit ganon ay dinig ko parin. Sabagay, walang tao ngayon dito sa opisina dahil nasa canteen lahat. Kami lang dalawa ngayon ang nandito ni Kei. Tanging tunog lang ng aircon ang namamayani.

Hindi ko sya pinansin. Nag-uumpisa na kasi akong mag-alala at mag-isip kung paano ko ba sasabihin kay Erin lahat ng 'to. Nangako ako sa kanya na hindi ako gagawa ng ikagagalit nya. At sa tingin ko, kahit walang alam si Erin tungkol sa nakaraan ko kay Kei ay kelangan nya parin iyong malaman.

"I bought yo—"

"Look, Ma'am Kei." Talagang diniinan ko ang pagtawag ko sakanya. Sabi nga ni Gail let's be professional daw. Edi go. Tsk. Nagulat syang nakatingin sa akin. Hindi nya siguro inaasahan na magsasalita ako dahil mula pa kanina ay hindi na ako nagsasalita. Puro tango lang ang response ko sa tuwing magsasalita sya.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon