I took a deep breath. Yun nalang kasi ang natitira kong paraan para mapakalma ang sarili ko. I am seating here at the balcony of my condo, watching the stars while drinking beer. And oh, I am not alone. In fact, kumpleto ang buong barkada. Lahat sila may partner.. ako lang ang wala.
I am pissed right now. Gail is joking around about married to Erin and his goddamn boyfriend. I know naman na lasing na sya kaya ganyan sya magsalita but still, hindi ko makontrol ang iniisip ko. Gusto kong ihulog si Gail pati narin ang boyfriend ni Erin dito sa balkonahe sa totoo lang. In order to avoid that plan on my mind, nagpunta na lang ako dito.
Huling tungga ko na sa beer saka ito tinapakan. Iniisip kong mukha ng boyfriend ni Erin iyon kaya gigil na gigil ko parin iyong tinapakan, saka tinapon sa basurahan.
"Fuckers," I cursed.
Bumalik ako sa sala. Nagkakasiyahan parin silang lahat samantalang ako, iritable. Eh kung palayasin ko kaya sila lahat dito?
Hindi ko naman sila inimbitahan dito in the first place. Basta nalang sila kumatok tapos dire-diretso silang nagsipasok dala ang beers and chips. Sabi nila i'celebrate ko daw pagiging big boss ko.
Big boss? Para lang akong leader ng gang psh.
"Oh, Alex!" Tawag sa akin ni Kei sabay lambitin sa leeg ko. Hanggang sa mapunta akong kusina, nasa ganoon parin ang posisyon namin.
"Ang bigat mo!" Sigaw ko. Agad naman syang lumayo sa akin.
"Napakasungit mo naman. Is it because of Erin and his boyfriend?" Kei is not totally lasing. Sinasalo ng fiancee nyang si Jax ang lahat ng inumin kaya sa kanilang lahat, sya ang mas gusto kong kausapin kesa kila Tanya at Gail na kung ano-ano ng pinagsasabi.
"Wala man lang ba kayong pakialam sa feelings ko?" Asar kong tanong. Kumuha ako ng cake saka iyon ang pinagdiskitahan. "For pete's sake, Kei! Di baleng hindi nalang sumama si Erin kesa naman ngayon na nandito nga sya, bitbit naman nya ang boyfriend nyang barbie."
Kung may kinakain man sya ngayon, baka binuga na nya iyon sa pagmumukha ko sa sobrang gulat.
"Barbie?!" Napahagalpak ng tawa si Kei. Sa sobrang lakas ng tawa nya, nagsidatingan ang barkada.
"What the fuck is happening here?!"
Lumapit si Tanya kay Kei saka iyon kinausap kung anong tinatawa nya. Busy sya sa ganon kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na layasan sila. Saka ko lang napansin na naiwan pala sa sala si Liam at Erin.
"Boss," tawag sa akin ni Liam. Tinaasan ko sya ng isang kilay.
"What?"
"I need to go," tumayo sya. "Okay lang bang iwan ko sayo ang girlfriend ko?" Tiningnan ko sya na para bang tinubuan ng isa pang ulo ang katawan nya. Is he insane? Sinong matinong tao ang gagawin yan? Psh.
On the other hand, he's doing me a favor. Aalis sya, iiwan nya sa akin si Erin.. then I have a chance again to talk to her. Yun nga lang, kung makikipag-usap parin si Erin sa akin.
"Whatever," I said. Lumapit sya kay Erin at hinalikan ito sa noo.
Kumuyom ang kamao ko sa nakita. Bakit nga ba mukha akong tanga na nakatayo parin dito sa sala, at ang mas malala pa.. sa harap ng mga 'to?!
"Ingat ka, baby." Si Erin saka matamis na nginitian si Liam. Doon na ako umalis. Hindi ko na kaya pang tingnan.
Dumiretso akong kwarto saka nilock iyon. Naligo ako ng halos kalahating oras. Sobrang init ng ulo ko to the point na ginawa kong maligo para mawala iyon.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis