"Let's hang out tomorrow night, Lex! And oh, My Tanya is here na! So better to get your fucking butt at Kei's club. 9PM sharp!!"
Nakauwi na pala si Tanya. Kaya pala tuwang-tuwa ang bruha. Namiss ko din ang bruha na yun ah. Balita ko sikat agad ang project nya doon at pinag-uusapan iyon ngayon.
Nakalayo na ang phone sa teinga ko dahil sa sigaw ni Gail sa akin. Nandito ako ngayon sa site kasama ang mga engineers at architects. Maingay ang paligid at tagaktak ang pawis ko sa sobrang init.
Binigyan ako ni Freya ng tubig kaya agad ko iyon tinanggap at ininom. Tumabi sya sa akin habang pinagmamasdan ang patapos nang condo kung saan project namin dalawa ni Freya at ng iba pa.
Ang sarap lang sa pakiramdam na nakikita kong successful nanaman ang project na tinanggap namin. Ilang buwan din iyong ginawa at heto, nakikita na namin ang resulta.
"Nakausap ko na ang kaibigan ko. Tuloy na ba talaga yung plano?"
Nakiusap kasi ako kay Freya na kausapin ang kaibigan nya na may-ari ng seafoods restaurant kung saan kami napapadalas ni Erin kumain. Mas gusto nya ang mga menu doon kaya pinili kong iyon ang place kung saan gaganapin ang 3rd anniversary namin one week from now. Nirentahan ko ang buong place.
Ang bilis ng araw. Hindi ko namalayan na aabot kami ng tatlong taon. Okay naman kami ni Erin. Pakiramdam ko, bumabawi sya sa mga kakulangan nya sa akin. Ako din naman, ginawa ko lahat para bumalik ang dating saya ni Erin. Nagtataka man ako nung una pero hindi ko iyon binigyan ng pansin. Ang mahalaga para sa akin ay ayos na kami. Madalang na din ang tampuhan at away sa pagitan namin. Walang mapaglagyan ang saya ko ngayon, sa totoo lang.
"Oo nga. Bakit ba nagtatanong kapa? May problema ba?" Nagtataka kong tanong. Para kasi syang nagdududa. Hinayaan ko nalang tuloy sya doon sa pwesto namin sa sobrang inis at dumiretso na sa kotse ko.
Binati pa ako ng mga nagtatrabaho doon. Nagpaalam naman ako na uuwi na. 5PM nadin kasi. May isang oras pa ako bago makapunta kay Erin. Dumaan pa ako sa flower shop para bilhan si Erin ng bulaklak. Nakasanayan ko narin kasi syang bigyan nun. Hindi ko na tuloy mapigilan.
Pagdating ko sa lobby ng company ay nakasalubong ko pa si Mrs. Tan. Isa sa naging clients ko. Masyado syang humanga sa mga nagawa ko sa kanyang rest house kaya kapag nakikita nya ako ay tuwang-tuwa sya sa akin.
"The almighty Architect Sylvia!" Maligaya nyang sinabi. Nahihiya nga ako dahil mukhang nakahakot iyon ng atensyon dito sa may lobby. Napag-alaman ko na sya ang Vice President ng kumpanya na ito kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nandito sya.
"Good Afternoon, Mrs. Tan." Magalang kong bati.
"What brought you here?" Sya naman ngayon ang nagtataka kung anong ginagawa ko dito ngayon.
"Uh.. I am waiting for my girlfriend. She's working here." Bahagyang nagulat si Mrs. Tan. Alam nyang babae ang jowa ko. Pero hindi nya alam na dito nagtatrabaho.
"Bakit hindi mo sinabi? I might ask her out for some coffee if sinabi mo sa akin."
Sasagot na sana ako nang makita ko si Erin na kalalabas lang ng elevator. At parang deja vu dahil kasama nanaman nya si Dylan. May dala din si Erin na bulaklak. Pero ang pinagkaiba nga lang ngayon ay mas magara ang dala ko kesa sa dala ni Erin ngayon.
"She's here," Lumingon naman si Mrs. Tan kay Erin na kasama parin si Dylan. Nakita ko ang pagtataka nanaman sa mga mata ni Mrs. Tan nang makita silang dalawa.
Lumapit ako kay Erin at hinalikan sya sa pisngi. Lumayo naman si Dylan nang nilapitan ko si Erin. Tinaasan ko sya ng kilay. Jerk.
Ang dami ngayong tao sa lobby. Sakto din kasi na uwian na ng mga empleyado at kasama ko pa ang Vice President ng kumpanya. Nagulat pa si Erin nang makita si Mrs. Tan kaya bumati sya dito. Ganon din si Dylan. Ang kapal ng mukha, nagtagal pa talaga dito.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis