Nandito kami ngayon sa Italian restaurant. Dito ako dinala ni Kei para makapag-usap kami at para narin makapag dinner. Tahimik lang kami habang hinihintay ang aming order. Panay din ang paglingon nya sa iba't-ibang direksyon ng lugar na alam na alam ko kung bakit nya iyon ginagawa. Malamang, kinakabahan sya.
"Hey, don't be nervous."
Agad syang napatingin sa akin. Tipid ko syang nginitian kaya medyo kumalma sya sa harap ko at tumawa.
"I'm sorry. Alam na alam mo parin ha?" Medyo amused nyang sinabi.
Bahagya din akong natawa. "Of course. That's your mannerism."
Dumating ang inorder namin at tahimik naman kaming kumain. Minsan, may kinekwento sya na agad ko naman pinapakinggan tapos tatawanan. Puro ganon lang ang nangyari hanggang sa matapos kami. Nagbigay din ng dessert ang waiter sa amin at wine.
"I'm sorry, but can I have a water please?"
Agad naman tumalima ang waiter sa sinabi ko kaya umalis ito at pagbalik ay may dala ng baso ng tubig.
Tahimik ulit ang buong paligid. Tila ba nagpapakiramdaman kami ni Kei kung ano ang sasabihin. Pero sa huli, sya rin ang unang nagsalita.
"Kamusta ka, Aj?"
Huminga ako ng malalim. "I'm okay."
"First of all, I want to say sorry." Panimula nya sa akin. Hindi ako umimik at binigyan sya ng pagkakataon na magpaliwanag. "I'm sorry if I left you behind. I'm sorry kung mas pinili kong sundin ang Papa ko kaysa ang ipaglaban yung relasyon natin noon. I was coward back then. Tinakot nya akong itatakwil at kukunin lahat ng bagay na meron ako. Bata pa tayo noon, wala pa akong maipagmamalaki, Aj."
Naluluha na sya ngayon. But I remained silent. Wala akong ibang maramdaman kundi gaan ng loob. Para bang nawala yung problema na nakapasan sa akin sa loob ng tatlong taon.
Siguro nga, heto lang ang paraan para maging maayos ako.
Kasi sa totoo lang, kinakapa ko ang sarili kong nararamdaman sa mga oras na nakikita at nakakausap ko si Kei. At tanging galit at sakit lang lahat mula sa pag-iwan nya sa akin ang nakikita ko. After all, deserve ko ang paliwanag nya. At hindi nga ako nagsisisi na nakinig ako kay Erin na makipag-usap dito kay Kei.
"That's okay. At least, naliwanagan na ako. Yun lang naman ang kelangan kong marinig, Kei.. ang paliwanag mo lang."
"Maraming salamat, Aj. Actually, natatakot ako." Uminom sya ng wine saka sya nagpatuloy. "Akala ko, kamumuhian mo ako. Akala ko, hindi mo na ako bibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag pa sayo.. and I'm glad nakinig ka ngayon. So, thank you talaga, Aj."
Tumango ako at tipid lang na ngumiti. "Wala na yun. Past na yun ang mahalaga yung ngayon. Anyway," huminto ako saglit. Nag-iisip ba kung itutuloy ko ang gusto kong itanong o hindi na. Ngumiti sya sa akin tila ba sinasabi nyang sabihin kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya. "I'm wondering.. If do you have a husband?"
Bigla syang napaubo. Kaya agad ko syang inabutan ng tissue. Tinanggap nya naman iyon agad. Nang mahimasmasan sya ay nagugulat nya parin akong tiningnan. Hanggang sa natawa na sya.
"What's made you think that I have a husband, Aj?! For Pete's sake!" Tawa parin ng tawa si Kei sa akin.
"Yan kasi ang sinabi ng Papa mo matapos kong sumugod sa bahay nyo. Yun din dahilan kung bakit tumigil na ako kakahanap sayo."
Mas lalo syang nagulat. Nangunot pa ang kanyang mga noo. What? Wag nyang sabihin na hindi yun totoo?
"Oh god, I'm sorry. Hindi yun.. totoo Aj."
Nagkibit-balikat nalang ako. "Okay." Hindi din naman mahalaga kung may asawa man sya o wala. Wala na din naman akong pakialam. May Erin na ako.
Shit. Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa naisip. Napansin naman yun ni Kei. Nagtataka sya nung una pero hinayaan nalang nya sa huli.
"You're inlove huh?" May ngiti sa kanyang mga labi ngunit hindi iyon umabot hanggang sa mga mata ni Kei.
"Yes I am." Nakangiti kong sagot.
"Well, who's that lucky girl? Yung Erin ba?" Tila nang-aasar nyang tanong.
"Yeah, I actually want this to happen, Kei." Ngayong natuldukan na yung nakaraan ko kay Kei, wala na akong dahilan pa para tuluyan nang gustuhin si Erin. "Wala na akong alalahanin. Mamahalin ko na sya ngayon ng buo. Walang halong takot o pangamba. Kaya maraming salamat din, Kei." Dagdag ko.
Ngumiti lang sya. Tinapos na namin ang dinner ng matiwasay. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga nangyari for the past three years, at kung paano kami nagkakilala ni Erin.
Sa mga nangyayari ngayon, isang desisyon ang nabuo sa isipan ko.
——————
Pagtapos kong magbihis ay umalis ako agad para magpunta kila Erin. Medyo natataranta pa at kinakabahan dahil sa balak kong gawin. I tried to call her pero hindi nya sinasagot. Marahil ay busy pa ito sa bahay nila. Hindi din naman ako nagtagal pa sa daan dahil nakikita ko na ang bahay nila Erin mula sa kinatatayuan ko.
Lakad-takbo na din ang ginawa ko hanggang sa makarating na ako sa gate nila. Nakita naman ako ni Tita Cely at magiliw akong pinagbuksan. Hindi na din sya nagtanong pa kung bakit ako nandito dahil alam na nya kung sino ang sadya ko.
"Oh, uminom ka muna Alex. Tatawagin ko lang si Erin."
Naiwan akong mag-isa sa sala, panay ang buntong-hininga. Hanggang sa maya-maya lang ay bumaba si Erin at agad na dumiretso sa akin. Ang ganda ng ngiti nya, na syang lalong nagpapahulog sa akin. Agad ko syang niyakap na ginantihan naman nya. Tatawa-tawa pa sya habang nakayakap sa akin.
"Kamusta Alex? Ayos kana ba?"
Tumango ako. "Sobrang okay na ako, Erin. Nasagot na lahat ng tanong ko, narinig ko na ang mga kelangan at dapat kong marinig."
Ngumiti ulit sya. Tumahimik kami saglit. Sa ganitong sitwasyon, para akong nabibingi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Erin na ngayon ay nakatingin na din pala sa akin.
Nagtawanan kaming dalawa. Para kaming mga ewan. Kami lang ngayon ang tao dito sa sala dahil hanggang ngayon, hindi padin bumababa si Tita Cely. Si Tanya naman ay di ko na alam kung nasan. At ipinagpapasalamat ko iyon dahil mas nagkakaroon ako ng oras at lakas ng loob na tanungin si Erin ngayon.
"Erin, I just want to say thank you." Uminom muna ako ng juice. Shet, kinakabahan ako. "Salamat sa paghihintay sa akin. Salamat sa mga oras na iniintindi mo ako, kahit na ako mismo.. hindi ko maintindihan ang sarili ko."
Sobra si Erin para sa akin. Pakiramdam ko, may sinagip ako sa nakaraang buhay ko kaya ako pinagpapala ng ganito. Pinipilit kong maging better para sa kanya, kasi deserve nya iyon. Marami syang nagawa sa akin na nakapagpabago sa sarili ko. At dahil doon...
"Mahal kita, Erin."
Nagbabadya na ang mga luha ni Erin. Marahil ay hindi nya inaakala na sasabihin ko na ang nararamdaman ko ngayon mismo sa kanya.
"Gusto ko lang itanong," pinunasan ko muna ang mga luha ni Erin. "Gusto ko lang itanong kung pwede na ba kitang maging girlfriend?"
Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Naku Erin, pag nireject mo ako magpapakasagasa talaga ako. Pero syempre char lang yun. Gusto ko lang libangin sarili ko para hindi ako makapag-isip ng mga nakakatakot na pangyayare.
"Yes, Alexis Jade. Let's make it official."
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis