32

1.4K 51 6
                                    

Unti-unti kong tinanggal ang kamay ni Kei. Umiwas ako ng tingin sa taong kadadating lang. Nagrereklamo pa si Kei sa pag tanggal pero nagtagumpay naman ako sa huli. Alam kong hindi pa ako tinatamaan ng alak pero ngayon hinihiling ko na sana tinamaan na ako. Para katulad na ako ni Gail na natutulog na ngayon. Para hindi ko na makita pa ulit si Erin na ngayon ay tumabi sa akin at umiinom na din ng alak.

Maya-maya lang ay tumayo si Kei. Kaya napatayo ako. Siguro sa sobrang kalasingan na din ay hindi na nya napansin pang nandito si Erin. Tahimik lang silang dalawang magpinsan at kami lang ni Kei ang nag-uusap.

"Kei, matulog kana, lasing kana oh." Mahinahon kong sinabi. Natutumba na sya ngayon kaya nakahawak ako sa bewang nya.

"Hindi pa. Tumahimik ka muna!" Tinakpan nya pa ang bunganga ko. Lumingon ako kay Tanya, humihingi ng tulong. Agad naman nyang naintindihan iyon. Sya na ngayon ang nag-akay kay Kei papuntang sa isang guest room. Sinunod ko ang gamit nya na nasa sofa lang. Naiwan si Erin na tahimik lang na lumalagok ng alak.

Pagdating ay bagsak na si Kei. Inaayos sya ngayon ng higa ni Tanya. Pagkatapos ay tumingin si Tanya sa akin.

"Sorry, Alex." Nakatingin lang ako. Hindi alam ang sasabihin.

"Talaga ngang sinabihan ni Gail si Erin na pumunta dito. Nagulat din ako ng tawagan sya ni Gail. I am sorry," huminto sya at yumuko. "Kung gusto mo, uuwi na kaming dalawa. Ikaw na bah—"

"It's okay." Pagputol ko sa kanya. "Okay lang ha?" Nginitian ko sya.

"Talaga? Ayos lang naman sakin kung aalis na kami."

Umiling ako. "Okay lang. Papasok na din naman ako sa kwarto. Nahihilo at sumasakit na din ang ulo ko. Kayo na bahala sa sala."

Hindi na umimik si Tanya kaya lumabas na ako. Ganoon parin ang posisyon ni Erin ng madatnan ko. Nagkatinginan lang kami pero ako na mismo ang unang umiwas. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig.

Pagbalik ko nandoon na si Tanya. Sila nalang ang umiinom ni Erin. "Ikaw na bahala dito, Tanya. Tulog na ako." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya at binuksan na ang pinto at pumasok doon.

Hinawakan ko ang dibdib kung nasaan ang ang puso ko. Mahina lang ang kabog nun pero ramdam ko parin. Wala pa talaga akong tama ng alak dahil kung meron, niyakap ko na sana si Erin. Ang puso ko ay nagsasabi na gawin iyon.. pero ang sinunod ko ay ang utak ko.

Ang tagal kong nakatayo sa pinto bago ako nahiga sa kama. Dahil narin sa pagkahilo at sakit ng ulo, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

Nagising ako ng makaramdam ng pagsusuka. Diretso ako sa banyo at doon nilabas lahat pati narin ang sama ng loob ko. Chos. Ang tagal kong kaface to face ang inidoro bago ako nakatayo. Nagflash muna sa inidoro saka ako dumiretso sa lababo para magtoothbrush.

Paglabas ay doon ko naman naramdaman ang pagkatuyo ng lalamunan ko kaya lumabas ako sa kwarto. Para pa nga akong magnanakaw na palinga-linga sa paligid. Tinitingnan kung nandito pa ba si Erin o wala na. Pero sa linis ng sala at kusina ay wala na siguro sya at nakauwi na.

Binuksan ko ang ref at nilabas ang pitchel, nagsalin sa baso at ininom iyon. Napapikit pa dahil dama ko ang lamig ng tubig sa aking lalamunan. Doon ko lang napansin na may nakatayo pala sa gilid at nakatingin sa akin.

"God," mahina kong tugon. Napataas pa ako ng isang paa pero hindi halatang nagulat ako. Humawak ako sa dibdib. Nagsimulang kumabog nanaman ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa gulat o dahil sa nakita ko si Erin na papalapit na sa akin.

"Pwede bang makiinom?" Paalam nya. Wala sa sarili akong tumango. Dumaan pa sya sa gilid ko. Hindi ko nga alam kung sinasadya nya bang magbangga ang mga braso namin. At ang mas nakakagulat ay kinuha nya ang baso na ginamit ko at doon nagsalin ng tubig.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon