07

2.1K 89 7
                                    

Disperas na ng pasko kaya lahat kami ay abala sa kanya-kanyang gawain. Nandito kami ngayon sa Antipolo. Dito namin sasalubungin ang pasko. Lagi naman e. Dahil iyon ang gusto ni Lola, ang nanay ni Mama.

"Lex, samahan mo ako!"

Inakbayan ako agad ni Jake. Pinsan ko. Actually inampon lang sya nila Tita Kim at Tita Sid at alam naman yun ni Jake pero kahit na ganun ay hindi naging problema iyon sa kanya.

"Ayoko, mambababae ka nanaman."

"Tayo. Tayo ang mambababae."

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay nya sa akin saka sya sinamaan ng tingin.

"Oh, ayan ka nanaman!"

"Hindi kita irereto kay Gail, sige ka."

Agad naman syang natahimik. Tila ba sumuko agad. Medyo namula pa ang parehas nyang teinga nang binanggit ko si Gail sa kanya.

Pasimple ko nga syang binatukan.

"Bilis mong mamula pagdating kay Gail 'no?"

Napakamot sya sa ulo nya.

"Bakit ba kasi hindi ko mapatuwid yung babaeng yun? Psh, pogi naman ako ah."

Alam nyang bisexual si Gail at hindi man lang sa kanya big deal yun. Parehas ba naman babae ang magulang nya kaya okay lang din sa kanyang ganoon kami ni Gail.

"Mahina ka kase."

Nakanguso sya tuloy matapos nyang marinig yun. Pwede na ngang sabitan ng kaldero sa sobrang haba e.

Iniwan ko syang nagmamaktol sa labas. Nadatnan ko naman sa loob si Tita Yen kasama nya si Tito Roy, asawa nya.

"Tita, nasan na si Rio?"

Agad namang tinuro ni Tita ang kwarto nila. Si Rio ay anak nila Tita Yen. Isang taon gulang palang yun at yun ang pinakapaborito kong pinsan sa lahat. Napakacute kasi e.

"Pakibigay naman 'to Alex kay Kuya Paul."

Inabot nya sa akin ang relo kaya nagpunta ako agad sa kwarto nila Tito Paul, kapatid din ni Mama.

Apat kasi silang magkakapatid. Panganay si Kuya Paul, sinundan naman sya ni Mama. Sumunod naman si Tita Sid at ang bunso ay si Tita Yen.

"Tito Paul?"

Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pagbuksan ni Tita Shane. Pinapasok nya ako agad kaya nakita ko si Ate Pinchy. Binigay ko muna kay Tita ang relo bago ako magpunta kay Ate Pinchy na busy'ng busy magtali ng kanyang buhok.

"Oh Alex halika, itali natin buhok mo!"

Agad naman akong umupo sa lapag, sa harap nya at sinimulan nyang itirintas ang buhok ko.

"Ang ganda talaga ng buhok mo."

Bago pa ako magsalita ay nagsalita din si Tita.

"Ay Alex, sino na ba girlfriend mo ngayon? O baka naman boyfriend na?"

Tila nang-aasar ang tinginan nila Ate Pinchy at Tita Shane sa akin. Agad naman akong natawa. Sanay na akong ganito sila sa akin. Alam halos ng buong pamilya na hindi ako straight kaya madalas gusto nilang malaman kung may jowa na ba ako.

"Ayan nanaman kayo e. Hindi na ako magjojowa. Tatanda na akong dalaga."

Bigla namang umalma si Ate Pinchy. Bahagya nya pa ngang nahigpitan ang tali sakin, sumakit tuloy ang anit ko. Si Tita naman ay natatawa lang. Halatang hindi naniniwala sa akin.

"Kung gusto mo, may ipapakilala ako sayo."

"No way! Last time na pumayag ako, pinagsisisihan ko parin hanggang ngayon, Ate."

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon