24

1.3K 45 1
                                    

11AM palang nasa bahay na ako nila Erin, naghihintay. Hanggang ngayon, tulog parin sya. Sinasabihan na nga ako ni Tita na gisingin na sya pero tinatanggihan ko agad. Ayoko naman syang bulabugin.

Wala pa nga akong tulog kung tutuusin e. Paano ba naman ako makakatulog sa mga nalaman ko, diba? Tinuloy ko nalang tuloy ang mga gawain ko na naudlot kahapon sa kompanya. Konti nalang ang aayusin ko at matatapos na din ako sa project na binigay sa akin. Pagkatapos nun, sa on site na ako palagi para bantayan ang condo na gagawin kasama ang mga engineers at architects.

Bumaba si Erin na nakapantulog padin. Magulo pa ang buhok nya at humihikab pa. Ngayon nakita ko sya, para akong gago na napapangiti sa tabi. Ang lakas parin ng dating nya sa akin kahit na dalawang taon na kami. Isa lang talaga ang sinisigurado ko sa lahat.

Mahal na mahal ko talaga si Erin at hindi ko kakayanin kung mawawala sya sa akin.

Nakapag-isip isip nadin kasi ako kagabi. Ibabaon ko sa limot lahat. Mas pinili ko nalang magbulag-bulagan, wag lang mawala si Erin sa akin. Ganon ko sya kamahal.

"Good morning," bati ko sa kanya. Nagulat naman sya sa presensya ko.

Kung hindi pa ako magsasalita tiyak hindi nya parin ako mapapansin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo. Binigyan ko din sya ng bulaklak na tinanggap nya naman agad.

"Good morning," dumiretso sya sa kusina at uminon ng tubig na malamig.

Pinakialaman ko na ang kusina nila. Nagluto si Tita ng sinigang kaya pinaghanda ko sya. Hinanda ko din ang gamot para sa hangover nya saka sya inaya paupo sa hapag.

Sabay kaming kumain. Tahimik ang paligid. Magana akong kumain habang yung kaharap ko, hindi magalaw ang pagkain nya.

"Love," tawag ko. Nakatungo lang sya kasi. "Kumain kana, iinom kapa ng gamot."

Tumango sya at kumain na. Kaso, ang konti lang ng kinain nya. Hindi ko na sya pinilit pa at binigay na ang gamot nya. Tahimik nya lang iyon tinanggap at ininom na din.

"Natanggap mo ba yung text ko?" Tanong ko sa kanya. Nakaupo lang sya dito sa kusina habang ako naman ay naghuhugas ng pinagkainan namin.

"Alin text?" Nagtataka nyang tanong. Malamang hindi nya pa nababasa. "Wala kang work, Alex?"

Alex? Mapait akong ngumiti. Hindi na nya rin ako tinatawag na love. Iwinaksi ko nalang ang naisip ko na yun. Wag ngayon mind, please.

"Wala, bukas pa. Day off mo ngayon diba? Date tayo, love." Naglalambing kong sinabi.

May alinlangan sa kanyang mga mata matapos nya akong marinig. Mukhang alam ko na.

"Do you have plans for today ba?" Please, sana wala. Nakangiti parin akong tumingin sa kanya.

Natapos ang gawain ko at tumabi ako sa kanya. Niyakap ko sya ng patagilid at siniksik ang mukha ko sa leeg nya. Damn.

"Ang dami kong paper works kasi, Alex. Natatambakan na ako kaya papasok ako sa company ngayon."

Lumayo ako sa kanya. Hindi sya makatingin sa akin. Iniiwasan nya ang mga mata ko. Panay din ang lunok nya sa tabi ko. Liar.

Instead na magtanong ulit, "Okay." Iyon nalang ang naisagot ko.

"Wala ka bang sasabihin? I mean sa mga projects mo?" Tila nang-uusisa nyang tanong.

"Nasabi ko na lahat love. Yung project ko ngayon.. yung condo na ipapatayo sa Makati."

Tumango sya saka sya naglakad. "Let me drive you to the company, Love."

Akala ko pati yun ay tatanggihan nya pero hindi. Kaya natuwa naman ako kahit papaano.

—————

Pagkapark ko palang sa harap ng company nya ay agad na syang humalik sa pisngi ko at nagpaalam na sa akin. Nagmamadali syang pumasok sa loob. Paalis na nga dapat ako nang may nagbukas ng pinto mula sa shotgun seat at pumasok si Architect Freya.

Nakilala ko sya sa review center at naging kaibigan din. Nag Top 3 sya sa board exam at nagtatrabaho din sya sa kompanya kung saan ako pumapasok. Minsan na din syang naging dahilan ng pag-aaway namin ni Erin. Nagselos kasi sa kanya e. Kaya simula nun medyo ilap na ako sakanya. Buti nalang naintindihan nya ang dahilan ko.

"Ang tanga mo, Sylvia." Inis nyang sabi sa akin.

"Please, Freya. Wag ngayon."

Kahit sya ay napapansin nya ng may mali sa relasyon namin ni Erin. May kapatid sya na katrabaho din ni Erin. Siguro, nagkekwento ang kapatid nya tungkol sa nangyayari sa office nila at nababanggit si Erin.

"Tanggapin mo na kasi yung offer ni Mr. Smith."

Nagsimula akong magdrive. Ayan nanaman sya. Yun kasi yung offer na project sa ibang bansa. Nakatengga padin yun at wala pang nakakapili na papalit sa akin matapos kong tanggihan ang project. Isa din si Freya sa napili pero katulad ko ay tinanggihan nya din.

"Bat kasi hindi ikaw ang tumanggap? Idol mo ba ako para pati desisyon ko, gagayahin mo?" Tinapunan nya ako ng nakakamatay na tingin.

"Pakialam mo ba kung ayaw ko? Psh."

"Pakialam mo din kung ayaw ko tanggapin yun? Psh." Lalong sumama ang tingin nya sa akin. Tinapunan nya pa ako ng tissue sa mukha na tinawanan ko lang.

Actually, walang alam si Erin sa ganitong offer sa akin. Hindi naman kasi iyon mahalaga para sa akin dahil buo na ang desisyon kong dito lang magtatrabaho. Ayokong malayo sa mahal ko sa buhay. Lalo na kay Erin..

Hinatid ko sya sa company. Pagkatapos ay dumiretso ako kay Papa. Pumasok ako sa company at hindi na nag-abala pang huminto sa lobby dahil kilala naman na ako ng mga empleyado dito. Kumpanya ng mga cargo ships at gumagawa din ng yate ang business ni Papa.

Dumiretso ako sa opisina nya. Nginitian lang ako ng secretary at hinayaan akong makapasok. Naabutan ko si Papa na abala sa kanyang pagsusulat sa mga papeles.

2 years ago, nagkaayos na din kami ni Papa. At hanggang ngayon, ramdam ko parin ang pagbabawi nya sa mga taon na nawala sya sa amin at ipinagpapasalamat ko naman iyon. Nakita ko na din ang pamilya nya ngayon. Naging maayos naman kami. Mabait naman si Tita Nes na asawa ni Papa ngayon. Pati narin ang dalawang anak nila na si Xander at Anton. Yun nga lang mga pilyo. Ang sasarap iumpog e.

"Pa," huminto sya sa ginagawa at tumingin sa akin. Umupo kami sa sofa na nasa gilid lang nya.

"Kamusta, 'nak?"

Pumasok ang secretary ni Papa at binigyan kami ng kape.

"Okay lang po. Papa, wag kayong masyadong magpagod. Alam nyo naman na masama sayo yan, diba?" Nag-aalala kong ani.

Tatlong buwan na ang nakalipas nang atakihin sa puso si Papa. Takot na takot pa nga ako dahil baka iwan nanaman nya kami ulit. Buti nalang at mild stroke lang at naagapan.

"Kung tanggapin mo na kasi yung sinasabi ko sayo. Pansamantala lang naman, hanggat hindi pa graduate si Xander."

Dahil nga may sakit na sya, nagpasya sila Tita Nes at Papa na ipasa sa akin ang kumpanya hanggat hindi pa nakakagraduate si Xander na ngayon ay nasa junior high school pa lang.

Di ko tinanggap. Wala akong alam sa business at hindi naman iyon ang tinapos ko! Si Mama naman ay hindi ako pinilit dahil parehas kami ng dahilan. Natatakot din ako na baka pag ako na ang humawak, bumagsak ang kumpanya.

"Pa, nandyan naman si Mariz e."

Si Mariz ay panganay ni Tita Nes. Anak nya sa unang asawa. Mag twinnie na nga kami dahil sa tuwing nagkikita kami hindi maipagkakaila na super close talaga kami sa maikling panahon ng pagkakakilala namin.

"Busy na sya sa mga hacienda na binigay ni Tita Nes mo, anak."

Hindi sya madalas sa syudad. Nasa Pangasinan sya namamalagi dahil yun ang business nila ni Tita Nes.. ang hacienda. Iba't-ibang prutas ang produkto nila doon at masasabi kong kilala ang business nila na yun.

"Pero sige, mukhang pinag-iisipan na din naman ni Mariz. Pero kung magbago man ang isip mo, kausapin mo lang ako ha?"

"Yes Pa, I will."

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon