Erin Ruiz
"Babe, I'm sorry. Nag group study kami kahapon kaya hindi ko naalala."
I was fumming mad. Paanong hindi nya maaalala na monthsary namin kahapon?! We've been together for almost a year! Pangatlong beses na syang ganyan sa akin.
Mas lalo kong sinamaan ng tingin si Dein pero hindi man lang iyon umepekto sa kanya. Kaya iniwan ko sya sa school at dumiretso nalang ako sa coffee shop kung saan madalas akong tumambay. Madaming tao ngayon doon, karamihan ay mga estudyante rin katulad ko. Umorder muna ako ng Iced Americano at cake sa counter. Magbabayad na sana ako ng makita kong kulang ng 50 pesos ang pera ko.
"Ah teka po," hindi ko man lang masabi na kulang ang pera ko. Tumingin ako kay Kuya na nasa counter. Nakataas ang kilay nya sa akin. Kahit yata magpacute ako sa harap nya para makiusap kung pwedeng wag nalang bilhin ang inorder ko ay mukhang hindi iyon eepekto. Nakakahula na siguro na may problema sa pagbabayad ko.
God, hindi naman friday the 13th pero bakit puro kamalasan ang nangyayari sa akin ngayon!
"Miss, 182 pesos lahat." Ulit ni Kuya sa akin. Bakas ang inis sa pagkakasabi niya kaya mas lalo akong nataranta.
"Wait la—"
"Here," may nag-abot ng 500 pesos bill kay Kuya. "Pakibawas na din yung sa kanya." Dagdag nya.
Pinagmasdan ko ang babae. Ang ganda nya! Ang black long hair nya ay bumagay sa kanyang hapit na floral dress. Ang makapal nyang kilay at mahahabang pilikmata ay mas lalong nadepina ang pagiging natural na ganda nya. Mas lalo akong natanga sa harap nya ng magtama ang mga mata namin.
Her almond eyes.. Walang kabuhay-buhay iyon na tumingin sa akin. Saka lang ako natauhan ng tawagin ako ni Kuyang nasa counter at ilapag sa harap ko ang order ko.
"Uhm.. thank you Miss." Hindi nya na ako tiningnan. Inabala nya ang sarili sa kanyang phone. "Babayaran nalang kita bukas dito,"
"No need," she said. Kinuha na nya din ang order nya saka sya lumabas ng coffee shop. Nakita ko pang tiningnan sya ng mga tao dito. Sabagay, sino ba naman ang hindi mapapatingin sa ganon kagandang babae?
That was my first time that I encountered her..
Weeks passed and my relationship with Dein is getting worst. Wala ng araw na hindi kami nag-aaway. At ang mas nakakainis pa ay dahil lang lahat iyon sa isang rason. Sa kaklase nyang si Pia. Madalas ko na silang nakikitang magkasama. Lagi nyang sinasabi na puro hang out lang daw pero bakit nakita ko sa birthday ng kapatid nya? Sya ang kasama samantalang akong girlfriend nya mismo, nasa school pumasok.
Nilayasan ko si Dein ulit pagkatapos naming magsigawan sa parking lot ng school. I am physically and mentally tired tapos nakikisabay pa siya. Hindi ko na talaga alam pa kung paano ko pakikisamahan si Dein.
Wala sa sarili akong naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Nagulat nalang ako ng may biglang humila sa akin sa daan! Hahampasin ko na sana ng bag ko ng makita ko kung sino yung taong humatak sa akin. Sumulyap sya saglit sa akin saka tumingin sa paligid.
Damn, her almond eyes..
Nakita ko sya ulit. Nakatingin na sya sa sasakyan na papalayo sa pwesto namin. Muntik na pala akong mahagip non kaya hinatak nya ako. Nakabawi ako agad sa pagkakagulat at umayos ng tayo. Mahigpit parin syang nakahawak sa braso ko.
"Careful," malamig ang bawat bigkas nya ng mga iyon. Ayon nanaman ang mga tingin nyang walang kabuhay-buhay. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na ako nalang pala mag-isa ang nakatayo at nakasakay na sa jeep ang babae.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis