Mag-isa kong tinahak ang daan papunta sa chapel kung saan nakaburol ngayon si Papa. Ang saklap lang ng buhay. Aalis ako sa Pinas na nasasaktan, tapos uuwi akong nasasaktan ulit. Kanina pa ako sa eroplano umiiyak. Nagtataka na nga ang ibang flight attendant sa akin dahil ganoon ang itsura ko. Hindi naman ako ngumangawa totally.. panay lang mahina kong paghikbi. Yun nga lang, may nakakilala sa akin kaya hindi maiwasang magbulungan ang ibang crew maging ang mga tao sa eroplano. Nakapwesto pa naman ako sa business class seat kaya mayroon din akong dating clients na nakausap.
Sumikat kasi kami ng matapos ang skyscraper project three years ago. I was exposed at some magazines, news and even newspaper. I was also invited as guest at TV shows kaya hindi na ako nagugulat kung may nakakilala man sa akin. Kaso nga lang, hindi ko sila makausap masyado dahil busy parin ako sa pag-iyak.
Pagbaba ko ng taxi, madami na agad ang tao unang gabi palang. Naka ripped jeans lang ako at tshirt na pinatungan ng denim jacket. Sa sobrang taranta, eto nalang ang nasuot ko at halos wala man lang akong ligo. Nagpabango naman ako ng ilang beses kaya pwede na siguro to sa ngayon. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Sinuot ko ang black cap ko. Nagbabadya nanaman ang aking mga luha na tila ba ngayon ko lang talaga naproseso na nandito ako ngayon sa Pinas.. sa burol mismo ni Papa.
Abala ang mga tao sa kanya-kanyang gawain kaya hindi nila ako napansin. Dire-diretso lang ako sa entrance. Ang ingay pa ng maletang dala ko. Hindi naman iyon gaanong kalakihan. Ni hindi ko nga sigurado kung nadala ko ba ang mga dapat na dalhin dahil panay lang ang lagay ko ng gamit ko sa loob nito. Nagsimula ang bulungan pero ang iba ay nakatingin lang, nagtataka siguro kung bakit may dumating na nakamaleta pa. Wala silang kaalam-alam na dumating ang panganay na anak ni Antonio Sylvia.
Nakasalubong ko si Mariz. Mugto din ang mata nya tulad ko. Nung una, hindi nya ako makilala. Pero nung tinanggal ko ang sumbrero ko ay doon sya lumapit at umiiyak na yumakap sa akin.
"Lex.. Si Papa.." Nanghihina nyang tugon sa akin. Tumango lang ako sa kanya ng marahan at hinaplos ang likod nyang nanginginig parin sa pag-iyak. Ganoon lang ang sitwasyon namin hanggang sa tumahan sya.
Nagpatuloy kami sa pagpasok. Sya na ngayon ang humihila ng maleta ko. Nadatnan ko si Tita Nes at Mama na nag-uusap. Mukhang kagagaling lang din nila sa iyak.
"A-ate.." Napalingon ako kay Anton.
Tulad kay Mariz ay yumakap din sya sa akin habang umiiyak. Tuluyan na akong napansin nila Mama. Maging si Axel ay napatayo ng makita ako. Halos lahat kami ay mugto ang mga mata ngayon.
Lumapit sa akin si Mama. Niyakap nya ako pagkatapos ni Anton. Doon naman ako umiyak. Lumapit din si Axel at niyakap nya kaming dalawa ni Mama. Matapos ang ilang minuto ay kumalas kami sa yakap.
Nakangiti kong ginulo ang buhok ni Axel. Malapit na nyang abutan ang tangkad ko. Tumutubo na din ang kanyang bigote. Talagang binata na ang bunso ko. Yumakap din ako kay Tita Nes maging kay Xander na kararating lang din at naka business attire pa. Galing pa sigurong kumpanya.
Hinayaan nila akong lumapit sa kabaong kung saan nakahiga na si Papa. Ang pogi at ang peaceful nyang tingnan. Umupo ako sa upuan malapit sa kabaong nya.. at unti-unting naging mahina nanaman. Iyak lang ako ng iyak kahit na inaalo na ako ni Mama. Halos napapaos na din ako at hindi ko na maibuka ang mga mata ko.
Ganon lang ang nangyari hanggang sa bumagsak ako at puro dilim na lang ang nakita ko.
——————
Nagising ako sa isang halik ng aso. Sobrang sakit ng ulo ko ngayon pero pinilit ko parin bumangon. Tiningnan ko ang orasan sa dingding at alas diyes na ng umaga. Ibig sabihin, buong gabi akong nakatulog. Hindi ko narin inisip pa kung kaninong bahay ba 'tong tinulugan ko. Nasa tabi ng kama ang maleta ko kaya kinuha ko yun at pumili ng susuotin saka naligo at nag-ayos sa sarili.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis