Nakaka anim na bote na kami ng san mig nang mag-umpisang magdaldal si Erin. Buong inuman namin ay tahimik lang ako at tanging silang dalawa lang ni Gail ang nag-uusap.
Hindi na ako ulit pinapansin ni Erin. At pabor naman sa akin yun dahil wala na akong iintindihin pa. Madami na din ang naikwento nanaman ni Gail, karamihan doon ay tungkol pa sa akin.
Pakiramdam ko, kilalang-kilala na ako ni Erin.
"Alam mo bang kinokontak ako ni Kei, Alex?"
Napahinto ako bigla sa pag-inom.
"Ano ngayon ang gagawin ko, Gail?"
Pinakita kong di ako interesado sa nalaman pero sa kaloob-looban ko ay kinakabahan ako. Tatlong taon na ang nakaraan pero sa tuwing naririnig ko ang pangalan nya, hindi ko parin maiwasang masaktan.
"Sino ba si Kei?"
Walang kaalam-alam si Erin kung sino ba sa buhay namin si Kei. Lalo na sa buhay ko. Hindi ko sya masisisi kung basta nya lang banggitin ang pangalan nya. Wala pa syang alam tungkol doon. Kinukumbinsi ko ang sarili kong tanggalin na sa sistema ko si Kei. Pero si Gail.. kahit hindi nya aminin sa akin alam kong mayroon parin sa kanya na kagustuhan itong makita.
Paano ko nasabi? Best friend nya si Kei. Bago pa kami maging ganito kaclose, sila muna ni Kei ang unang naging magkaibigan.
"Just someone in my past."
"The one who hurt you?"
Parang may dumaang anghel sa harap namin at natahimik kami. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis sa sala. Dumiretso ako palabas ng bahay nila at naupo sa gilid ng kalsada.
Pakiramdam ko sinasakal ako sa loob. Panay ang buntong-hininga ko at pagyuko ko. Aware naman ako na may pagkakataon na magkita pa kami ni Kei. Pero hindi ko sinabing handa ako. Sa lahat ng mga ex ko, pinakanasaktan ako kay Kei.
Iniwan nya ako nang walang paalam. Nang ganun-ganun nalang. Pinagpatuloy nya ang pag-aaral nya sa Canada at nalaman ko nalang na ipapakasal sya doon sa isang lalaki.
How am I supposed to live after nya akong iwan? Ni walang break-up na nangyari sa amin. Kahit sa Socmed, binlock nya ako. Para akong batang nawawala pagkatapos nya gawin sa akin lahat yun. Hindi ako naglasing, hindi din ako nagwala. Kinimkim ko lahat. Buhay ako pero sa kalooban ko para na akong pinapatay. Sabi pa nga ni Gail, mas mabuting ilabas ko lahat pero paano? Kahit naman ilabas ko lahat, ganun padin. Nasasaktan parin ako.
Kaya simula nun, naging mailap na ako sa mga tao. Kahit sa school, hindi ako masyadong nakikipag-usap doon. Yes, I'm still trying to enter in relationship again but I ended up in flings, at the end nago'ghost ko sila.
Halos isang oras din ang tinagal ko sa labas. Papasok na sana ako nang lumabas si Erin. Umusbong ang pagkainis na naramdaman ko dahil sa nakita ko.
Nakatingin sya sa akin. Pero yung tingin nya, naaawa. At yun ang pinaka ayoko sa lahat.
"I'm sorry."
Umupo sya malayo sa akin. Malamig na dito sa labas pero hindi ko parin ininda dahil mas lamang ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Nanatili akong nakatayo. Handa na sana syang iwan nang hawakan nya kamay ko. Nanigas ako agad dahil sa nangyari. Agad kong binawi ang kamay ko. Yun agad ang naging reaksyon ko sa ginawa nya.
Pain is evident in her eyes but I still look at her with a cold eyes.
"I am sorry, Alex."
"Don't look at me like that."
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis