"Okay."Nagugulat syang tumingin sa akin. Hindi nya inaasahan na yun lang ang masasabi ko sakanya. Ni hindi man lang ako nagulat sa nalaman ko. Simula kasi nang makita ko yung pag-aaway nila nung babae ay may hinala na ako. Pero ayoko lang magtanong sa kanya. Kahit papaano kasi, privacy nya din yun.
"Hindi ka nagulat? Okay lang?"
"To tell you honestly, yan agad ang naisip ko simula nung makita ko kayong nag-aaway ng Ex mo."
"You don't have issue sa lgbt?"
Natawa ako. Paanong magkakaroon e isa ako doon. Tss. Nakatingin lang sya sa akin mukhang hinihintay ang sagot ko. Nagtataka pa dahil nakita nyang tumawa ako.
"Wala akong issue sa kanila."
"Eh bakit ka tumawa?"
"It's because I'm also one of them."
Matapos kong sabihin yun ay nakatingin lang sya. Tila pinoproseso nya ang narinig mula sa akin.
"You what?!"
Di ko na sya pinansin ulit at tumayo na sa kama. Dumiretso ako sa pinto. Samantalang ang kasama ko naman ay nagugulat padin na tumingin sa akin.
"Kumain na tayo."
Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako sa kwarto. Iniwan ko sya doon na mukhang tanga.
—————
Maganang kumain sila Mama sa harap ko habang si Erin naman ay tahimik lang na kumakain. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay hindi na sya nagsalita pa. Ayos lang naman sa akin iyon dahil mas gusto kong tahimik lang kami.
"Erin, pakisabi sa Mama mo na yung order ko, kukunin ko nalang sa inyo ha."
Agad namang tumango si Erin sa sinabi na Mama. Sa akin naman bumaling si Mama. Mukhang may balak itanong sa akin kaya tiningnan ko din sya.
"Alex, panay ang tanong sa akin ni Jean tungkol sayo."
"Jean? Sino yun, Ma?"
Mataman lang na nakatingin sa amin si Erin. Halatang interesado sa pinag-uusapan namin ni Mama.
"Anak yun ni Mareng Kin sa kabilang kanto."
"Ma, hindi ko naman kilala yung tinutukoy nyo."
"Eh bat kilala ka? Mukhang type ka nga ni Jean e. Nagtatanong kung may jowa ka daw."
Sumulyap ako kay Erin. Hindi ko alam kung anong iniisip nya ngayon dahil sa naririnig nya kay Mama. Tahimik lang kasi syang kumakain kanina pa.
Matapos ang hapunan ay sinamahan ko na si Erin palabas ng bahay. Ihahatid ko narin siya pauwi since malapit lang naman ang bahay nila sa amin.
"So your Mom knows that you are not straight?"
Hindi pa kami nakakalayo ay yun na agad ang sinabi nya. Akala ko nga hanggang sa kanila e tatahimik lang sya e.
"Yes. Wala naman silang problema sa ganon. Support lang din sila."
Tumahimik sya. Umismid ako saglit bago ko sya tinanong.
"Ikaw ba? Alam ng parents mo?"
"Oo den. Sakto lang."
"Ginugulo ka parin ba nya?"
Huminto sya sa paglalakad. Sakto naman na nasa tapat ng 7/11 kami ngayon. Umupo sya sa may bench doon kaya sumunod ako sa kanya.
"Nag-usap na kami ni Dein. Wala na talagang kami."
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis