39

1.7K 58 3
                                    

One whole week has passed. I must say, I am super duper exhausted. At sa loob ng mga araw na yun, patuloy akong nag-aadjust. Puro meetings ang nangyari. Naging usap-usapan agad sa business world ang pangalan ko. Maging sa news at magazines, nafeature nanaman ako. To be honest, I am starting to afraid because these fast few days, I am absolutely happy. Natatakot ako na baka may kapalit ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon.

Nawala na din sa isip ko si Erin. Kahit na dito din sya nagtatrabaho, hindi ko man lang sya makita. I suddenly miss her. Pero hindi, hindi pwede. Hindi dapat. She have a boyfriend. Nanghingi ako ng sign kay Lord diba? At ang bagsak ko talaga tatanda akong dalaga.

Pero the heck, there's this guy trying to hit on me! He's getting into my nerves recently. I almost cursed him for pursuing me kahit na sinabi kong I am gay. Kagigil amp. Anak sya ng isa sa major stockholders ng company.

Tulad nalang ngayon. Kasama ko sya sa office ko, nakaupo sa sofa habang humihigop ng kape na dala ni Ms. Stacey para sa aming dalawa. Kapal ng mukha. Ni hindi nga ako nagsabi na magdala ng kape dito. Nagulat nalang ako pumasok na si Ms. Stacey dala-dala yung kape.

One thing that I must say na napapansin ko sa kanya sa halos araw-araw nyang pangungulit sa akin.. he's a coffe lover. Whenever I am with him, lagi syang may dalang ganon. Gusto ko na ngang makita na magpalpitate sya sa harap ko at tuluyan ng mamatay kaso hindi naman nangyayari.

"Ang galing talaga magtimpla ng kape ni Stacey." Olix.. the name of this guy suddenly commented. Sunod sunod ang higop nya doon. Kung hindi lang mainit ang kape ay baka nilagok na nya iyon agad.

"You dimwit, how many times do I tell you that you're not helping here? Nakakadistorbo ka." Pasinghal kong ani.

Tinawanan nya ako. "At least if hindi kita magiging girlfriend man lang, pumayag ka nalang maging little sister ko." Gusto kong masuka. Ano? Little sister my ass. Nakita nya ang reaksyon ko kaya patuloy padin ang pagtawa nya sa akin. "I am telling the truth. Please consider that, Alex."

"I am too old to be your little sister, dumbass."

"I am two years older than you," ubos na ang kape nya. Lumapit sya sa akin saka kinuha ang akin. Nagsimula ulit syang humigop doon. I don't mind naman dahil hindi ko trip magkape sa kalagitnaan ng tanghali.

May kumatok saka dumungaw si Stacey. Nang makitang nag-aabang kaming dalawa, saka sya tuluyang pumasok.

"Ms. Ruiz is here,"

"Okay, papasukin mo."

Nagulat nalang ako ng magpunta sa likod ko si Olix. Para syang tatay ko na nagmamasid sa manliligaw ko. Siniko ko nga sa tyan na sakto naman na nakita ni Erin. Ang seryoso nya ngayon. May dala syang folders.

"Fuck, babe! It hurts!" Reklamo ni Olix.

"Get lost," seryoso kong ani kay Olix. Nanatili ang mga mata ko kay Erin na nakatayo parin sa pinto. "What brought you here, Ms. Ruiz?"

Lumapit sya at binigay ang mga folders. Nawala ang presensya ni Olix sa likod ko. Nakita ko syang nasa sofa, nakaupo ulit.

"Olix.. I said get lost," Tinitigan ko ng masama ang lalaki. Nasindak naman sya agad.

Gusto kong magkaroon ng alone time kay Erin. At etong asungot na to ay hindi man lang nakakaramdam. Nangunot ang noo ni Erin sa aming dalawa ni Olix. Hinayaan ko lang syang ganon dahil ang atensyon ko ay na kay Olix na nakatayo at binuksan na ang pinto.

"I know you will miss me babe.. so I will visit you again tomorrow." Sabi nya sabay kindat sa akin. Binato ko nga ng ballpen na agad naman nakailag. Sa pinto tuloy yun tumama.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon