12

1.9K 74 5
                                    


Inabutan ko ng pagkain si Erin at juice na tahimik parin hanggang ngayon. Panay pa din ang bulungan sa paligid. Nandito kami ngayon sa cafeteria na malapit sa Marketing building. Hindi kami masyadong pamilyar ni Gail dahil hindi naman kami nagagawi dito. Doon kami palagi sa cafeteria na malapit sa building namin at sa Engineering building.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Gail na agad namang tumalima at niyakap ang braso ni Erin.

"Huy, Erin, sorry ha. Joke lang yun."

"Hala, wala yun Gail. May iniisip lang ako."

Pinagmamasdan ko lang sya ng mabuti na halos hindi ko na magalaw pa ang pagkain sa harap ko.

"Sorry, Erin kung may nagawa ako."

Pinakita ko talagang nalulungkot ako dahil di nya ako pinapansin kanina pa. Ngumiti sya ng pilit.

"Sorry din Alex kung ganyan naramdaman mo. May iniisip lang talaga ako."

"Kung may problema sabi—"

May huminto na grupo ng babae sa lamesa namin. Apat sila at lahat sila ay nakaharap sa amin, sa akin actually.

Umayos ako ng upo at di sila pinansin. Akmang kakausapin ko ulit si Erin nang magsalita ang isang babae, na malapit sa gawi ko.

"You're Alex right? Alexis Jade Sylvia?"

Tamad ko syang tiningnan at tumango. Matapos nun ay humarap ako kay Erin ulit na walang kalatoy-latoy na sumandok sa pagkaing nasa harap nya.

"Erin—"

"Let's hang out tonight."

Inis akong tumingin sa babae. Mukha namang natutuwa pa si Gail sa napapanood nya na katabi parin ni Erin hanggang ngayon.

"Sorry, I don't waste my time for some random people."

"Then date me. Be my girlfriend."

Natahimik ako. Maging ang mga tao sa loob ng cafeteria. Mukhang lahat ng atensyon ay nasa amin ng dalawang babaeng to. Tatayo na sana si Erin nang pigilan ko sya gamit ang kamay kong nakahawak ng mahigpit sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin pero ngiti lang ang ginanti ko sa kanya. Pinakalma din sya ni Gail kaya umupo sya ulit at inabala ang sarili sa pagkain.

"I'm sorry, Miss. I already have a plan with my girlfriend here. So please, just go away."

Napapahiya namang umalis ang babae. Umirap pa nga ang isa kay Erin kaya sinamaan ko ito ng tingin na agad naman nyang iniwasan nang sa akin dumako ang paningin nya.

"Papasok na ako ulit. Salamat."

Maya-maya lang ay paalam ni Erin sa amin. Tumayo sya, namumula pa ang pisngi. Napapangiti nanaman ako dahil sa nakita pero hindi ko nalang pa pinahalata. Sa amin padin kasi ang atensyon ng mga tao dito. Karamihan na nandito ay marketing students at journalists students.

Nakita ko pa ngang kumaway nanaman si Gail sa mga taong nakasalubong namin bago umalis sa cafeteria. Parang tanga.

"Hey, Erin!"

Ang bilis ng lakad nya, napag-iiwanan na kami ni Gail. Lakad takbo na din ang ginawa ko para lang maabutan sya. Naiwan na din si Gail pero hindi ko na pinansin pa dahil abala naman syang makipag-usap sa nakasalubong namin.

"Love!" Napalakas na tawag ko kay Erin na naging dahilan para mapahinto sya at natatarantang lumapit sa akin. May ilan ang napatingin din sa akin. Marahil nagtataka kung bakit sumisigaw ako sa hallway.

"Wag kang sumigaw naman, Alex!"

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi nya iyon sa akin.

"Ano ba, w-wag.. ka ngang tumitig!"

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon