26

1.4K 47 0
                                    

Nandito na ako ulit sa lobby ng company para sunduin si Erin. Pinapapunta pa nga ako ng isang staff sa office ni Mrs. Tan para doon ako maghintay pero tinanggihan ko agad. Nakakahiya, may special treatment.

Nagtataka na din ako ngayon dahil panay ang bati sa akin ng nagdadaan na mga empleyado. Binabati ko nalang din sila para hindi bastos tingnan. May dala ulit akong bulaklak. Mapait akong ngumiti. Simula nung magtalo kami ni Erin kagabi, hindi na kami nag-usap hanggang ngayon. Hindi ko nga sya naihatid kanina dahil binigyan ko sya ng oras para makapag-isip. Ako? hindi ko na kelangan pang pag-isipan pa dahil kahit anong mangyari, buo na ang desisyon ko.

May lakad kaming magbabarkada mamayang 9PM. Tulad nga ng sinabi ni Gail ay nakauwi na si Tanya dito sa Pilipinas. Nakabukod na ngayon si Tanya sa bahay nila Erin simula nung magkatrabaho sya. Bumili sya ng condo nang makaipon malapit lang kung saan sya nagtatrabaho. At take note, nagsasama na ang dalawa doon. Kulang na nga lang kasal sa mga yun e.

Ihahatid ko muna sa bahay si Erin tutal 5PM palang naman. Madami pa kaming oras para makapag-usap ulit.

Lumapit ako agad ng matanaw ko si Erin. Mabuti naman at hindi na nakabuntot sa kanya si Dylan. Nakahinga tuloy ako ng maluwag. Bumati sa akin ang mga katrabaho at kaibigan ni Erin na agad ko naman tinugunan. Humalik ako sa pisngi nya at binigyan sya ng bulaklak. Tahimik nya lang itong tinanggap at pasimpleng inamoy. Napapangiti naman ako sa nakita ko kahit papaano. Hinawakan ko ang kamay nya ng magsimula na kaming maglakad papunta sa kotse kong nakaparada sa harap ng company.

Wala parin syang kibo kahit na nasa byahe na kami pauwi. Magsasalita lang sya kapag nagtatanong ako. Sasagot nga kaso tipid lang tulad ngayon.

"Love, inaya kaba ni Gail mamaya?"

Nakatingin sya sa bintana. "Oo." Iyon lang ang sagot nya sa akin.

Hindi na ako umimik pa ulit dahil baka wala lang sya sa mood or baka hindi parin nya makalimutan ang pagtatalo namin kagabi. Hindi ko na nga binanggit yun para hindi namin mapag-usapan. Umakto ako na parang wala kaming pinag-awayan.

Nakarating na kami sa bahay nila. Humalik lang sya sa pisngi ko at nagpasalamat bago sya bumaba at dumiretso sa bahay nila ng walang lingon-lingon. Napabutong-hininga nalang tuloy ako at nagpasyang umuwi na rin.

—————

Papunta na kami sa Bar na pagmamay-ari ni Kei. Naloka nga ako doon sa babaeng yun. Sa sobrang hilig mag Bar, nagpatayo ng sarili nya. Pasalamat nalang talaga kami at successful iyon. Nung opening party ng Bar ay ginawa pa kaming endorser dahil binalita nya na pupunta din ang mga kilalang Architects sa bansa. Which is naging epektibo naman dahil madaming mga business owners na binata man o dalaga ang nagpunta. Yung mga taong di kami mahanap dahil tinatanggihan namin ang projects ay nagdagsaan doon. Kaya tuloy ay nai'stress kami nila Gail at Tanya pati narin ang iba pang kilalang Architects ni Kei.

Tahimik nanaman si Erin sa tabi ko kaya nagpasya akong ihinto muna ang kotse sa tabi. Nagulat pa nga sya dahil sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin. Gusto ko nang matapos tong away namin. Namimiss ko na kasi sya. Ayoko ng ganito na halos hindi na kami magkibuan ng dahil lang doon.

"Malelate na tayo, Alex. Bakit kapa huminto?" Naiinis nyang sinabi.

"Love.. hanggang kelan tayo ganito?"

"Hanggang sa tanggapin mo na yung project." Pirmi nyang sinabi.

"It's against my own will!" Nabigla sya dahil bahagya akong nagtaas ng boses. Na hindi ko naman talaga gawain iyon sa kanya. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim, pinapakalma ang sarili. "Hanggang ngayon ba naman love yan parin pagtatalunan natin?"

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon