Tama lang para sa aming tatlo nila Axel ang hinanda ni Mama para sa pagsalubong namin sa bagong taon. Abala ngayon si Mama sa labas na makipagchikahan sa mga kumare nya doon habang si Axel naman ay mag-isang naglalaro ng kanyang laruan.
Nag-ingay ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko iyon at sinagot agad ang tawag. Alam ko namang si Gail lang yun dahil sya lang naman ang tumatawag sa akin.
"Happy New Year, Alexis!"
"Happy New Year din. Sana iwan mo na yang pagkabaliw mo sa taon na'to at magbago kana next year."
"Tanga! Mas lalo ko pang dadagdagan 'to no!"
Agad naman akong napailing. Ngayon palang pala kabahan na ako kung ganon.
"Wala ka padin kinekwento ah! Kahit si Erin sinasabi na ikaw ang magkekwento sa akin!"
"Wala din akong ikekwento sayo."
"Nakakainis ka naman eh!"
Ikekwento ko naman talaga e. Hindi nga lang sa ngayon at mas lalong hindi dito sa phone. Atsaka gusto ko lang syang asarin ng asarin ngayon.
"Tigilan mo ako, Gail. Ikaw nalang magkwento sa akin."
"Kwento? Saan?"
"Edi sa inyo ni Jake."
Tumili sya agad. Yung tili na asar na asar.
"Nakakainis! Hindi ko na nga pinapansin yung mga texts at chats nya pero ganon padin sya, hanggang ngayon!"
"Why don't you give him a chance kasi?"
"Duh, ayoko sa mga pulis!"
"Hindi pa naman sya pulis ah. Tsaka he's a good guy. Medyo may pagkapilyo nga lang."
"Yun na nga eh. Alam mo namang hindi ko type mga ganon."
"Ay ewan ko sayo, Gail. Usap nalang tayo next time at tawag na ako ni Mama."
Binaba ko na ang tawag. Hindi naman talaga totoo na tinatawag ako ni Mama. Nakita ko lang kasi na nagtext si Erin kaya yun agad ang dinahilan ko kay Gail.
From: Clumsy
Happy New Year.
Napakunot ako ng noo. Ano 'to? Wala man lang kalatoy-latoy ng bati nya. Samantalang nung pasko may pa-heart pa.
Eh pakialam ko nga pala? Di naman big deal mga ganyan nya sakin nung nakaraan ah. Nababaliw na ata ako. Ang weird ko na kahit maliit na bagay, napapansin ko na kay Erin.
To: Clumsy
Happy New Year. Thanks for making my last month of 2020 memorable and happy. God bless.
Sinend ko agad yun. Baka kasi magbago pa ang isip ko at happy new year nalang ang ilagay ko. Bigla din naman syang nagreply kaya binasa ko agad ang text nya.
From: Clumsy
Haba ah. And happy? I didn't know nga na napasaya kita e.
Dahil sa sinabi nya ay napaisip ako. Totoo na napasaya nya ako. Gusto ko lang yun sabihin sa kanya na kahit ano pa man ang sabihin nya ay tila ba balewala na lang sa akin. Basta lang masabi ko lang ang gusto kong sabihin.
From: Clumsy
Let's meet later?
Doon ako biglang kinabahan. Bakit ko nga ba sya inayang makipagkita sa akin?
Taena, nababaliw na nga yata talaga ako.
Sumapit ang alas dose at nagbatian na kami ni Mama. Nagdala kaming dalawa ni Mama ng mga kaldero saka nag-ingay sa buong bahay. Pagkatapos ay lumabas at doon din nag-ingay. Si Axel naman ay panay ang ingay nya din gamit ang kanyang torotot. Tuwang-tuwa pa si Mama dahil ganon din pala ang ginawa ng mga kapitbahay namin. Nagbatian din kami isa-isa.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis