29

1.4K 39 2
                                    


"Miss Alex! Nako, ilang linggo ka ng over time ah. Masyado bang bigatin ang kliyente natin kaya ganyan?" Pagbibiro ni Kuya Rudy sa akin.

Sa totoo lang wala ako sa mood makipagbiruan ngayon pero dahil si Mang Rudy ito ay tipid ko syang nginitian. "Naku, hindi po. Pasensya na po Kuya Rudy, pero kailangan ko na pong tapusin 'to e."

Agad naman naintindihan ni Kuya Rudy kaya iniwan na nya ako sa table ko. Inabala ko ulit ang sarili sa ginagawa ko hanggang sa may mag lapag ng kape sa table ko.

"Tara, dinner?" Si Freya.

Umiling ako. "Kelangan ko ng tapusin ngayong gabi 'to, Freya."

"Yan na ang huling project sayo. Pagtapos nyan wala ka ng gagawin. Halos nasimot mo lahat ng small project sa loob lang ng dalawang buwan, Alexis. Nagpapakamatay ka ba?"

Bahagyang kumibot ang ugat sa sentido ko. Heto nanaman si Freya, sinesermunan nanaman ako.

Niligpit ko ang gamit ng masiguro kong tapos na ang ginagawa. Nanatili sa tabi ko si Freya na nakatayo, naghihintay sa akin. Matapos magligpit ay nagtungo agad ako sa elevator nang hindi manlang nililingon ang kasama ko.

"9PM na, Alex. Sasama ka sa akin kumain kahit ayaw mo." Pamimilit pa nya.

Pagod na ako sa lahat, sa totoo lang. Ang hirap ng ganito. Halos bumabangon akong may bigat sa dibdib na dinadala. Pakiramdam ko nga may sakit na ako sa puso dahil ilang araw ng masakit ang dibdib ko.. ang puso ko to be specific.

Hila-hila ako ni Freya papunta sa parking lot at pwersahang pinasakay. Ayaw ko naman talagang kumain eh. Wala akong gana. Wala akong gana sa lahat ng bagay.

"Magseat belt ka. Alam ko namang gusto mo ng mamatay, Alex. Pero wag naman sa mga oras na kasama mo ako." Ewan ko ba kung seryoso ba sya dyan o hindi pero sinunod ko nalang din.

Madalas ganito ang senaryo ko sa loob ng dalawang buwan. Palagi ko nalang nakikita ang sarili kong hatak-hatak ni Freya kada umuuwi ako. Napagkakamalan na nga kaming magjowa dahil kahit na ang tanghalian ko sa office o kahit sa bahay ay hindi nya pinatawad. Lagi nyang dahilan ay sinisigurado nya lang daw ba kung buhay pa ba ako.

Tangina. Sana nga namatay nalang e. Sana nga natuluyan ako sa aksidente two weeks ago. Gasgas lang ang nakuha ko. Hindi ako nakuntento sa mga ganon. Gusto ko isahang disgrasya para patay agad. Para mawala na tong lecheng problema at dinadala ko. Wala ngang kaalam-alam ang mga kaibigan at pamilya ko na naaksidente ako. Tanging si Freya lang ang nakakaalam dahil sya ang tinawagan ng nurse nung ginagamot ang gasgas ko. Ayaw ko din naman ipaalam dahil ayaw ko ng komplikadong sitwasyon.

Pumasok kami sa isang karinderya na nadaanan namin. Kahit na mayaman tong si Freya, hindi naman maarte. Dito ko nga tinurong kumain minsan dahil gusto kong asarin sya para wag nalang akong piliting kumain pero sinunod nya parin ako. At hindi ko din inaakala na magugustuhan nyang kumain sa ganito kaya simula nun, madalas na kami dito kumain. Masarap din naman kasi ang luto ni Nanay Flor. Suki na nga kami e.

Sya narin ang umorder. Tahimik lang akong nakaupo. "Ang payat mo na. Nag-aalala na si Tita Meg sayo. Tapos yung barkada mo, halos maging reporter na nila ako kakatanong kung ano na nangyayari sayo."

Dahil sa nangyari, naging mailap na din ako sa barkada. Minsan lang kami nagkakasama kapag natetyempuhan nila ako sa condo ko. Sobrang late ko na kasing umuuwi dahil kung hindi sa office ay sa rooftop ng kompanya ni Papa ako naglalagi.

Simula nung tanggihan ni Erin ang proposal ko at nakipagbreak sa akin, para na akong wala sa sarili. Napapabayaan ko na nga ang katawan ko. Kahit tulog ay hindi man lang ako tinigilan ng lungkot at sakit. Kaya madalas nahihimatay ako. Magaling naman sa timing si Freya dahil kung hindi sa site, sa office sa karinderya, sya palagi nakakasama ko. Tinuon ko ang atensyon sa trabaho ko. Lahat ng pending na projects tinatapos ko agad. At tumatanggap na din ako ng kahit anong projects na buti nalang chincheck ni Freya bago ko simulan. Pati narin ang project sa ibang bansa na mula kay Mr. Smith, pinag-iisipan ko na.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon