Lalong nasira ang araw ko dahil nakuha pang humalik sa pisngi nung Dylan kay Erin! Tuloy ay nilamon na ako ng selos dito sa kusina. Aba, kitang-kita ko nangyari e. Hindi ko naman magawang mainis kay Erin dahil nabigla din sya sa nangyari at tumingin sa akin ng nagsososorry ang kanyang mata. Tipid lang akong ngumiti sakanya.Pumasok sila. Wala na din masyadong bisita si Erin na mga kaklase nya dahil nagsi-uwian na din. Iilan nalang ang narito sa loob. Dinala muna ni Erin ang teddy bear at bulaklak sa kanyang kwarto. Naiwan tuloy ang impaktong lalaki na nakaupo sa sofa. Inasikaso din sya ni Tita Cely at Tanya. Malaya ko naman syang natitingnan ng masama. Ang mas nakakainis pa ay nginisian pa ako. Sarap ngang ibato sa kanya yung sandok na nakalagay sa mesa malapit sa akin kung hindi lang ako binabantayan ni Gail at Kei.
Inabala ko nalang tuloy ang sarili ko sa pag kain ng salad. Dumating si Erin. Hindi ko nga inaakala na sa akin sya didiretso. Expected ko aasikasuhin nya yung lalaki e.
"Tara Love, doon tayo." Inaya nya ako. Hinila nya pa ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Naupo kami sa sofa. Nakaupo naman sa pang-isahang upuan si Dylan. Ngayon naman ay ako ang ngumisi sa kanya at sya naman ngayon ang nakasimangot.
Napaghahalataan tuloy syang may gusto sa girlfriend ko.
"Dylan, nakilala mo na si Alexis, diba?"
Bahagya lang tumango si Dylan. Tahimik ah. Tss.
"Kamusta naman si Erin sa company?" Pag-uumpisa ko. Nagulat pa nga ang dalawa dahil di nila inaakala na ako ang unang magsasalita.
"She's okay. Actually, kinukuha na sya ng company pagka graduate nya." Nagyayabang syang ngumiti sa akin. Bastard.
Napatingin ako kay Erin, nagtatanong. Tiningnan nya ako nang nagsosorry ulit. Medyo naiinis na ako ngayon sa totoo lang. Walang binabanggit si Erin tungkol don. Iniisip ko nalang na baka nakalimutan nya.
"Really?" Tila amused kong tanong. Kunwaring namamangha. Humarap ako kay Erin. "Edi ayos pala kung ganun, Love?" Diniinan ko pa ang pagtawag ko sa kanya. Nagbabaka-sakaling baka matauhan yung ulupong sa gilid namin at tigilan na yung mahal ko.
"Ah, hindi ko pa alam kung tatanggapin ko, Love."
Hindi na ako umimik. Napansin kong nagpapakiramdaman ang mga tao sa paligid namin. Panay din ang sulyap ni Kei sa akin at nung nagtama ang tingin namin ay tinanong nya ako kung okay lang ba ako sa pamamagitan ng kanyang mata. Tumango lang ako.
"Ah, Love punta lang ako sa kusina. Ikaw na bahala sa bisita mo." Tumayo ako agad.
Dumiretso ako sa banyo. Wala, tumayo lang ako sa tapat ng salamin. Nabibwisit ako dahil sa presensya palang ng ulupong na yun ay kumukulo na dugo ko.
Kumatok si Gail. "Hey, inom na tayo sa kwarto ni Tanya." Pag-aaya nya.
Inayos ko muna ang sarili. Saka ako lumabas. "Tara." Nginitian ko sya. Nauna akong umalis. Naabutan ko sa kusina sila Kei at Tanya. May mga dala na silang light drinks at pulutan. Nauna na silang umakyat. Nahuli pa ako dahil kumuha ako ng pitsel ng tubig. Nakita ko si Erin na nakikipag-usap kay Dylan. Ang saya-saya pa nila. Napatingin sa akin si Erin pero umiwas na agad ako ng tingin at umakyat na papunta sa kwarto ni Tanya.
"Oh, ano? Ang sakit ba sa mata?" Bungad sa akin ni Gail. Pinukpok ko nga ng walis na nakuha ko sa gilid ng pinto ng kwarto ni Tanya. Nagtawanan naman sila Kei.
"Nakakainis din yung lalaking yun." Hindi na napigilan pang sinabi ni Tanya.
Hindi ko sila pinansin at tahimik lang na nag-umpisang uminom. Katabi ko si Gail sa kanan at si Kei naman sa kaliwa ko. Nagpatugtog naman ng mga pang broken hearted songs si Tanya. Parang nanggagago lang.
"You okay?" Nag-aalalang tanong ni Kei. Tumango lang ako saka tumungga ulit sa bote.
9PM na nang umakyat si Erin sa kwarto. Medyo madami nadin kaming nainom. Naglalampungan na nga ang dalawa sa harap namin ni Kei. Kaming dalawa naman ni Kei ay tamang kwentuhan lang. Halos tatlong oras na nasa baba si Erin ah. Hindi ko nga alam kung nakauwi naba yung ulupong na yun e. Kanina pa kami dito pero yung isip at diwa ko, nasa baba. Nasa sala kung nasaan ko iniwan si Erin kasama ang ulupong na yun.
"You're drunk, Love." Sita nya sa akin. Niligpit nya ang mga kalat na bote. Pinalo nya pa ng damit yung dalawa na hanggang ngayon ay naglalampungan padin.
"I'm going." Biglang tumayo si Kei. Muntik pa nga syang matumba kung hindi ko lang nahawakan ang braso at pwet nya. Bumusangot si Erin nang makita nyang nakahawak ako sa pwet ni Kei.
Tapos etong si Kei napa-ungol pa kaya agad akong bumitaw.
"Ako na." Bakas ang galit sa pagkakasabi ni Erin.
Tahimik lang akong tumayo na. Ubos na rin ang bote ng alak na nasa akin at iniwan ko na din ang dalawa at sinarado ang pinto. Dama ko na ang hilo pero kaya ko pa naman.
Pagkababa ko, wala nang bisita sa sala pati yung ulupong kaya nawala ang init ng ulo ko. Naabutan ko lang si Kuya Ethan na kumakain. Si Mama ay nauna nang umuwi kasama si Axel. Si Tita Cely naman ay naghuhugas ng pinggan. Sakto din ang labas ni Kei sa banyo, at si Erin na nag-aabang sa kanya sa pinto. Pumunta ako sa kanila.
"Hatid kana namin, Kei." Sabi ko sa kanya. Tumango lang sya. Medyo okay pa naman si Kei. Hindi sya gaanong nalasing. Marahil ay may hilo na din syang naramdaman.
Lumabas kaming tatlo at dumiretso sa sasakyan ni Kei.
"Are you sure, you can drive?" Nag-aalala kong tanong.
"Oo naman." Bumaling sya kay Erin at nakipagbeso. "Thanks, Erin. Happy birthday again."
"Salamat, Kei ha. Ingat ka pauwi." Nakangiting sinabi ni Erin.
Pumasok na si Kei sa kotse at umalis na. Naiwan kami ni Erin na nakatayo lang kung saan nagpark si Kei ng kotse nya.
"Coffee Love?" Maya-maya ay pag-aalok sa akin ni Erin. Ngumiti ako at hinalikan ang noo nya.
Pumasok kami sa kusina. Wala na din katao-tao sa sala. Pinagtimpla nya ako ng kape. Medyo namumula nadin ako pero hindi pa naman ako lasing.
"Kamusta, Love?" Wala din kasi kaming alone time maghapon ni Erin dahil busy sya. Ngayon palang.
Umupo sya sa tabi ko at patagilid na yumakap sa akin. Inakbayan ko naman agad sya habang umiinom ng kape.
"Pagod Love," Ramdam ko ang panay amoy nya sa leeg ko kaya medyo nagiging uneasy ako sa posisyon namin. "Nga pala, love. Yung about kanina.. tatanggapin ko ba?"
Napakunot ako ng noo. "It's up to you, Love. Gaya nga ng sabi mo, wag akong dumipende sa desisyon ng iba. Kaya dapat ganun ka din. Okay?"
"Hindi kaba galit?" Kanina oo. Pero wala na yun dahil ganito na sya kalambing ngayon e.
"Nope. Why would I?" Tiningnan nya ako. Tinitimbang nanaman nya kung totoo ba o hindi ang sinabi ko. Bumuntong-hininga ako. "Nagseselos lang po." Nasabi ko nalang sa huli.
Hinalikan nya ako sa labi. Saka nya hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan nya pa ako ng matagal. Tila ba nangungusap ang kanyang mata at pinapakita kung gaano nya ako kamahal.
"Mahal na mahal kita, Alexis Jade."
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis