The morning came and I am still wide awake. Fuck. Hindi man lang ako pinatulog ng saya na nararamdaman ko ngayon. At paano ba naman kasi ako makakatulog kung ganito ba naman kaganda ang katabi ko? Nakakatakot din pumikit baka kasi panaginip lang lahat ng 'to. Pero ala syete na ng umaga, mulat parin ako at totoong-totoo si Erin sa tabi ko, totoong may nangyari sa amin.
Gumalaw sya, mas lalo syang lumapit at sumiksik sa akin. Nakikiliti na nga ako dahil ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko. Ang mga kamay nya ay nakapasok na sa loob ng damit ko, sa tyan banda. Hindi ko alam kung sinasadya nya ba yon or sobrang himbing lang ba talaga ng tulog nya ngayon.
Nagtagal pa ako ng limang minuto bago ko dahan-dahan na alisin ang mga kamay nya sa akin at bumangon. Dumiretso ako sa banyo saka naghilamos at nagtoothbrush. Nakasampay doon ang damit ko na nilabhan pa yata ni Erin kagabi. Mabuti nalang at tuyo na. Naligo nalang tuloy ako pagkatapos ay lumabas ako ng banyo.
Naabutan ko si Erin na tulog parin. Lumapit ako sa kanya saka sya hinalikan sa noo. Doon sya nagising. Napangiti ako sa nakita. Ang cute nya shet.
"I'm sorry," hinaplos ko ang buhok nya. "Did I wake you up?" Ngayon ay nakatitig sya sa akin. Natawa na ako sa kanya.
"Hey," she suddenly blink. Mukhang natauhan sa nangyari.
"Totoo ba 'to?" Napakunot ang noo ko. Tuluyan akong naupo sa kama, sa tabi nya. "If this is some kind of dream again, wag na sana akong magising." Sabi nya. Nakikita kong nagbabadya ang kanyang luha sa mga mata nya.
"This is not a dream," I said. I kissed her para malaman nyang totoong nangyayari ito. She kissed me back at dahil sobra na akong nadadala, nakagat ko tuloy ang labi nya. Doon sya napa 'aray' pero hindi man lang sya nagalit.
"God," she said. "Alex," tawag nya sa akin saka nya ako niyakap ng mahigpit.
I chuckled. Para syang bata na sabik sa yakap ng isang magulang.
"Erin," I called her kaya kumalas sya sa pagkakayakap sa akin.
"Hmm?"
Tumayo na ako. Bigla syang nataranta. Pinagmasdan nya ang kabuuan ko.
"Saan ka pupunta?"
"Erin, relax." I said. Medyo nagiging uneasy na kasi sya ngayon. Bakit ganito sya? Kung makapagreact para ko syang iiwan. Well literal talagang aalis ako dahil sa trabaho.
"Saan ka nga kasi pupunta?" Tila nagtitimpi nalang sya ngayon.
"Work," humalik ako sa noo nya. "Babyahe pa ako pabalik sa Manila. Magpahinga ka muna dito, wag kana munang pumasok ngayon."
Tumayo sya. "Sama na ako." Saka sya pumasok ng banyo. Napabuntong hininga nalang ako.
Naabutan ko sila Kuya Ethan sa hapag. Actually kami nalang dalawa ni Erin ang kulang doon. Agad naman akong inaya ni Tita kaya naupo na ako doon. Maya-maya lang dumating si Erin. Nagulat pa nga ako dahil sa akin sya ngayon tumabi. Napansin din iyon ng mga tao sa paligid namin pero nakangiti nalang sila ngayon sa amin at hindi na kami inabala.
Natapos ang umagahan at bumabyahe na kami ngayon papuntang Manila. Marami kaming pinag-usapan ni Erin kaya hindi kami naboring sa daan. Hinatid ko sya sa bahay nila. Papasok daw sya mamayang tanghali. Ako naman ay dumiretso sa condo para magbihis saka nagpuntang kumpanya.
Nasa mood akong ngumiti sa mga taong nakakasalubong ko pagpasok ko palang sa building. Ang iba ay nagugulat pa sa akin pero hinayaan ko nalang. Kahit puyat ay hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Dahil siguro sa saya na nararamdaman ko ngayon. Nakasalubong ko si Aris paglabas ko ng elevator. Maging si Aris ay nabibigla dahil binati at nginitian ko din sya ng malawak.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis