37

1.6K 51 0
                                    

Nagsimula ang seremonyas sa sementeryo. Tahimik lang kaming nakikinig. Si Tita Nes pati narin ang mga kapatid ko ay lumuluha. Nakacap lang ako at nakasuot ng sun glasses. Katabi ko si Freya at Lily sa kabila ko naman ay si Mama at Axel. Ang barkada ko ay nasa likod ko lang, tahimik lang din.

Kagabi, hindi na muna ako bumalik sa chapel. Kahit na alam kong naghihintay parin sila doon. Bumalik lang ako ng sabihan ako ni Mariz na umuwi na silang lahat.

Hanggang ngayon ay wala parin akong tulog. Dumating din kasi kagabi ang mga kapatid ni Mama pati narin ang mga pinsan ko. Madami kaming ginawa at napag-usapan. Nag-inuman pa nga kami kaya ngayon ay bangag na bangag ako. Namumula parin ako dahil sa alak. Naligo naman ako para hindi ako mangamoy.

Nagsimula na ang pagsaboy ng holy water. Nang ako na ang magsasaboy ay nanginginig ko pa itong kinuha. Saka ako dahan-dahan na lumapit sa kabaong.. rest in peace, Pa. Gabayan mo kaming naiwan mo. Mahal na mahal ka namin..

Hanggang sa matapos. Muntik pa nga himatayin si Tita Nes. Mabuti nalang nasalo sya ni Anton at Xander. Si Mama naman ay lumuluha lang habang si Axel ay katatapos lang umiyak. Nagsimulang magsi-alisan ang mga tao hanggang sa kami-kami lang ang natira.

"Ma, uwi na tayo." Ako na ang nag-aya. Ang mga kaibigan ko naman ay umalis na din.

Buong seremonyas ay hindi ko masyadong napapansin si Erin. Dahil nga dama ko parin ang alak sa sistema ko, pati narin ang hilo hindi na ako naglakas loob na kausapin din sya ng kinausap nya ako kanina.

Nagpaalam na kami kila Tita Nes na paalis na din bago kami pumasok sa kotse. Nasa front seat si Axel, habang nasa likod si Mama at Freya. Nilalaro ni Mama si Lily kaya kahit papaano ay nalibang sya.

"Nasaan pala si Hector?" Ngayon ko lang napansin. Pasensya na, ang dami kong iniisip.

"Busy sya ngayon sa project nya e. Pasensya na, hindi siya nakadalaw."

"Ayos lang, naiintindihan ko naman." Tipid lang akong ngumiti saka nagfocus sa daan.

"Kailan ka nga pala ikakasal, Freya?" Si Mama. Alam nila na ikakasal na sya kay Hector. Kaya nga natatawa si Mama kay Tita Nes nung malaman nyang tinawag na 'mag-ina' ko daw si Freya at Lily.

Hinatid muna namin ang mag-ina sa condo nya. Saka kami tumuloy sa dati naming bahay. Ganoon parin naman pagdating ko. Nagbago nga lang ang pintuta pero ang mga gamit ay nandoon padin.

Dumiretso ako sa kwarto saka nahiga sa kama. Sa sobrang sakit ng ulo ko ngayon ay tinulog ko nalang.

Paggising ay maingay na sa sala. Nagtoothbrush at naghilamos muna ako saka nagbihis ng pambahay. Pagkababa ay masayang nagluluto si Mama at Tita Cely.

"Oh anak, tikman mo nga." Si Mama, nilalahad ang sandok na may bikong nakalagay.

"Hmmm.. masarap." Kumuha akong kutsara saka kumuha ulit sa kawali. "Namiss ko 'to."

"Ilang taon ka ding nawala, kaya talagang mamimiss mo ang pagkain dito." Si Tita Cely na ang nagsalita.

"Kamusta kayo, Tita?"

Umupo ako sa hapag. Saka kinain ang binigay na platong may laman ng biko ni Mama.

"Ayon, ayos lang. Buntis ulit si Ate Colin mo, masusundan na si Eros. Si Erin naman, ayon at lumipat na ng kumpanya tatlong taon na ang nakaraan."

Nagkatinginan kami ni Mama. Tipid lang akong ngumiti. Alam din ni Mama na mahal ko parin ang anak ni Tita Cely. Wala naman syang ibang sinabi.

Dumating si Axel kasunod si Aris. Kaya agad akong tumayo saka sya nilapitan.

"Pasensya na, hindi tayo masyadong nakapag-usap doon."

Dumalaw kasi sya kasama ni Tito Grey. Hindi ko naman naasikaso dahil busy ako nung mga oras na yun.

"Okay lang. May pinuntahan kasi ako. Eh malapit naman na ako dito kaya dumaan na ako." Pinakain sya ng biko ni Mama at binigyan ng juice.

"Bukas nalang tayo mag-usap, Ris." Tumango lang sya. Alam na nya ang ibig kong sabihin kaya gets na nya agad iyon.

———————

Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko.. nagmumuni-muni. Hindi ko nga alam kung ilang minuto na akong ganito. Hanggang sa umupo ako saka kinuha ang wallet na nasa bedside table ko. I need to drink. Kaya lumabas ako ng bahay ay nagpunta sa 7/11.

Pagpasok ay dumiretso ako sa mga beer at kumuha doon ng limang piraso at pati na din ng chips saka binayaran sa cashier. Dumiretso ako sa mga upuan na nasa harap.

Habang umiinom ay naaalala ko lahat ng mga nangyari dito, kasama si Erin. Tuloy ay hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis o mag reminisce nalang dito. Para akong teenager na nag'e-emo tuloy.

"Nandito ka," sabi nya sabay kuha ng beer at binuksan ito. Hindi naman ako totally na nagulat na makikita ko si Erin. Malamang malapit lang din ang bahay nila dito e.

Nakatingin lang ako sa kanya. Ni hindi ako nag-abalang magsalita pa. Pinagpatuloy ko lang ang pag-inom ng beer.

Sometimes, silent is the best thing to do in a situation like this. Wala, okay na kami sa ganito ngayon na tahimik lang na umiinom. Kahit hindi kami nagkasundo sa ganitong set up namin ngayon, parang may iisa kaming isip na hindi nalang magsalita at abalahin nalang ang aming sarili sa pag-inom.

Kaso, naubos na ang lahat. Tanging dalawang piraso lang ang nainom ko samantalang si Erin pangatlo na nya ang tinutungga nya ngayon. I don't mind naman kasi hindi naman ako nagpunta dito para maglasing. I just have this feeling that I need to drink dahil hindi ako makatulog. Kalilibing lang ni Papa, at puro mga pinagsamahan namin ang naiisip ko kanina hanggang sa hindi na tuloy ako makatulog.

I waited at her patiently. Kasabay ng paghihintay kong matapos sya ay ang pagtitig ko sa mukha nya. Wala na nga akong pakialam kung nararamdaman nya bang tinititigan ko sya. Mukhang ganon din naman kasi sya e. Hindi man lang nga sya lumingon sa akin. Which is mas mabuting ganoon para magkaroon pa ako ng oras na titigan sya.

Isang tungga ang ginawa nya bago sya tumingin sa akin, namumula na. Tumayo sya saka papasok na sana sa 7/11 nang pigilan ko sya gamit ang paghawak ko sa laylayan ng damit nya.

"What?" Tanong nya. Hindi ko sya sinagot saka sya hinila ulit paupo sa pwesto nya.

"Tama na yan, umuwi kana." Nagsimula akong tumayo. "May work kapa bukas."

Humakbang ako pero hindi pa ako nakakalayo ng sya naman ngayon ang hunawak sa laylayan ng damit ko. Tiningnan ko lang sya, naghihintay sa sasabihin nya.

"Hatid mo ako," lalong humigpit ang hawak nya sa damit ko. "Kahit ngayon lang,"

Bumuntong-hininga ako. I would love to do that.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon