Sunday ngayon kaya tanghali na akong nagising. Mabuti nalang at hindi ako ginising ni Mama ng maaga dahil sobra talagang kulang ang tulog ko nung nakaraan dahil sa thesis na ginagawa namin.
Pagkababa ko ay iyak agad ni Axel ang naririnig ko. Agad naman akong dumalo sa kanya. Pinunasan ko pa ang basa nyang mukha dahil sa mga luha nya.
"Ano nangyari Axel?"
Panay padin ang iyak nya at hindi nya man lang sinagot ang tanong ko. Dumating naman si Mama na may dalang damit nito.
"Ayun, nakipaghabulan sa kalaro nya. Nadapa tuloy."
Hinayaan ko na sila at nagpunta akong kusina. Sumandok agad ako ng pagkain dahil sakto ang gising ko para sa tanghalian.
Maya-maya lang ay dumating si Mama. Binigyan nya ako ng tubig at inasikaso ang mga pimaglutuan nya.
"Andyan si Erin sa sala, hinahanap ka."
"Po, Ma?"
Nakakunot lang ang noo ko dahil sa narinig. Bakit andito yun? Hindi naman na kami nag-uusap ngayon pagkatapos nung nangyari sa kanila nung babae. Ni hindi na nga din kami nagkikita e.
"May usapan ba kayo? May pupuntahan ata kayo e."
"Wala naman po, Ma."
"Puntahan mo nalang pagtapos mo dyan."
Nagpatuloy ako sa pag kain. Medyo binilisan pa dahil may naghihintay sa akin.
"Alex."
Sambit ni Erin pagdating ko sa sala. Tiningnan ko lang sya nang may pagtataka. Agad nya namang nagets ang tingin kong iyon.
"May lakad ka ngayon?"
Umupo muna ako at binigyan sya ng tubig na dala ko galing kusina.
"Wala. Ikaw yata meron."
Natawa sya sa sagot ko. Uminom muna sya ng tubig bago ulit magsalita.
"Tara, alis tayo."
"Ayoko. Gusto kong magpahinga."
Bigla naman syang natahimik. Totoo naman kasi talaga yung sinabi ko. Kelangan ko ng tulog ngayon dahil alam kong sa mga susunod na araw ay puro puyat nanaman ang mangyayari sa akin.
"Oo nga, nabanggit ni Gail na puro kayo thesis ngayon kaya siguro pagod ka."
"Hindi lang pagod. Puyat pa. Ikaw ba? Wala kayong ganon ngayon?"
"Wala, katatapos lang namin e."
Tumahimik kami saglit. Dumating naman ngayon si Tita Yen na may dala pang cake kaya binigyan nya kami ni Erin.
"Tapusin ko lang tong cake tapos uuwi na din ako."
Mukhang sarap na sarap sya sa cake kaya hinayaan ko nalang syang kumain ng kumain.
Saktong pagtapos nyang kumain saka ako nagsalita.
"Bakit ka nag-aaya sa akin ngayon? Pwede namang si Gail."
Natigil sya sa pag inom ngayon ng tubig.
"Gusto ko lang bumawi. Tinulungan mo ako nung nakaraan, gusto ko lang magpasalamat."
"Nagpasalamat kana. Okay na sakin yun."
"Iba pa din yung bumawi ako sayo."
"Next time nalang siguro. Sa ngayon umuwi ka nalang muna, pasensya na."
"Ganito nalang."
Tiningnan ko sya ng mabuti. Nakangiti sya ngayon sa akin. Yung tipong may pinaplano.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis