13

1.9K 72 1
                                    


Masaya kaming nagkekwentuhan ni Gail sa bench malapit sa Marketing building kung saan kami madalas tumambay. Kasama din namin si Tanya na panay din ang daldal sa amin. Halos matawa pa kami sa mga kwento nya na ginatungan pa ni Gail.

Maya-maya lang ay dumating si Erin. Ang seryoso nyang tingnan habang palapit sya sa amin. Napaayos ng upo kaming tatlo. Una syang kinausap ng pinsan nyang si Tanya.

"Rin, ano nangyari?"

Tiningnan nya ako matapos syang tanungin ni Tanya. Bigla akong tumayo at lumapit. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko nagkaroon ako ng kasalanan kay Erin. At gusto nyang pag-usapan iyon.

"Tanya, Gail?" Tinawag nya yung dalawa. Agad naman silang tumalima at nag-aalalang tiningnan si Erin.

"Mauna na kami ni Alexis, okay lang?"

Agad naman tumango sila Tanya. Inayos ko agad ang bag ko saka kami nagsimulang maglakad paalis sa school. Wala din kaming imikan hanggang sa makarating kami sa hintayan ng jeep at makasakay. Bumaba kami sa may park kung saan kami nag meryenda lang ni Erin. Umupo sya sa isa sa mga bench na nandoon. Nadaanan din namin si manong na nagtitinda ng mga fishball at kwek-kwek. Bumili muna ako nun saka ko sya tinabihan.

"Oh, para lumamig ulo mo. Mukhang tinotoyo ka, Erin e." Biro ko.

Inabot nya yun ng walang imik at kinain. Kumain nadin ako pero hanggang sa matapos na ang pagkain namin ay tahimik parin sya. Pinapakiramdaman ko lang ang paligid, lalo na si Erin.

"Kung itigil na natin kaya 'to, Alex?"

Nagugulat akong napatingin sa kanya. Tila hindi inaasahan ang kanyang sinabi. Lumingon sya sa akin at nginitian ako ng pilit.

"Wala pa nga tayong inuumpisahan, Erin."

Nagsisimula nang umusbong ang kaba at sakit na nararamdaman ko. Maging ang anxiety na halos kinakatakutan ko ay hindi ko na rin kaya pang ihandle.

"Narealize ko lang," kinakamot na nya ang kanyang palad. Iniisip ko tuloy na mannerism nya iyon.

Hindi ako umimik at hinintay lang syang magsalita ulit. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko magawa. Inuunahan ako ng kaba at takot.

"Narealize ko lang na masyado ka palang sikat. Na marami pala akong magiging kaagaw sayo. Na hindi ka yata nababagay sa akin."

Nawala ang kaba at takot na naramdaman ko matapos kong marinig ang mga iyon. Natawa nalang ako at napailing na ikinasama nya naman ng tingin sa akin.

"Anong nakakatawa, Alexis?"

Napatikom ako ng bibig. Shit. Bakit ba napapatiklop ako agad ni Erin? Taena, di maganda yung ganito, self.

"You and your insecurities, huh?"

Napanguso sya. Damn, I want to kiss her. Agad kong iwinaksi ang naisip. Nagdadrama sya ngayon pero heto ako at ganito ang iniisip.

"Si Tanya, Si Adel maging yung iba pang estudyante doon at pati ba naman yung ex ko, Alex? Really?"

"Wait, paano mo nalaman yung sa ex mo?"

"Usap-usapan kaya sa classroom. May nakakita sa inyo, naglalandian daw." Nakasimangot na sabi nya.

Cute.

"Erin, naniniwala ka ba sakanila?"

Natahimik sya. "Erin," mahinang pagtawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin. Halata sa kanya ang lalim ng iniisip.

Hinawakan ko ang kamay nya kaya napunta sa akin ang atensyon nya. "Di ko type ang ex mo 'no." Tiningnan nya ako ng matagal. Inaalam kung totoo ba o hindi ang sinabi ko. "Di ako pupulot ng bato tapos ipupukpok ko sa sarili ko." Dagdag ko.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon