21

1.6K 51 2
                                    

Graduation Day na namin ngayon. Ang gulo ngayon dito sa gymnasium ng school. Sabay din ang schedule ng graduation ng Architecture at Business Administration kaya nandito na si Erin. Mauuna nga lang kami ng ilang oras.

Kasama ko si Axel at Mama pati narin si Tita Cely at Erin. Parehas kaming nakaayos at nakamake-up ni Erin. Tuloy ay para kaming mag twinnie at nagpicture.

"Congrats sa atin, Love!" Hinalikan nya ako sa pisngi.

"Congrats sa atin!!" Masaya ko ding tugon at niyakap si Erin. Nagtalon-talon pa nga kaming dalawa na parang timang.

Maya-maya lang ay nagsimula na. Nakaupo lang ako habang naghihintay na magmartsa. Nakikita ko pa si Gail at Tanya na naluluha, wala pa man ang pagmartsa. Binelatan ko tuloy sila nang makita nila ako.

Sa wakas ay tinawag na kami at nagsimula na kaming tumayo at pumila. Unti-unting tinawag ang mga pangalan. Nauna si Tanya na pinipigilan umiyak. Tawa naman kami ng tawa sa kanya ni Gail. Hanggang sa si Gail na ang tinawag. At ang gaga, nung nakuha ang diploma, kumaway-kaway pa sa mga tao na akala mong nanalo sa Ms. Universe.

"Sylvia, Alexis Jade O."

Umakyat ako sa stage ng nakangiti. Naririnig ko pa nga ang 'best friend ko yan!' ni Gail. Pasimple ko tuloy syang sinamaan ng tingin. Kasama nya si Tanya na tumatawa lang. May sumisigaw na din tuloy ng pangalan ko. Yung iba 'crush ko yan!' O di kaya, 'sayo lang ako kakalampag Alex!'

Napapikit tuloy ako saglit. Lalong nagtawanan ang dalawa kong kaibigan. Hanggang sa makababa ako ay tawa padin sila ng tawa. Pinaghahampas ko nga nang magtigil.

Dumating na din ang oras para sa graduation nila Erin kaya sya ngayon ang umalis at ako ang kasama nila Mama ngayon at ni Tita Cely. Naiiyak pa ngang yumakap si Mama sa akin. Pati narin si Tita Cely ay yumakap sa akin, naiiyak din. Si Axel nakatingin lang kaya niyakap ko din at hinalikan sa pisngi.

Hindi rin nagtagal ay tinawag ang pangalan ni Erin. Panay pa ang sigaw ko nung nakita namin syang umakyat ng stage. Hinanap ako ng mga mata nya saka kumaway at ngumiti sa amin. Kumaway din ang Mama nya pati narin kami ni Mama.

Sinalubong ko sya ng yakap. Hinalikan ko pa sa pisngi. Parehas kaming umiiyak ngayon dahil sa saya. Graduate na din kami, sa wakas!

Yumakap sya kay Tita Cely at nag-iyakan din sila. Pati kay Mama ay yumakap din sya at kay Axel. Sabay na kaming lumabas ng gym. Naabutan namin sila Tanya kasama ang magulang nya pati narin si Gail na kasama din ang parents nya.

Tiningnan ko ng mapang-asar si Gail. Ang putla nya kasi ngayon. Mukhang alam ko na kung bakit.

"Ano, binalasa kaba?" Natatawa kong bulong sa kanya pagdating namin. Girlfriend nadin nya kasi si Tanya.

"Gago ka, manahimik ka muna." Sagot nya. Medyo pawisan din sya ngayon pero kahit ganon ay hindi nasira ang make up nya.

Nagmano kami sa mga magulang nila Tanya at Gail. Masayang nag-usap ang mga magulang namin habang kaming apat ay nagpicture. Nagpicture din kami kasama ang magulang namin. At syempre, kaming dalawa din ni Erin ay may picture.

Maya-maya lang ay dumating si Kei. Excited pa syang yumakap sa isa sa amin. Binigyan nya din kami ng bulaklak.

"Gosh, congrats sainyo guys!!!" Tumitili pa sya kaya natawa kami sa asta nya. Pero agad din iyong nawala nang sumulpot si Dylan ulupong sa kung saan at nagbigay ng bulaklak kay Erin.

Ang gagong 'to, walang pinipiling lugar.

"Bakit ka nandito?" Wala sa sarili kong tanong. Abala sya sa pagbigay ng bulaklak kay Erin. Agad naman humawak si Erin sa kamay ko para pakalmahin ako.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon