35

1.6K 48 2
                                    

Nagising nanaman ako ulit. This time, umaga na dahil nadama ko ang init ng araw na nagmumula sa bintana. Kinapa ko ang phone ko, at 6AM na pala. Agad akong tumayo, naligo at nag-ayos.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Pangalawang beses na akong hinimatay. Ang daming oras na din na naitulog ko kaya pakiramdam ko, ang daming kong lakas ngayon. Pagkalabas ko, si Mara nakaabang sa akin sa sala, hawak nya ang aso. Dali-dali syang lumapit at yumakap sa akin.

"Tita, are you okay?" The kid is still worrying.

Tumango ako saka sya hinaplos sa ulo. Pumunta kaming kusina, doon ay naghanda na si Mariz ng breakfast. Kaya agad na kaming kumain.

"Can I borrow your car?"

Balak ko kasing bumalik na sa condo ko. Mabuti at malapit lang din iyon sa chapel. Ayoko ng makaabala kila Mariz. Dalawang beses na akong nakakatulog dito e.

"Yeah sure," umalis sya at binigay ang susi. "Magpapasundo nalang kami kay Troy papuntang chapel." Dugtong nya.

Dalawang araw na ako dito pero hindi ko man lang nagawang kamustahin ng personal ang mga tao sa paligid ko. Kaya yun ang inabala ko kay Mariz ngayon.

"Kamusta kayo?" Tila ba nagulat pa sya sa akin. Kaya bahagya akong natawa.

"Akala ko hindi kapa rin ayos," tumawa din sya. "Maayos naman kami. As usual, hacienda parin ang pinagkaka-abalahan ko. Ikaw? Kamusta na?"

"Ayos lang din. Hindi ko pa iniisip mga gagawin ko pagkatapos ng libing ni Papa." Nalungkot man ako sa huling sinabi pero kahit papano, natanggap ko naman na na wala na sa piling namin si Papa.

"May mga balita nga sayo. May project na inaalok sayo sa Brazil, tatanggapin mo ba?" Natatapos na kaming kumain. Agad ko din naman binilisan para mabilis akong matapos sa mga dapat kong gawin ngayong araw.

"Hindi ko pa alam. 2 years din yun kasi. Ngayong nandito na ako sa Pinas, naisip ko na din wag ng umalis." Naalala ko kung gaano kalaki ang pinagbago ng mga taong naiwanan ko dito. Lalo na kay Mama na halata na ang katandaan pero maganda padin tulad ko! Char. Si Axel na ang laki-laki at binata na. "Narealize ko kasing tumantanda na si Mama. Ewan, basta." Patatapos ko sa usapan.

"Sus, gusto mo lang makita ulit yung Ex mo," nagsimula ang pang-aasar nya. Naghuhugas na sya ngayon ng pinggan.

"Mariz, kung hindi lang kita kapatid at kung hindi ko lang hawak si Mara baka natamaan kana ng kutsara sa ulo." Asar kong sagot na tinawanan pa ng bruha.

"Bakit? Totoo naman yun ah. Diba?" Tila siguradong-sigurado pa sya sa sinabi.

Hindi ko nalang sya pinansin at nilaro nalang si Mariz sa sala. Sa probinsya talaga nakatira sila Mariz. Pero dahil nga kay Papa, nandito sila ngayon sa condo na pagmamay-ari ni Troy.

—————

Pagpasok ko sa condo ay ganoon parin naman ang itsura, halos walang pinagbago. Ilang oras akong naglinis sa buong lugar. Pagkatapos ay inayos ang mga grocery at nagluto dahil inabot na ako ng tanghali. Dumating din naman si Troy na kinuha na ang kotse ni Mariz. Inaaya kong kumain pero tinanggihan naman dahil nagmamadali pala ang tao.

Inayos ko din ang sim card na binili ko at sinalpak na sa phone. Una kong tinawagan ang number ni Mama.

"Ma, san ka?" Lumipat akong sala pagkatapos kong kumain.

"Nasa dati nating bahay 'nak. Nagpapahinga si Axel ngayon dito e. Parehas din kaming napuyat kagabi. Sila Tita Nes mo ngayon ang nandoon. Nasaan ka nga pala?"

Hindi namin binenta ang dating bahay namin. Marami kaming memories doon kaya hindi namin iyon magawang ibenta. Mabuti na nga lang din dahil nagamit parin iyon nila Mama ngayon.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon