"Hi Erin! What a coincidence, right Alex?!"
Sinamaan ko si Gail ng tingin. Hindi nya lang iyon pinansin. Inaakay nya ngayon si Erin papuntang sala namin at doon sila nagdaldalan. Dumiretso na ako sa labas at inasikaso ang mga bisita ni Axel. May clown din na nirentahan si Mama para mas lalong maging masaya ang birthday nito.
Naaaliw na ako sa mga kakulitan ng mga bata nang tawagin ako ni Tita Yen. Binigyan nya pa ako ng pera.
"Bumili kayo ng alak. Pasama ka kay Gail at Erin."
"Kay Gail nalang, Tita."
Hindi naman kami close ni Erin kaya hindi ako kumportableng kasama sya. Isa pa, abala din siguro yun sa loob kaya ayoko na din abalahin pa sya.
"Bakit, ayaw mo ba sa anak ni Aling Cely?"
Umiling ako agad kay Tita Yen. Nakangisi lang sya sa akin. Tila may balak mang-asar nanaman.
"Ikaw talaga Tita, napaka-issue nyo."
Tinawanan lang nya ako saka nya ko iniwan sa labas at pumasok na sa loob ng bahay. Lumabas naman si Gail na kasunod si Erin.
Nakangiti pa sila habang may pinag-uusapan. Kung maghampasan pa nga ay akala mo isang taon nang magkakilala.
"Gail, samahan mo na ako."
Bigla silang huminto sa tapat ko.
"Ako lang? Eh sabi ni Tita Yen isama si Erin."
"Hindi na. Kaya naman na natin. Tsaka bisita yan."
"Hindi, ayos lang Alex."
Hindi na ako nakaimik pa nang magsalita si Erin. Nagsimula na akong maglakad, nakasunod silang dalawa sa akin. Ang dami nilang pinag-uusapan habang naglalakad kami. Parang ako pa yung na-out of place e.
Tapos si Erin, madaldal din. Hindi ko nga inaakala na magiging close silang dalawa ni Gail. Medyo mapili din kasi yan sa kaibigan. Kaya masyado na akong nagtataka sa mga napapansin ko sa kanilang dalawa.
"Alex, tara kila Erin bukas!"
Hindi ko sya pinansin at bumili nalang ng alak sa tindahan. Bumili na din ako ng light drinks para sa aming tatlo.
"Huy!"
Kinalabit ako ni Gail. Tiningnan ko lang sya ng masama. Kaya lumapit sya sa akin.
"Ang iritable mo naman tingnan. Kanina naman hindi ka ganyan."
Hindi ko sya pinansin.
"Nakakainis ka. Ayaw mo ba kay Erin?"
Doon ako napaisip. Hindi ko alam pero kapag malapit sa akin si Erin, or kapag nakikita ko sya nag-iiba yung mood ko. Siguro naiisip ko agad yung mga nagawa nya sa akin nung unang pagkikita namin. Ayoko din kasing lumapit ng lumapit sa kanya dahil mahirap na. Lapitin ata ng disgrasya yang si Erin.
"Tigilan mo ako, Gail."
Lumayo na ako sa kanya at nagbayad nalang sa tindera. Sinakay pa namin sa trycicle ang mga alak at saka kami umuwi na.
5PM na at nagsisimula na kaming magligpit ng kalat sa labas. Nagsiuwian nadin kasi ang mga bisita ni Axel. Kami-kami nalang nila Tita, Gail at Erin ang nasa bahay. Si Mama naman ay inaasikaso si Axel sa kwarto nito.
"Tara, inom!"
Inaya nya pa sila Tita pero hindi nadin pumayag at lasing na kanina pa. Nauna kasi silang uminom kaya kami nalang tatlo nila Erin ang matino. Si Aling Cely naman ay kauuwi lang dahil napagod na.
Nagpaiwan si Erin dahil hindi sya pinauwi ni Gail. Hindi kami nagpapansinan ni Erin. Laging si Gail ang kausap nya at okay lang sa akin yun dahil wala din akong balak makipag-usap sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis