Isang linggo na ang nakalipas at tapos na ang Midterm exam namin. Kaya buhay na buhay ngayon ang kasama ko. Di na nakaka-stress pumasok ngayon maliban nalang kung may quiz kami sa mga subject na pinapasukan namin."Mabuti nalang walang nangyayaring di maganda sayo."
Ewan ko ba sa babaeng to. Di na nawala sa isip nya yung babaeng nakabasa at nakabangga sa akin.
"Gail, do you like her ba?"
Nanlalaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin.
"Of course not! Duh, sayo kaya yun."
"At mas lalong hindi sya sa akin."
Inirapan ko sya. Umupo kami sa bench. Wala kaming prof ngayong last subject kaya tambay muna kami dito sa building ng Marketing students.
Dito kami nakatambay dahil mas malapit ang gate dito. Sira din kasi ang gate sa kabila kung saan mas malapit sa building ng Architecture. Kapag tuloy lumalabas kami dito, umiikot pako sa kabilang gate dahil nandoon ang sakayan pauwi sa amin.
"Hindi mo man—"
Natigil sa pagsasalita si Gail at hinawi ang katawan ko kaya napasandal kami sa bench. Nagulat ako sa ginawa nya. Lilingon na sana ako nang may dumaang papel na nakabilog sa gilid ng mukha namin ni Gail.
Para iyong binato banda sa amin. Kaya din pala kami umiwas ni Gail.
"Shit! Muntik kana matamaan, Alex."
Lumingon ako sa pinanggalingan ng papel. Tumatakbo papunta sa amin ang isang babae. Hindi lang sya basta babae. Kundi sya nanaman yung babae nung nakaraan.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon. Kada talaga magkikita kami ganito palagi ang dahilan.
Kulang nalang mamatay na ako dahil sa pagiging clumsy ng babaeng 'to!
"God, I'm sorry!"
"Ikaw nanaman, girl." Natatawang banggit ni Gail. Bahagya pang yumuko yung girl sa amin.
"I know and I'm sorry. Hindi—"
"Hindi mo nanaman sinasadya."
Natahimik sya nang nagsalita na ako. Tiningnan nya ako at nanghingi nanaman ng pasensya. Napabuntong-hininga nalang ako sa nangyari.
Tumayo si Gail at nagpakilala. Nagugulat akong tumingin kay Gail na kinindatan lang ako.
"I'm Gail. Gail Sanchez. Ikaw?"
Nag-aalangan pa ang babae kung tatanggapin ba nya ang kamay ni Gail na nakalahad sa kanya. Napatingin sila sa akin nang umismid ako. Umiwas nalang ako ng tingin at inabala ang sarili sa paligid.
"Erin. Erin Ruiz."
Nice name huh.
"Hala, ang ganda ng name mo. Tara upo ka muna dito!"
Tinaasan ko ng kilay si Gail. Nagtataka kung bakit ganyan ang kinikilos nya ngayon. Pinanlakihan nya lang ako ng mga mata kaya napairap nanaman ako.
Sakto pa talagang sa tabi ko pinapwesto yung babae ni Gail. Bale nasa gitna namin sya.
"Sorry talaga sainyo, Gail."
Panay parin ang hingi ng pasensya ng babae. Tinawanan lang ito ni Gail at tinapik pa nya ang babae sa balikat.
Luh, close kayo girl?
"Naku, wala yun. Si Alexis nga pala, Erin. Alexis si Erin."
Humarap ang dalawa sa akin. Si Gail nakatayo na at nakangiti. Habang ang babae naman sa tabi ko ay alanganing nakangiti sa akin.
BINABASA MO ANG
My Safezone
RomanceI never imagine that this clumsy woman will be the woman that I want to spend my life with. - Alexis