11

2K 71 3
                                    


"Bakit? Nabitin ka ba sa pag-uusap nyo ni Tanya?"

"Hindi ah. Ang boring nga e."

Hindi na nya ako pinansin pagkatapos at iniwanan ako. Dumiretso sya doon sa nagtitinda ng mga fishball at kwek-kwek.

Hindi na din mawala ang ngiti ko kanina pa dahil sa narinig. Bukod kasi sa sinabi nya, ang cute ng dating nun sa akin.

"Kumain kana. Nang makauwi na tayo."

"Uuwi agad? Let's just stay here for awhile, Erin."

Di nya ako pinansin dahil abala na sya sa pagtusok ng pagkain. Pagtapos nun umupo muna kami sa bench na nasa tabi lang din namin at doon nilantakan ang pagkain.

"Erin, penge akong kikiam."

Sinamaan nya ako ng tingin. Agad naman akong nanahimik.

Grabe ang sungit. Ako dapat masungit ah. Amp.

"Isa lang eh."

"You're being a childish, Alex."

"It's because this is me. Hindi mo pa nakikita yun, ngayon lang. At minsan mo lang masasaksihan yun, once in a blue moon kumbaga kaya sulitin mo na."

"Ang daldal mo. Di ka naman ganyan dati."

"Simula nung ano.. tinanggal mo yung maskarang nakatakip sa buong pagkatao ko."

Naguguluhan syang tumingin sa akin.

"Simula nung ano?"

Err. Sasabihin ko ba? Baka magka-ilangan pa kami pag sinabi ko yun.

"Nothing."

"Psh. Ano nga?"

"Talaga bang namimilit ka?"

"Oo. Ano nga kasi?"

"Simula nung hinalikan mo ako."

Nabulunan sya kaya binigay ko agad ang palamig na hawak ko sa kanya.

"Manahimik ka nalang, Alex."

"What? Parang kasalanan ko pang hinalikan—"

Tinakpan nya ang bibig ko. Saka nya ako sinamaan ng tingin. Agad naman akong nagpeace sign sa kanya.

Naglalakad na kami papunta sa bahay nila Erin. Ihahatid ko kasi sya doon. Buti nga at napilit ko e.

"Akala ko, may something sa inyo ni Tanya."

Sabi ko kay Erin. Umismid sya matapos nyang marinig yun.

"Baka kayo ang may something."

Hindi ko maiwasang matawa. Ang kyot kasi e. Nakabusangot sya at nakataas pa ang isang kilay habang binabanggit nya yun.

Tae, ano ba naman. Sabi sainyo kahit maliit na bagay napapansin ko na sa kanya e.

"Don't worry, I still want to have a something between us."

Di sya umimik. Sinilip ko ang mukha nya at nakita kong namumula ang pisngi nya. Agad nya akong inirapan at iniwas ang mukha sa akin.

"Lelang mo, panot."

Hindi ko inaasahang iyon lang ang isasagot nya sa akin. Nagulat din sya sa nasabi nya at nagkatinginan pa kami pero sa huli ay nagtawanan nalang.

"Wag ka ng umiwas, Erin."

Maya-maya lang ay nasabi ko sakanya yun. Alam kong narinig nya iyon pero wala naman akong balak bawiin pa. Kasi totoo naman. Alam kong iniiwasan nya ako dahil kahit ako mismo, nagawa ko sakanya yun.

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon