16

1.7K 68 0
                                    

Tahimik ang buong paligid, maging si Erin ay tahimik lang nakatingin sa akin. Lumuwag ang kanyang hawak sa mga kamay ko na ikinadismaya ko. Ngunit hindi ko nalang iyon binigyang halaga. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na'to. Hindi ko alam kung ano ngayon ang nararamdaman ni Erin. Seryoso lang syang nakatingin sa akin na tila ba tinitimbang ang mga salitang binitawan ko.

"Isa sya sa mga empleyado sa company kung saan kami mag OJT ni Gail. Sya din ang magtuturo sa amin, Erin."

Isang katahimikan nanaman ang nangyari. Pero maya-maya lang bumalik ang higpit nya sa paghawak ng kamay ko. At mas lalong hindi ko inasahan ang susunod nyang ginawa dahil.. niyakap nya ako.

Doon biglang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit kusa akong umiiyak ngayon. Kung dahil ba sa sakit na matagal ko nang kinikimkim sa isang tao na sumira sa puso ko, o kung dahil ba dito sa yakap ni Erin na nagpagaan at nagpaalis ng mga hinanakit ko.

"Okay ka lang? Anong nangyari?" Mahina nyang sinabi sa akin na may bahid na pag-aalala.

Sa totoo lang, hindi ganito ang nakikita ko na mangyayari. Akala ko, mag-aaway kami ni Erin. Akala ko, maguguluhan nanaman sya sa akin.  Oo, magulo. Literal na magulo ako ngayon dahil muling nagpakita ang bahagi ng nakaraan ko sa kasalukuyan. At sobrang hirap ng magiging sitwasyon ko dahil kahit ayaw ko syang makita o makasama sa iisang lugar, tadhana na din ang nagdikta para mangyari ang mga yon.

Napadpad kami sa harap ng 7/11. Kung saan madalas kaming tumambay. Umupo kami sa mga upuan doon. Tahimik lang si Erin.. pinapakiramdaman lang ako sa kanyang tabi.

"You know her right?" Tumingin sya sa akin at tumango. "Pero hindi ang buong kwento." Sya na ang nagsalita non.

Huminga ako ng malalim. Naghahanda sa mga bagay na sasabihin sa kanya. Naramdaman naman iyon ni Erin kaya hinawakan nanaman nya ang kamay ko at matamis akong nginitian. Ginantihan ko din iyon ng ngiti.. isang malungkot na ngiti.

"I met her when I was 15 years old. Sya ang unang naging kaibigan ni Gail. We became friends after that, lovers. Okay naman kami sa loob ng tatlong taon. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay. Akala din ng mga tao sa paligid namin, kami na talaga."

Nagpunas muna ako ng luha. Shit na yan. Hinaplos naman ni Erin ang hawak parin nyang kamay ko. Kaya nagpatuloy ako.

"Then isang araw, bigla syang nawala. That was one week before our 3rd anniversary. Kinagabihan bago nya ako iwan, ang saya pa namin. Hindi ko naman alam na yun na pala ang huling pagkikita namin. Akala ko, nagkasakit or nagbakasyon lang tapos nakalimutan akong sabihan. Dumating yung anniversary namin, wala parin syang paramdam. Yun pala, wala na akong maaabutan na Kei. Wala na pala sya dito sa bansa. Tangina, ang sakit. Wala man lang sinabi, wala man lang sulat. Kahit nga 'bye' wala eh. Iniwan ako sa ere. Para akong batang nawawala na hindi mahanap ang magulang. Sobra akong nasaktan at mas dinagdagan pa iyon ng kanyang ama."

Naiiyak na din si Erin kagaya ko. Kaya hindi ko alam kung ano uunahin kong gawin. Kung sya ang pupunasan ko ng luha o yung sarili ko. Pero sa huli, sya ang inasikaso ko. Natawa pa kami parehas dahil umiiyak na kami. Bigla tuloy nabawasan yung nararamdaman ko habang binabanggit ko sa kanya ang nakaraan ko.

"Sabi ng Papa nya, may ipapakasal na daw kay Kei." Patuloy ko. "Alam ko naman na ayaw nya sa relasyon namin ng anak nya. Pero di ko lang inakala na hanggang doon kaya nyang gawin sa amin yon. Pagtapos kong malaman yun, ginugol ko nalang sa sarili ko lahat. Umiwas ako sa mga tao. Pinagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko. At madalas akong nagkukulong sa kwarto. Hindi ako naglasing, kasi kahit papaano, nasa matino pa ang pag-iisip ko. Hirap na nga ako sa ginawa ni Kei sa akin, pati ba naman sarili ko papahirapan ko dahil lang sa alak na yan?"

My SafezoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon