TWO

460 19 0
                                    


“Ako nga pala si Concepcion Aurora  tawagan mo nalang akong Lola Consing.”

Hindi ko pinansin ang pagpapakilala sa akin ng matanda. I'm so pissed! Masama ang loob ko ngayon! Tinotoo nga ni dad ang banta niya- actually hindi na banta dahil nandito na ako ngayon sa isang makalawang na barko, super ferry nga ba ang tawag dito, whatever basta! Nandito ako ngayon kasama ng matandang ito papuntang Castilleja.

Sa dami ng mga lugar dito sa Pilipinas, ito na yata ang pinaka malayong mapupuntahan ko. Tatlong oras ang biyahe mula Maynila papuntang pantalan at mula pantalan ay babiyahe pa kami ng halos walong oras at hindi ko alam kung anong oras kami dadating sa pupuntahan namin.

Sobrang layo naman pala ng Castilleja, san ba iyan? Sa Mindanao? Malapit ba iyan sa Sulo? O baka naman mas malayo pa don. Sigurado ba silang parte pa rin ng Pilipinas 'to?

Never heard of that place before. Probinsiya yata iyon na mabundok. Sinearch ko iyon sa google tungkol sa lugar na iyon ngunit wala akong masyadong masagap na impormasyon tungkol sa lugar na Castilleja. Nakalagay lang doon na isa iyong malaking isla na may tatlong bayan na pinaghihiwalay ng dalawang ilog. Marami pang nakalagay dito tungkol sa Castilleja ngunit isa lang ang naintindihan ko, mas masahol pa ito sa probinsiya.

I hate provinces. I mean, I love trees and everything about nature but I hate the idea when I heard 'province'. Walang signal don, walang malls, underground fights, bars, and parties. Province is the total opposite of my life. Ang tahimik sa probinsiya ay sobrang layo sa kinalakihan kong maingay na siyudad. Masyado itong you know, plain for me. Nakasanayan ko na ang buhay sa City at hindi ko alam kung paano ako mag aadjust don, o kung paano ako magsisimula.

Arrgghhhh... I always hate my life!

And I hate myself for being me! Hate my father too like I always hate my mother and now,  I also hate my cousins especially Argon for posting those damn videos that's why my dad kicked me here and now they are all laughing at me and damn that Folsai for following my father and to those who will follow. Arrgghhhh! I really hate everyone!

I look at my phone to check the time. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayang six thirty na ng hapon. Ganun kahaba ang biyahe? Medyo dumidilim na kaya napagpasyahan kong bumalik sa bed ko.

I harshly throw my phone on the thin bed. Sobrang liit pa ng kama ko ang nipis pa ng kutson! Ano to? Ilang higante ba ang dumaan dito at ang akin lang nasobrahan sa nipis? Sa sobrang nipis ay mahihiya ang banig dito! Pinagtitignan ko ang ibang kutson. They're thick and the same! Ba't sa akin ganito?

“Eneng anong problema at hindi ka pa natutulog?”

Nilingon ko ang matanda. Kagagaling lang nito sa palikuran at halatang masyadong nagtagal doon. Umikot na lamang ang mga mata ko sa ere. Masyadong bad mood ako ngayon para sagutin siya. Imbes na sagutin ang tanong niya ay humiga nalang ako sa banig na kutson at inabala ang sarili sa pagtipa ng cellphone. Lalasapin ko nalang ang mga huling sandali na makakatikim pa ng signal ang cellphone ko.

Narinig kong bumuntong hininga ang matanda, ano nga ulit ang pangalan niya? Ah basta yun, nakita kong may nilapag siyang isang kulay pulang plastic bag. Pagkain yata yun.

“Kumain ka muna bago ka matulog, bukas pa tayo dadaong.”

Yun ang sinabi niya bago bumalik sa kaniyang kama.

Binabad ko muna ang sarili sa cellphone. Punong puno ng katanongan ang isip ko. Kung anong aasahan ko don?  What my life will be there? O kung anong mangyayari sa akin doon. But I'm sure, adjusting there will be a trouble for me.

“Arrgghhhh...” Tinabunan ko ng unan ang mukha ko.

Sana pala tumakas na ako nung gabing iyon edi sana hindi ako nandito ngayon.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon