TWENTY

269 14 2
                                    


Nakaalis na sina Ulysses at Flor. Nakita ko pa kung paano inalalayan ni Ulysses ang Flor na iyon habang pasakay na sila sa isang tricycle.

Siniko ko ang tiyan ng katabi ko. Hindi parin kasi iniaalis nito ang kaniyang braso mula sa pagkaka-akbay nito sa akin. Kunwari ay namilipit pa ito sa sakit. Inirapan ko ito, as if ganun siya nasaktan sa siko ko, eh sa tigas ng tiyan niya na sing tigas rin ng pagmumukha niya ay ako pa ang nasaktan.

"Shit! Ano ba iyang tiyan mo? Gawa ba iyan sa semento?" I ask in a frustration.

Humagikgik lang siya sa akin. "Matigas ba? You mean ito?" bigla naman nitong itinaas ang suot na t-shirt upang ipakita ang abs nitong nagsisiputukan.

May nakita pa akong isang ale na napa lip bite pa nung dumaan sa amin.

Tsk, halatang nagpapahangin lang ang gago. "Shit up!" I said.

"Haist, kunwari pa hindi gusto." bulong niya.

"And by the way, bakit ka pala nandito? Paano mo nalamang nandito ako? Sinusundan mo ba ako?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Nagkamot ito ng ulo. "Uhmm... Wala nagkataon lang na nakita kita tapos kasama mo yung Flor so I decided na lapitan ka."

"So, kasama don ang makisali ka sa usapan? Why did you tell them na papayag ako sa plano ng sekretaryang iyon?" hindi ko mapigilang mainis. Sa Nakakainis naman talaga! At hindi ko nanaman ma point out kung bakit ako naiinis basta ang alam ko naiinis ako ngayon.

"Uyy relax lang master." napaatras naman sa akin si Cormac habang nakataas ang dalawang kamay, kunwari natakot sa inis kong itsura.

"Relax, ano bang kinaiinisan mo diyan? Huwag kang manlapa." ngising ngisi pa ang gago. "Inis ka na ba diyan sa itsura mo?"

I glared at him, to show him I am not fucking joking here.

"Ano ba kasing kinaiinis mo diyan? Mukhang maganda naman ang offer sa'yo ni Flor, ayaw mo nun ililibre ka non dahil nagparaya ka sa isang lipstick lang." patawa tawa niyang sabi.

"Ang issue dito Putangina ka! inuunahan mo ako, ako dapat ang magsasabi kung papayag ako o hindi." malakas kong wika sa kaniya.

Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "Relax lang master, mukhang kakainin mo naman ako sa itsura mo eh."

I rolled my eyes. "Argh! Nevermind, mabuti pang umalis na ako bago pa kita malapa ng buhay." sabi ko bago tumalikod sa kaniya.

"Susunduin kita sa inyo bukas ah!" rinig kong sigaw niya sa akin, hindi ko na siya nilingon, mabigat na mga hakbang akong bumalik kina Vicky at chacha.

Pagbalik ko sa tindahan kung saan ko sila iniwang dalawa ay ganun parin ang itsura nila, panay testing sa mga produkto na naroon. Pati ang tindera ay naloloka na sa kanilang dalawa.

"Oh my! Parang bagay ito sa akin! What do you think cha? Bagay sa akin itong lingerie di'ba?"

Pumalakpak naman si chacha sa kaniya. "Pak na Pak! Bagay na bagay ate Vicky! Eh itong dress bagay rin ba sa akin?"

"Hmmm, mukhang mas bagay sa'yo itong yellow." kinuha ni Vicky ang isang yellow dress na may palamuting shells saka itinapat sa katawan ni chacha.

"Huy kayong dalawa hindi pa ba kayo tapos diyan? Namumulikat na ako sa kakahintay sa inyong dalawa ah." reklamo ko.

"Ano ka ba bakla, sandali nalang ito."

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon