TWENTY-EIGHT

284 9 0
                                    


Hating gabi na at kanina pa natapos ang party. Mahimbing ng natutulog sina chacha at tandang Consing sa kanilang kwarto pero ako, gising na gising parin ang diwa ko.

Hindi ako makapaniwala, liligawan ako ni Ulysses? Does that mean, we have the same feelings for each other! Gusto niya rin ako? Takte! Kinikilig ako.

Shit! Kinikilig ba ako? Kilig ba ang tawag dito? Kung ganoon man, pwes I am now experiencing it.

So gusto rin ako ni Ulysses, ganun? I mean kailan pa? Madami akong mga katanongan sa aking isipan like sino sa aming dalawa ang unang nahulog? Bakit ngayon lang siya naglakas loob na manligaw? Pero hindi na iyon ang importante sa akin ngayon.

The best moment is, he will court me, bukas ba siya magsisimula? Fuck! Ano bang ginagawa ng mga lalaki kapag nanliligaw? At ano naman ang ginagawa ng mga babae kapag nililigawan? Hindi kasi uso sa akin ang ligaw noon, ngayon lang ako naging interesado sa ligaw dahil nga liligawan ako ni Ulysses! I've never experienced that before, kaya nae-excite ako sa isiping iyon.

So... Pa'no si Flor? Ang akala ko kasi si Flor ang gusto ni Uly at hindi ako, at ako ang liligawan nito at hindi si Flor. Kung liligawan ako ni Ulysses that's mean hindi sila ni Flor?

Para akong natatanga na nababaliw na ewan habang nakangisi sa kisame ng aking kwarto. Sobrang saya ko, na hindi ko maexplain ang saya. Shit! Ganito ba kapag naiinlove?

Muli ko nanamang itinaas ang suot kong kwentas. Biglang nawala ang pagkalasing ko ng binigay ito sa akin ni Ulysses. Isang kulay gintong kwentas na may pendant na 'Mine' at ipinakita naman niya sa akin ang suot nitong kwentas na may pendant na 'Yours' yung katulad rin ng couple shirt na suot namin dati.

Natawa ako sa ala-alang iyon.  Bumuntong hininga ako ng may maalala bigla. Iniisip ko kasing kung malaman ito ni dad, I'm sure pagagalitan niya ako and worse baka ilayo niya ako dito sa Castilleja. And I will not gonna let that happen. Napamahal na ako dito sa Castilleja at dito na ako masaya kasama ang mga taong naging malapit na sa akin dito, especially Ulysses. Kaya kahit anong mangyari, hindi dapat pwedeng makarating kay dad ang tungkol kay Ulysses.

"Wow ate! Ang ganda naman iyang kwentas, kanino galing iyan?"

Kinabukasan ay maaga akong nagising, actually magdamag akong gising dahil hindi ako makatulog dahil sa nangyari kagabi.

Nakapagbihis na si chacha ng uniporme niya ng madatnan ko siya sa kusina na kumakain ng almusal.

"Si tanda? Asan?"

"May nilakad, kanino galing iyang kwentas ate? At bakit 'Mine' yung pendant?" muli niyang naitanong sa akin.

Itinaas ko ang tinutukoy niyang kwentas. "Ito ba?"

"Hindi ate yung necklace mo na nasa paa mo, syempre iyan."

Pasalamat siya ngayon at sobrang good mood ako ngayong araw dahil kung hindi ay baka kanina ko na siya binaliktad sa sahig.

"Secret." makahulugan akong ngumiti.

"Ano ba iyannnn... Sige na ate sabihin mo na sa akin." hindi ko siya sinagot, naglagay nalang ako ng pagkain sa pinggan ko.

"Huy! Yung mga kalat sa bakuran kagabi, nalinis mo na ba?"

Sumimangot siya. "Hmp! Ako nanaman ang maglilinis non?"

"Nalinis mo na ba?" ulit ko.

"Opo, natapos ko na kaninang madaling araw, mamayang hapon ko nalang tatapusin yung iba sa uwian na."

Ngingiti ngiti ako habang kumakain ng agahan. It's a perfect day actually, ang bilis ng mood ko. Kahapon lang ay sobra sobra ang inis ko dahil kay Ulysses ngayon sobra sobra na ang saya ko ng dahil parin sa kaniya. And it's all because of Ulysses.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon