THIRTY-ONE

250 11 0
                                    


"Kailangan mo siyang layuan."

Tiningala ko si Cormac, nakaupo ako habang siya ay nakatayo sa aking harapan. Gulong gulo ang isip ko, gustong gusto kong sumigaw at magwala, pero alam kung walang magagawa ang mga iyon sa sitwasyon ko ngayon.

Matagal bago ako nahimasmasan, at matagal rin akong nakaganoong posisyon. Naputikan na ang laylayan ng suot kong dress but I don't care. Nanlalamig ang mga kamay ko. As in, I don't know what to do! Shit!

Muli ko nanamang ginulo ang buhok ko. Bakit ba na kung saan mo na nahanap ang magpapasaya sa'yo habang buhay ay bigla nalang magiging ganito?

"What should I do now?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya.

"I already told you what you should do." sagot ni Cormac.

Leaving him is out of my choice, but now, it's only the available choice I have now, it's either I'll leave him and break him into pieces or let him die. Of course, I can't let him die! His life for me is more important than mine. Ang sakit magdesisyon ng ganito. Mas gugustuhin ko pang magalit o kamuhian niya ako kesa ang mamatay siya.

I know dad. He can do that, marami na akong naririnig na mga pinapatay niyang kaaway sa politika. Halang ang kaluluwa non. Kaya niyang sirain ang buhay ng lahat ng taong hinaharangan siya, and I'm not exempted. Kaya niya iyong gawin.

Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisnge. Tumayo ako ng mahimasmasan na. Hinarap ko siya.

"Now tell me...." mula sa pagkakayuko ay umangat ang kaniyang mga mata sa akin. "Paano mo nalaman ang plano ng daddy ko. Anong connection mo sa kaniya at bakit mo alam ang tungkol doon?"

Namulsa siya saka bumuga ng malakas na hangin. "Sabihin na nating, ka business partner ako ng daddy mo."

My eyes widened a bit. "What?"

"It's better if you won't know. Just think about Ulysses, siya ang nasa panganib ngayon." tumalikod siya upang isuot ulit ang kaniyang helmet.

"One more thing." pigil ko sa kaniya. Muli niya akong hinarap.

"Bakit mo sinabi ang plano niya sa akin? Kung magkasosyo kayo, ibig sabihin magkasabwat kayo, bakit mo sinasabi ito sa akin? Sinabi niya bang sabihin mo itong lahat sa akin?" sunod-sunod ang mga tanong ko sa kaniya.

"He didn't tell me about his plan." sagot niya pero hindi iyon sagot sa lahat ng mga katanongan ko.

"Then why did you tell me this?"

"I have my reason." he said before starting the engine of his bigbike.

Madali lang ang naging biyahe namin papuntang CCC. Pagkadating namin doon ay marami na ang mga estudyante. Naka set up na lahat. Gaganapin ang TCN sa loob mismo ng gymnasium ng school kaya may kalakihan ang venue.

Pinagtitinginan ako ng masama ng ibang estudyante dito. Siguro ngayon lang nilang nakitang nakasuot ako ng puti ngayon. Dahil wala ako sa mood ngayon ay hindi ko na sila pinansin. Nakatuon lang ang mga mata ko sa kawalan, iniisip kung ano ang mangyayari.

Cormac held my hand, he squeezed it a little bit before taking me inside the venue. "Relax, compose yourself." bulong sa akin ni Cormac na agad kong sinunod.

I have to act normal.

Pagkapasok namin sa loob ay agad na bumungad sa akin ang makukulay na balloons, mga magagandang ilaw at mga pinagsama samang kulay ng iba't ibang klase ng kurtina. Napakasaya ng vibes, hindi bagay sa akin.

Dinala ako ni Cormac sa isang lamesa na pabilog na tinabunan at pinalamutian ng tela. Nasa may gilid ito kaya hindi masyadong napapansin ng mga tao.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon