FOURTEEN

310 14 0
                                    

Panay ang tingin ko sa aking relong pambisig. It's past four o'clock pm. Para akong kitikiti sa aking kinauupuan ngayon, hindi ako mapakali. Pang huling klase na ito, at hinihintay ko nalang na matapos ang professor sa kaniyang discussion.

"Okay for tomorrow's-"

*Kringgg~*

Finally, the bell rang, hindi ko na hinintay pang matapos ang prof at dali dali akong lumabas ng room.

Habang naglalakad ako sa hallway ng building ay agad na bumungad sa akin ang pagmumukha ni Vicky, tadtad ito ng lips mark, hindi narin maipinta ang mukha nito.

"What the hell?!"

"Aryaaa~" mangiyak ngiyak ito habang hinuhuli ang dalawa kong kamay. "Hindi ko na talaga kaya, that witch! Ayaw niya talaga akong tigilan, tulungan mo naman ako please..."

Umirap ako. "Kung gusto mo, si Celeste ang hingan mo ng tulong."

Mabilis itong umiling iling. "Ayoko! Ayoko! Mas bruha pa iyon sa bruha, baka machugi pa ako dun."

"Edi..." I shrugged. "Wala na akong magawa, atsaka nagmamadali ako may kailangan akong puntahan kaya tumabi ka dahil dadaan ako."

Lalagpasan ko na sana siya ng muli nanaman niya akong hinarangan. "Wait! Di'ba manonood ka ng motorace nila? Huyy sama ako."

Kumunot ang noo ko. "Di'ba nga ayaw mong makita si Zianna?"

Ngumisi siya. "Anu ka ba, si Zianna ang ayaw kong makita, pero yung mga yummy niyang mga phinsan..." kumindat pa ito sa akin.

Tsk! Sabi ko na nga ba.

Ngumiti ako sa kaniya ng pagkatamis tamis kaya ngumiti rin siya, akala niya siguro ay papayag ako.

"Ano? Gora na? Sama na ako?"

"Hindi." ngumiwi ang mukha niya. "Kaya tumabi ka diyan bago pa kita tadyakan."

Nilagpasan ko siya ngunit binalikan din ulit, may nakalimutan akong ibilin sa kaniya. "And... Oh, pakisabay nalang sa'yo si Chacha, sabihin mong male-late ako ng uwi."

Mabilis akong naglakad palabas ng building. When I check my phone to see what time is it. It's thirty minutes before five.

Tsk.

Maaga pa naman, bakit ba ako nagmamadaling makarating doon? Tsk, siya ang nag-aya di'ba? So maghintay siya kung male-late ako sa usapan, di'ba dapat ganun iyon? Kanina lang iniiwasan ko siya, bakit ngayon kanda ugaga pa akong makita siya? Ang labo ko rin eh noh, at ang labo niya rin, sa tatlong araw ngayon lang niya ako ulit kinausap.

Arrgh.

Tutal, medyo maaga pa naman at nauhaw rin ako dahil sa kaka lakad takbo ko kanina, bili muna kaya ako ng milkshake sa canteen? I need to refreshen myself.

Binagtas ko ang daan papunta sa canteen ng CCC, ng may mahagip ang aking mga mata sa may likod ng lumang building. I stop.

Bakit may parang umuungol sa likod ng lumang clinic ng school? Baka multo? Nah, I'm not afraid of ghost but curiosity killed the cat so naglakad ako papunta sa kung kanino ang may ari ng ungol na iyon.

Habang papalapit ako ng papalapit ay mas lumakas pa ang ungol. Parang ungol ng isang lalaki, if I'm not mistaken, ungol iyon ng nasasaktan. As I walk towards them, nakakarinig na ako ng mga lalaking nagtatawanan.

Kahit hindi ko tignan kung sino ang mga iyon, sa boses palang alam ko na.

"Cormac?"

Napalingon ang tatlo sa akin kasama na ang isang kawawang lalaki na nakagapos at bugbug sarado.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon