THIRTY

264 10 0
                                    

Kahapon lang iyon nangyari pero parang kanina lang. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon dahil sa kakaisip at kakaiyak. Ano ng gagawin ko ngayon?

I don't want to let go of Ulysses but I don't also want to destroy his dreams. Ayokong masira siya ng dahil sa akin. Alam kong seryoso si dad tungkol sa banta niya sa akin, he will do that kapag hindi ko siya sinunod.

"Ate? Di ka pa ba papasok?" pumasok si chacha sa kwarto. Umupo ito sa aking gilid.

"Siguro aabsent na muna ako." walang gana kong sagot.

"Tungkol ba iyan sa tatay mo ate?" tinignan ko siya, and then I nodded.

Bumuntong hininga siya. "Yung tatay ko kasi hindi ganiyan."

"Because we have different father." I said.

"Oo nga, magkaiba ang mga tatay natin, yung tatay ko mapagbiro pero protective naman sa akin, yung tatay mo naman medyo...." hindi niya matuloy ang sasabihin nito.

"Masama." ako na ang ang nagdugtong sa kaniya.

"Oo, medyo ga'non siya, alam mo ba nung sinabi sa akin ni tatay ko bago siya pumuntang langit?"

Tinabunan ko ang aking mukha ng unan. "No, and I'm not interested."

"Ang sabi niya, may iba't ibang uri ng pagmamahal ang mga magulang, yung iba yung mga katulad ng tatay ko, mapagpalaya yung iba naman katulad ng sa tatay mo, medyo mahigpit pero iisa lang naman ang intensiyon nila eh, ang mapabuti tayong mga anak nila."

Tumawa ako ng pagak. "Kalokohan, you don't know my dad, and you don't know my life kaya mo nasasabi iyan."

"Pero kasi ate-"

"Pwede bang iwan mo muna ako Chalsea? Gusto ko munang mapag isa. At isa pa, wala kang pakialam sa akin, hindi mo alam ang buhay ko kaya pwede bang huwag ka munang magmarunong ha, go! Iwan mo muna ako! " sabi ko sa kaniya sa mataas na tono.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko, gusto ko sanang bawiin pa ang mga nasabi ko sa kaniya pero huli na, nasabi ko na, nakatarak na iyon sa kaniya. May namumuong luha sa kaniyang mga mata saka yumuko ito sa akin.

"S-sorry na..." pagkasabi'y umalis na ito sa kwarto ko. Bigla akong nakonsensiya sa mga nasabi ko sa kaniya.

Napahilamos nalang ako ng mukha saka tumayo na sa kinahihigaan. Papasok nalang ako. Wala rin naman akong gagawin dito kundi maghapon magmukmok.

Nang buksan ko ang cellphone ko ay hindi na ako nagulat ng pinaulanan ako ng mga text messages galing kay Ulysses. In-off ko kasi ang cellphone, hindi ko ginamit buong araw, tsaka umabsent ako kahapon. Magulo ang utak ko, hindi ko pa siya kayang harapin ngayon but I realized, kailangan ko siyang ipaglaban kay dad. I can get through with this no matter what.

From: Ulysses

Hindi ka pumasok?

From: Ulysses

Hey, reply to me.

From: Ulysses

Nagtanong ako kay Vicky, hindi ka nga pumasok, why?

From: Ulysses

Damn Arya! Talk to me.

From: Ulysses

I miss you.


From: Ulysses

Please reply, I can't go to you now, they need me here, please reply.

From: Ulysses

I love you, please always remember that.


Napapikit ako. Pinipigilan nanamang bumuhos ang aking mga luha. Fuck! Hindi ko alam na ganito pala kasakit iyon. Parang dinadaganan ng malaking bato ang dibdib ko, ang bigat. So this is love? Ang sakit pala akala ko imagination lang iyon, na kapag nasaktan ka ng dahil sa pag-ibig ay ka OAhan lang.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon