TWENTY-THREE

268 12 0
                                    

Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nanatili parin ang diwa ko at palaging nag re-rewind sa utak ko ang nangyari sa araw na ito. Itinaas ko ang hawak hawak kong lipstick. Kanina pa ito sa kamay ko, hindi ko magawang bitawan iyon.

Hinintay ako ni Ulysses na limang oras para lang ibigay sa akin ang lipstick na ito. And, yes! Ito yung katulad nung lipstick na nakita ko kahapon sa Santa Fe Community Market. Yung katulad ng kay Flor.

The black lipstick with a rose cup design.

Naalala ko pa nung tinanong ko siya kung bakit niya binigay sa akin ito, he didn't answer me, he just smiled. Kaya maraming mga katanongan sa isip ko like:

How did he get this? Paano kaya siya nagkaroon ng ganito? Alam niya bang gusto ko ang mga ganitong lipstick? Why did he gave me this? Bakit hindi nalang si Flor ang bigyan niya ng ganito? I'm sure, he know, Flor collects different kinds of lipsticks.

At ni isa don ay wala akong maisip kahit isang sagot. Especially, why did he gave me this lipstick?

Binili ba niya iyon para sa akin? Bakit naman niya gagawin iyon? Next month pa naman ang birthday ko. Did he know when my birthday is? Is this my advance birthday gift?

So many questions in my head. Hindi ko na alam kung ano nang iisipin ko sa kaniya. Why is he acting that way? I can't stop myself from asking.

Arrgghh! Ulysses, para kang rubrics cube, ang hirap mong intindihin. Basta, one thing is for sure, I can't stop myself from smiling when I remember how he gave me this, this is my first present that he gave me and I think I'll have to treasure it then.

Sa kakaisip ko ay unti unti na akong nilamon ng antok, hanggang sa tuluyan na akong nakatulog habang hawak hawak parin ang black lipstick na bigay sa akin ni Ulysses.

Time pass so fast. Lumipas ang maraming araw na busy ang lahat dahil sa magaganap na program chuchu sa CCC. At lumipas ang mga araw na boring. Napapansin ko ring hindi ko na gaano nakita pa si Ulysses sa CCC, ni hindi narin kami nag ka-class session. He's busy the whole week dahil as usual, sila nanaman kasi ang in charge sa mga ganitong ganapan sa school.

Sayang, ita-try ko sana yung mga sign language na natutunan ko kay chacha. And speaking of her, she's really patient in teaching me basic sign language dahil likas naman talagang mahirap akong turuan, sa ngayon, may alam na ako kahit papano sa sign language kahit basic palang ang alam kong gawin.

"Huy, opening daw ng program ngayon, ayaw niyong makisali?" biglang bumungad sa harapan namin si Celeste. She's wearing again her signature look. Goth outfit. Mas obsess pa yata ito sa itim kesa sa akin. We're here in the bench.

Bakante namin ngayon dahil sa program na pakulo nung panot naming principal.

Isinuot ko ang hood ko saka naglagay ng earphones. I played some music, masyadong toxic ang nangyari sa akin kanina, I need some relaxation.

"Hey, anong nangyari dito?" dahil sa hindi naman ganoon kalakas ang music sa tenga ko, narinig ko siyang tinanong kay Vicky ang nangyari. Siguro napansin rin nito na wala nanaman ako sa mood.

Tsk, I'm always out of mood.

"Hay naku Celes, nakipag away sa tatlong babae kanina, tinignan lang siya ng mga ito ng masama, ayun nakipagboxing." sumbong naman ni Vicky.

"Oh, really? So what happened next?" tanong ni Celeste kay Vicky sa kuryusong tono. "Ano? Pinutulan niya ng kamay? Daliri? What, did she made their blood burst out?"

"Ayy Grabe siya."

"Oh come on tell me Vicky."

Narinig kong bumuntong hininga si Vicky, ako naman ay tumingala sa kalangitan. "I just broke their bones." Sagot ko sa mga tanong niya.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon