TWENTY-SIX

272 11 0
                                    

Lunes, may pasok. Maaga nanaman kami ni chacha pumasok sa kaniya kaniya kaming eskwelahan. Sinalubong ako ni Cormac sa mismong gate ng CCC. Nagyoyosi ito habang prenteng prente itong nakasandal sa mismong gate.

Ang dalawang guard na nagbabantay ay walang magawa sa kapalastanganan niya, at aba, iba din ang loko! Nasa tabi lang niya ang ang karatulang 'No Smoking, this School is a smoke free zone'

Napailing iling nalang akong lumalapit sa kaniya. "Huy!" I caught his attention. Ngumisi siya saka tinanggal ang yosi sa kaniyang bibig at inapak apakan iyon.

"Hay salamat dumating narin ang reyna." pumalakpak pa ito ng mabagal.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nagkamot ito ng ulo na parang natatawa. "Ano ba iyan, nawala lang ako saglit na ilang araw bumubo ka na, of course mag-aaral ako dito, papasok, ikaw anong ginagawa mo rin dito?" binalik niya sa akin ang tanong na iyon.

Hindi ko siya sinagot, nilampasan na siya, sumunod naman ito sa akin saka katulad ng palagi niyang ginagawa sa akin, inakbayan niya ako.

"Sya nga pala, malapit na pala ang birthday mo, anong gusto mong regalo?" tanong niya.

"Wala." Sagot ko naman.

"So anong plano mo next week, next week na di'ba? Ang birthday mo?"

"Wala." kinalas ko ang pagkaka akbay nito sa akin pero ang loko ayun ibinalik nanaman niya ulit ang braso niya sa pagkaka akbay sa akin.

"Ba't hindi nalang kaya mag date tayo." siniko ko siya sa tiyan. Saglit lang siyang namilipit sa sakit. "Mag barbeque party nalang tayo treat ko."

Hmmm... Mukhang magandang ideya yun ah, may utak rin pala ito kahit papano.

"Ano? Barbeque party? Tsaka Bon fire tayo maganda iyon di'ba?"

Napaisip ako saglit. "Okay, basta sa'yo ang gastos ah."

"Ano ba iyan, di'ba dapat ang birthday celebrant ang manglilibre non?"

"Tsk, kaya nga, ako ang birthday celebrant kaya ako ang dapat mong nililibre."

Hindi naman kasi ako nagsi-celebrate tuwing birthday ko. Kung walang nakakaalala sa birthday ko, hindi rin ako mag si-celebrate, and besides, tumigil na ako sa kaka celebrate ng mga okasyon simula no'ng bata pa ako. Para sa san pa't lilipas rin iyon. At makakalimutan rin.

"Bakllaaaa!" tili ni Vicky ng makita niya ako. Tinakbo niya ang pagitan naming dalawa saka niya ako tinalunan ng mahigpit na yakap.

"Ay putek!" reklamo ni Cormac ng mapabitiw siya sa pagkaka akbay niya dahil sa ginawa ni Vicky.

"Miss na miss na kitang bruha ka! Ano buhay ka pa ba? Humihinga pa?" pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinignan ko lang siya ng may pagtataka, anong meron sa kaniya?

"Buhay ka pa nga bakla! Buti naman, sya nga pala may ikwe-kwento ako sa'yo." hinila niya na ako saka iginiya papunta sa loob ng building kung saan ang unang klase namin ngayong araw. Ni hindi man lang ako nito pinagsalita.

Wala ng magawa si Cormac ng tuluyan na akong naagaw sa kaniya ni Vicky.

Dinala ako nito sa loob ng room saka excited na umupo sa tabi ko. Nangalumbaba lang ako sa mesa.

"Bakla! Ito na nga alam mo bang sumunod pa sa akin yung bruhitang si Zianna sa Maynila? Gosh! Nagpakilala pa siya sa mga magulang ko."

Todo kwento si Vicky tungkol sa mga nangyari sa kaniya sa Maynila, yung tungkol lang kay Zianna ang naintindihan ko sa lahat ng mga sinabi niya dahil sa kawalan lang ako nakatitig. Iniisip ko kung iimbitahin ko ba si Ulysses sa birthday ko, o baka hindi nalang? Hindi ako makapag decide sa simpleng invite lang, iimbitahin ko ba siya o hindi?

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon