SIXTEEN

275 13 0
                                    

"Oh, pang byernes Santo yata ang mukha mo babae."

Sinamangutan ko si Vicky. Litse! Mas lalo lang akong na bad mood sa pagmumukha niya. Padabog kong ginalaw ang aking upuan saka pasalampak na umupo.

"Ilayo mo nga yang litse mong mukha sa akin, naiinis ako eh!"

"Aba..." Napahawak siya sa sariling mukha. "Inaano ka ba ng mukha ko? Okay ka pa ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi kaya tumahimik ka diyan dahil hindi mo pa ako nakikitang magalit baka ma-sampolan kita." banta ko sa kaniya.

Nag zipper mouth sign naman siya sa akin. "Heto, na tatahimik na. Ang hot mo masyado."

Shit! Naalala kong may pinapagawa palang report yung baklang prof na iyon at ngayon pa naman ang deadline! Hinalungkat ko ang bag ko upang kumuha ng ballpen, but, kung minamalas ka nga naman oh!

Malakas kong hinampas ang lamesa dahilan upang ang lahat ng ibang estudyante ay napatingin sa akin. Si Vicky naman ay gulat na lumingon sa akin habang ang kaniyang mga kamay na may hawak ng liptint ay naiwan sa ere.

"Sinong may ballpen diyan, pahiram!" mabigat kong sabi sa kanila.

Nagkatinginan lang sila, walang nagtangkang sumagot man lang sa tanong ko, mas tahimik pa sila sa sementeryo, litse! Di talaga sila maaasahan.

"Ang sabi ko, ballpen, pahiram? Ano wala kayo n'on?"nagkatinginan lang sila.

Sa inis ko ay tumayo ako saka humalukipkip.

"Ano? Walang magpapahiram? Gusto niyong magloko ako sa harapan niyo? Sige lang, nakasunog na ako ng eskwelahan dati baka-"

"Huyy, tumahimik ka nga, babaeng ipokreta ka talaga!" bulong ng bulong sa akin si Vicky habang hinihila nito pababa ang braso ko. "Umupo ka nga, paparating na si prof."

Sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Eh dumating siya kung gusto niyang dumating! Wala akong pake, atsaka pwede ba, huwag mo akong pinigilan." Winaksi ko ang mga kamay niya sa aking braso saka ibinalik ang aking atensiyon sa mga walang kwentang estudyante na naririto ngayon.

Mukhang wala talagang magsasalita sa kanila ah. "Ano?! Walang magpapahiram? Okay! Madali lang naman akong kausap eh, lalabas ako ngayon para kumuha ng gasolina-"

Napatigil ako ng may naglakas loob na tumayo. Isang lalaking mataba na may eyeglasses. Yung madalas na binu-bully dito sa CCC.

"H-heto n-a po, k-kunin niyo po itong a-kin Miss Teves." halata sa kamay niya ang takot, nanginginig ito. Sa itsura niya ay para siyang nag offer ng isang pirasong buto sa isang dambuhalang dragon. Did I scare him that much?

Lumapit ako sa kaniya saka kinuha ang inabot niya sa akin na isang kulay itim na Pilot ballpen. Habang dumadaan ako ay kusa namang umiiwas ang mga nadadaanan ko.

Did I really scare them that much? Para silang mga bubwit na umiiwas sa pusa.

Pumalakpak ako ng tatlong beses. "Meron naman pala eh! Dapat niyo siyang gayahin ah, huwag puro damot mga Putangina niyo!" I said. Binalingan ko ang nerd na nagpahiram sa akin ng ballpen.

"Anong pangalan mo taba?" I asked him.

Nakita kong nagtaas baba ang lalamunan niya. "L-Lux."

"I owe you one." I said bago ko siya tinalikuran papunta sa pwesto ko.

Marahas kong binuksan muli ang aking bag upang kumuha ng yellow pad. Kapag hindi naman ako gagawa ng task na ito eh baka malaman pa ng matandang principal na hindi nanaman ako gumawa ng assignments chuchu at ipalinis nanaman sa akin ang maruming boys room. And never in hell I'll do that again. Mas mabuti nang matortured ang utak ko kesa ang katawan ko sa kakakuskos ng inidoro.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon