THIRTY-TWO

258 8 0
                                    


Pinagpo-pokpok ko ang dibdib ko gamit ang aking kamao. Lahat ng sakit ay ibinuhos ko. Ni hindi ko maramdaman ang sakit na iyon dahil nangingibabaw ang sakit na nasa loob mismo ng dibdib ko.

"Tangina!"

Ang sakit parin! Kahit anong gawin kong pokpok sa dibdib ko ay wala, hindi parin maalis yung sakit. Sa huli, napahawak nalang ako sa ulo hanggang sa unti unti nang tumigil ang pagtulo ng mga luha ko.

May nag-abot sa akin ng panyo. Pag-angat ko ng tingin, it was Cormac. Magulo ang buhok nito at seryosong nakatingin rin sa akin.

"Bakit dito ka pumunta? Ang dilim sa gubat na ito, maligaw ka pa." nakapamulsa niyang sabi.

Hinablot ko mula sa kaniya ang panyo. "Wala akong pakialam, buti nga iyon kung mawala man ako dito hindi na ako mahahanap ni dad."

"Tsk, mahahanap ka parin, baliw ang daddy mo."

"Like you." balik ko sa kaniya.

"Baliw sa'yo." nakuha pa niyang magbiro sa sitwasyon kong ito? Damn him!

Sinamaan ko ito ng tingin. "Wala ako sa mood para magbiro Cormac." I said in a warning tone.

"Kita ko nga. Yung sipon mo nga sasayad na sa lupa eh."

Gustong gusto ko siyang tadyakan, balian, ihagis at ibitin ng patiwarik. Kaso, hindi ko magawa dahil nanghihina pa ako. I'm still broken hearted godamn it!

"Isa Cormac, kita mo bang nasasaktan ako huh?" Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Inayos ko muna ang damit ko saka itinali ko naman ang nagulo kong buhok.

"Sha nga pala, advance goodbye sa'yo para bukas."

Bumuga muna ako ng hangin. I'm still not ready. "Yeah..." I will miss this place. The Castilleja? Dito ako natuto sa lugar na ito. Dito ko naramdamang importante ako. Dito ko naramdamang lumaki ako. I grow in this place, not physically but emotionally. Dito ako lumaki.

"I will miss this place."

"You did a good job, you're a very strong woman." sabi niya. "Zeref told me everything you did."

Natawa ako sa 'very strong woman' niya. "Tsk, a strong woman who cannot even fight for her man." I said. "By the way, pakisabi sa pinsan mo fuck you sabihin mo galing sa akin."

Ngumisi siya. "Makakarating boss."

He even salute to me. Hindi talaga siya magsiseryoso. Naisip kong kawawa ang magiging girlfriend niya, mamatay sa konsimisyon sa kaniya.

Tinanggihan ko si Cormac na ihatid niya ako sa bahay ng matanda. Uuwi na ako, hindi ko na tatapusin ang TCN. Kailangan ko pang ihanda lahat ng mga gamit ko paalis dito, including myself, kailangan ko pang ihanda ang sarili ko.

Habang naglalakad ay napaisip ako. Kaya ko ba? Kaya ko bang kalimutan siya? Tsk, mukhang hindi na. I know, sa mga oras na ito kinamumuhian niya na ako. Sa lahat ba naman ng mga masasakit na mga sinabi ko sa kaniya kanina. I'm sure, sinusumpa na niya ako ngayon.

Napadaan ako sa gate ng CCC. Tumigil ako sa harapan mismo ng gate. Hindi ko aakalain na pati ang pisting lugar na ito ay mami-miss ko rin, well, including that hairless principal. Naisip kong pumuslit saglit, kahit sa huling pagkakataon man lang makita ko muna siya. Kahit sa malayuan mapagmasdan ko man lang siya.

Pumasok ako sa loob ng gate. Malakas na tugtug ang agad na bumungad sa akin. My Valentine by Martina McBride ang kanta.

Hanggang sa labas lang ako ng gymnasium, dahil parang hindi ko kayang pumasok. Nakita kong by partner ay nagsasayawan sila, mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko rin sila Flor at Uly na nagsasayaw.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon