TWENTY-SEVEN

255 14 0
                                    


Pinapasok na ang mga bisita kuno sa loob. Nakahanda na ang bakuran para sa kasiyahang magaganap.

Nakasimangot ako habang nakasunod kay Cormac papasok, masama ang tingin na ipinupukol ko sa gagong ito. Litse siya! I already made myself clear to him that I don't like visitors. Litse siya, papatayin ko talaga ang gonggong na ito.

Pero mas inis ako kay Flor at kay Ulysses ngayon.

"Happy Birthday ulit Arya."

"Happy Birthday."

"Happy Birthday."

Tanging tipid na ngiti lang ang isinusukli ko sa kanila. Hindi ko magawang magsaya lalo na't umuusok ang ilong ko sa kanilang dalawa.

"Ano? Magsimula na tayo?!" sinimulan ni Cormac ang 'ritwal' para magsimula na kami. Ngunit ang atensiyon ko ay nakapako parin kina Ulysses.

Nakita kong inaasikaso na nina tanda at chacha ang mga uninvited guest ko habang ako ay nakasimangot lang sa may sulok. Nakaupo ako sa may silya, sa tabi ng tanim ng bayabas ni tanda. Pinagmamasdan ko lang sila habang masayang kumakain ng barbeque.

Tsk, it's my birthday, dapat ako ang mas masaya dito, bakit nga ba hindi ko magawang magsaya ngayon, gayong nandito na si Ulysses? Di'ba ito naman ang gusto ko?

I saw how they laugh at each other. Nakita kong may pinagkwentuhan silang dalawa kaya sila natatawa. Gustong gusto kong lumapit sa kanila at makisali sa kung anong pinag-usapan nilang dalawa. Haist! Ang hirap nitong ganito.

Tinungga ko ang isang can ng beer. Lumapit naman sa akin si Cormac, pagsayaw sayaw pa ito habang nakikisabay sa beat ng tugtug na piniplay nila ngayon.

Buti pa itong lokong ito nakuha pang magsaya samantalang ako ay nababanas na.

"Hey birthday girl, bakit hindi ka makisali sa amin, nagmumukha kang loner diyan sa tabi ng bayabas mo."

Inirapan ko siya. "Shut up!" mariin kong sabi dito.

Katulad ng palagi lang niyang ginagawa ay tinawanan niya lang ulit ako. "Aba, nagsusungit nanaman si boss ah, ano namang kinakahaba ng nguso mo diyan."

Hindi ko siya sinagot, uminom lang ulit ako ng beer. Pang ilan ko na ba ito? Nang maubos ay itinapon ko lang sa kung saan ang can saka kumuha pa ng isa sa tabi kong ice box. Dumating si Cormac ng may dalang silya saka tinabihan ako.

"Okay, katagay mo ako ngayon." kumuha siya ng isang latang beer saka nakipag tagay sa akin.

"So, bakit ka nga nag-iisa dito?" basag niya sa katahimikan ko.

"Dahil wala akong kasama dito kaya ako nag-iisa, huwag kang tanga." I said, stating the obvious.

"Oww... Grabe ang sungit talaga." humalakhak siya. Ako naman ay nanatiling nakatuon sa mga uninvited guest malapit sa may bon fire.

"Pero kasama mo na ako ngayon..." sabi nito saka tinungga ang beer niya. "Pero sa iba ka parin nakatingin." mahina niyang sabi ngunit sapat na iyon upang marinig ko.

Kunot noo ko siyang tinignan. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ko ang ekspresyon ng kaniyang mga mata, salamat sa liwanag ng buwan at ilaw na nanggagaling sa harap ng bahay ni tanda. I saw a glimpse of sadness and pain through his eyes, saglit lang iyon ngunit agad ring napalitan ng mapaglarong ekspresyon na palagi niyang ipinapakita sa akin.

"Huh?"

"Tsk." ginulo niya ang perfectly braid kong buhok. Tinapik ko ang kamay niya, nakakainis litse! Ang tagal kong nagpaayos kay chacha ng buhok tapos sisirain niya lang.

"Hays, minsan talaga nasosobrahan ng pagkamanhid ang tao noh?" sabi niya sa sarili. "Pinaglihi ka ba sa pain reliever?"

"What!?" mas lalong nanliit ang mga mata ko. Hindi ko siya naiintindihan. Pinagloloko na yata ako nito.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon