THIRTY-FOUR

392 13 2
                                    


Years later...

Arya

I wipe my tears and slowly put the letter and the necklace into the box. Kahit na paulit-ulit kong binabasa ang sulat na iyon ni Ulysses ay hindi ko parin maiwasang maiyak.

Sumandal ako sa aking swivel chair saka pinaikot ikot iyon. I wonder how is he? Wala na akong balita sa kaniya simula no'ng umalis na ako ng Castilleja. Ang huling balita ko tungkol sa kaniya ay nung nakalaya na daw siya sa kulungan. Bumuntong hininga ako.

It's been nine years now.

Marami na ang nangyari sa buhay ko. I quit studying tourism, lumipat ako sa kursong business. Okay lang naman din sa akin na lumipat ako, I was studying tourism back then to annoyed my dad, ang gusto kasi non ay mag political science ako. I don't want to take that course, ayokong sumunod sa kaniyang yapak.

After that incident, kinausap ko si dad non na tulungan si Ulysses na makalaya. And of course he insisted. So I don't have a choice kundi ang pumayag sa gusto niyang ipakasal ako sa iba. He promised me to help Ulysses but in two conditions, marry Xander and forget about Ulysses. Pumayag ako dahil sa desperada na akong tulungan si Ulysses. Napapikit ako ng maalala ko kung gaano ako nagmakaawa kay dad non.

He's so heartless back then, but now... He's sick. Simula no'ng natalo siya sa politika dahil sa issue na iyon ay naging masakitin na siya. At kahit na sobra sobra ang galit ko sa kaniya ay hindi ko parin siya kayang pabayaan. After all, he's still my dad, my father, at napatawad ko na siya, at isa pa, nakakapagod kumimkim ng galit. I want to move on and move forward, at magagawa ko lang iyon kapag napatawad ko na siya.

I learned so much lesson from my past. At dadalhin ko iyon hanggang sa dulo ng buhay ko.

Pumikit ako. Inaalala ang mga masasayang ala-ala ko sa Castilleja. Including the first time I met Uly. Kamusta na kaya siya ngayon? Sinubukan kong magpaimbestiga tungkol sa kaniya noon but dad discovered it, at hinaharangan niya ako. Ngayon, ngayon na malaya na ako, susubukan ko ulit na hanapin siya. At sinimulan ko sa pag-uwi ko ng Pilipinas.

"Madame Aria?" my secretary entered.

Mabilis kong inayos ang sarili, pati ang mga mumunting luha sa aking mga mata ay pinunasan ko narin, shucks! I have to fix my eyelashes.

"Yes?"

"Your mamá is here, she wants to talk to you." my secretary told me in her accent.

"Yes, let her in." I ordered.

Tumayo ako upang salubingin ang aking ina. Yep, we're cool now. Kung kinaya ko ang mapatawad kay dad, dapat kay mom din. I was being fair to them as their only daughter.

"Mamá!" masaya kong bati sa kaniya saka niyakap siya ng mahigpit. She kissed my cheeks like she always do.

"My beautiful darling, how are you? How's your work here? Are you having a hard time? If so, tell me, I will tell your uncle then." she said in her local accent.

By the way, she's half American and half Italian but she lives here in Paris.

I chuckled. "No no mamá, I'm having a good time here, see? Tumataba na nga ako."

Tumawa siya. "Yeah, I noticed you gained a lot."

Umupo kaming pareho sa may couch. Kahit may edad na si mom you can still see her beauty, no wonder why dad fall in love with her. Ikaw ba naman ang Paris super model noon. Habang tumatagal ang tingin ko sa kaniya, para lang akong nananalamin. Namana ko sa kaniya ang mga mata ko, kutis at at hugis ng mukha. She smiled to me sweetly.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon