FIVE

364 18 0
                                    


“Sir, ang ginawa niya ay hindi katanggap tanggap! Akalain mo't sinipa at sinira niya ang pinto habang nagkaklase ako. Napakawalang galang ang ginawa niyang iyon sir principal-”

Prente akong nakaupo habang naka cross ang dalawang braso ko. Psh, I'm currently here in the principal's office because this old weird beard looking professor of mine reported me here. Kung maka react ito ang OA, sinipa ko lang naman ang pintuan ng classroom niya kung makaasta ay parang nakapatay ako ng tao sa harapan niya!

“Sir, ang mga ganitong uri ng estudyante ay hindi dapat pinapapasok dito sa ating eskwelahan! Madudungisan ang pangalan na'tin kung hahayaan nating mag-aral ang isang-” Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya pinandilatan ko naman siya ng mata.

“Look at her Sir principal, she's not even feel sorry for what she did earlier! And look at her looks, ganito ba ang itsura ng tamang estudyante?” Inilahad niya ang kamay sa akin. “Para siyang...”

"Oh ano?" paghahamon ko dito.

“Para siyang... Black lady.”

Naiinis na talaga ako sa baklang kaharap ko ngayon ah. Kung makapagpintas siya akala mo kung sinong bakla.

“So, I look like a black lady huh? Eh kung bigyan kita ng black eye-”

“Enough! Tama na ang bangayan niyong dalawa, baka nakakalimutan niyong nasa harap ninyong dalawa ang principal ng eskwelahang tinutuntungan niyo!”

Umirap nalang ako sa kanila. As usual ako nanaman ang magmumukhang kontrabida dito. Well, sanay nanaman ako, na ako palagi ang mali.

“Tignan niyo na sir? Wala siyang galang, hindi niya alam ang salitang galang, buti pa ang mga kinder marunong nang gumalang siya hindi. Miss.” Binalingan niya ako.

“Nagkamali ka yata ng eskwelahang pinasukan, kailangan mong bumalik sa kinder dahil ang ugali mo ay doon na babagay, mas mabuti pa ang mga kinder students-”

“Eh ba't di ka nalang sa kinder magturo?” putol ko rito.

“Tignan niyo na sir-”

“I said enough! Okay? Tumigil na kayo.” Pareho kaming nanahimik nang magsalita ang kalbo, principal yata nila rito.

Psh, sumbungerong bakla naman. Pa'no ba iyan naging professor dito? Hinilot ko ang sintido ko, sasakit ang ulo ko kapag nagtagal pa ako dito kasama itong professor na ito.

“Sir Scarleto, we can't kick her out. She is our qualified students and officially enrolled in this school,” sabi nung principal. Iyun naman pala, hindi naman pa pala ako maki kick out.

“But-”

“Sir Scarleto, pagpasensiyahan mo na siya, she's from the city and exposed to the millinial world, alam mo naman ang mga kabataan ngayon? As we, teachers/proffesors should have a long patience for our students and guide them. Hindi solusyon ang pag kick out sa kaniya, take this a challenge, teach her our culture here and beliefs, marami pa siyang dapat malaman tungkol sa Castilleja. She need a guidance not a kick out.”

Tila natahimik naman ang baklang professor sa sinabi ng principal. For the first time, I'm surprised, sa akin kumakampi ang tadhana.

“Bravo!” I said while clapping my hands. “A very well said sir Principal, so... Are we done here? Cuz I really have to go.”

“Not yet Miss Teves. May pag-uusapan pa tayo. And Sir Scarleto? ” The principal look at the professor.

“You are free to go,  thank you for reporting this case, I appreciate that.” Ngumiti ito.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon