NINE

284 13 0
                                    

Natapos ang araw namin, ay kalahati palang ang natatapos namin sa report na ginawa namin sa bahay ni Flor. Papauwi na kami ni Vicky medyo madilim na ang paligid, it's six fifty in the afternoon and I don't think kung makakayanan ko pang maglakad dahil sa sobrang sakit ng mga paa ko.

Na flat kasi ang sinasakyan naming tricycle ni Vicky kaya heto kasalukuyan kaming naglalakad ngayon pauwi sa amin, kay tanda.

"Eihh Arya, baka hindi kita mahahatid sa inyo ah, it's getting dark na kasi and I have to show myself to pudrakels and mudrakels ko eh."

I glared at him, a deadly glare.

"Ano?! Hoy! Hindi mo ako pwedeng iwan, ikaw ang nagdala sa akin sa sitwasyong ito kaya ibabalik mo ako kina tanda, kung hindi pupudpudin ko iyang ngipin mo at i-mumudmod ko yung nguso mo sa putik."

Litse! May balak pa talagang iwan ako dito? Kung minamalas ka nga naman oh, medyo malayo layo pa ang lalakarin ko papunta sa bahay ni tanda at isa pa, medyo dumidilim narin.

"It's all your fault!" I hissed at Vicky.

"Oh ba't kasalanan ko pa?" he asked.

"Di'ba sinabi ko namang hindi ako makikipag kooperate sayo sa report report na iyan. At wala rin akong pakialam kung bumagsak man ako o hindi, pero pinilit mo parin ako! Now look at us now! We're in the middle of.... Shit!"

Namewang siya. "Hoy! Pwede ka namang tumanggi di'ba? Ba't sumama ka?"

Napaisip ako. Oo nga naman, pwede ko siyang tanggihan o di kaya takasan siya o bugbugin siya kung ipipilit niya talaga but... Why on earth did I cooperate with him?!

*Aaawwoooooo~*

"Oh my goshhh!" sa sobrang takot nito ay napakapit siya sa balikat ko, halos sakyan na niya ako.

"Anu ba bakla?! Bitiwan mo nga ako." tinulak ko siya ng bahagya pero agad din namang lumapit sa akin at kumapit sa braso ko kaya winawaksi ko naman iyon.

"Bitiw! May lahi ka bang butiki ha at-"

Hindi na niya ako pinatapos dahil tinakpan na niya ang bibig ko sa kaniyang palad.

"Shhh... Huwag ka ngang maingay! Baka marinig ka ng mga aswang." he said.

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Twenty first century na naniniwala pa siya don?

"Huh! Walang aswang at kung meron man ikaw yun, at pwede ba! Get off me!" matagumapay kong naiwaksi ang braso ko sa kaniya pero agad nanaman siyang kumapit sa braso ko ng may umalolong nanamang aso.

*Aawwoooooo~*

"See? May aswang kaya, oh my I'm scared."

Umikot ang dalawang eyeball ko sa ka OAhan niya. Bwesit naman ito.

"Walang aswang Vicky, kaya mas mabuti pang maglakad nalang tayo at ihahatid mo ako sa gusto mo!" I said before I started walking, bahala siyang maiwan diyan.

"Hey wait for me!" hinabol na naman niya ako saka kumapit nanaman sa braso ko. "Huwag mo naman akong iwan, ang laki pa naman ng buwan, sabi nila pag ganito raw may mga lamang lupa raw na nasisilabasan."

Tumingala ako sa kalangitan, yes, ang laki ng buwan kaya sobrang liwanag ng paligid but still, hindi naiaalis ng liwanag ng buwan ang panganib na makakaambang sa amin. Not ghost related, what I mean is yung mga buhay, like kidnappers or snatcher and holdapers.

Kaya mas maging maingat dapat kami. Lalo na ngayon na kami lang dalawa ni bakla ang nasa daang ito.

"Gezz, Arya, parang hindi na talaga kita mahahatid sa inyo." hinampas ko sa braso si Vicky. Malakas iyon kaya lumagapak iyon sa balat niya.

THE MAN WHO CAN'T SPEAK (COMPLETED ☑)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon